CHAPTER SIX

1.3K 35 3
                                    

Serenity's POV

"Girlfriend?..."

Napatingin ako sa likod ni Draco at nandoon nakatayo si Lucas at kita sa mukha nito ang pagtataka.

...

..

Agad akong kumuha ng alak at wari'y may nag-oorder.

"Lucas! My friend!! Nandiyan ka pala sa likod namin.."

"Anong girlfriend ang sinasabi mo?" Tanong ni Lucas at lumingon sa akin.

"Ahmm...ako diba girlfriend mo kaya yun..." sabi ko nalang at nagsimula na ulit sa trabaho.

"Ahh...ganun pala. Draco mukhang wala ka yatang kasamang babae ngayon?"

"Meron, si Serenity.."

Agad akong napatingin ng masama kay Draco dahil sa sinabi niya. Anong babae? Kailanman ay hindi ako naging babae niya. Kung wala lang ako sa trabaho ay pinaghahampas ko na yang mukha niya.

"Si Serenity?" Gulat na sabi ni Lucas.

"Oo, Si Serenity, diba babae siya at siya pa lang ang kasama ko kaya yun. Ikaw talaga Lucas, masyadong seryoso sa buhay. Oh! Uminom ka ng alak, kape ka ng kape ehhh"  pabirong sabi ni Draco. Nakita ko ang simplemg pagtawa ni Lucas at ininom ang inabot nitong alak. Lumayo muna ako sa dalawa dahil may mga nag-oorder ng alak.

Ang awkward lang kasi, nagpapanggap ako na girlfriend nilang dalawa sa ibang sitwasyon. Nakakainis kasi itong si Draco, kung hindi lang siya salita ng salita ay sana isang problema lang ang dinadaanan ko. Kung sakaling uuwi lang ang parents ni Lucas.

Teka, pati rin kay Draco ay alam na boyfriend ko si Lucas.

Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit niya sinabi kay Nicole na boyfriend ko siya.

Bakit sinabi niyang 'siya' ehh si Lucas ang boyfriend ko kuno.

Napatingin ako kay Draco na kausap si Lucas. Nakatalikod sa akin si Lucas kaya si Draco lang ang nakikita ko.

Nakikita ko ang pagtawa niya at ang mga ngiti niya kapag kinakausap siya ni Lucas.

Sa bawat tawa niya habang umiinon ng alak ay parang nakakahawa ang pagtawa niya at hindi ko maiwasang ngumiti din.

"Miss..martini nga.."

Parang slow motion ang nangyayari kay Draco na nakakapagtaka dahil nangyayari yun.

"Miss?"

Nakatingin lang ako sa kaniya at ang nakakagulat ay bigla lang siya kumindat sa akin. Napakunot ang noo ko. Hindi siya nakatingin sa akin pero kumindat siya.

At tama nga dahil dumako ang tungin niya sa akin at ngumingisi na ito.

"Miss bartender!"

Napatalon pa ako sa gulat ng hinawakan na ako sa braso at bahagyang niyugyog.

"Amm sorry, ano yung gusto mo?"

"Martini sabi ko"

Habang inaayos ko ang order nung babae ay nakarinig ako ng tawa. Talagang malakas na tawa, Napatingin ako sa tumatawang Draco habang nakatingin sa akin. So, ako ang pinagtatawanan niya.

Dahil nadistract ako sa kaniya kaya hindi ko nagagawa ng maayos angbtrabaho ko.

Oo, nadidistract ako sa kaniya.

Distraction siya sa buhay ko.

Habang nagtatrabaho ako ay puro boses nalang ang naririnig ko at boses lang naman yun ni Draco. Sinandya niyang lakasan ang pagtawa at boses niya para madistract ako.

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon