CHAPTER TWENTY-ONE

1.3K 35 0
                                    

Serenity's POV

"Sasama ka sa trabaho ko pero umarte kang parang wala ka doon.."

"Bakit? Ayaw mo akong makita doon?"

"Hindi naman, baka ano....AYAW KONG TUKSUHIN AKO NG MGA KASAMAHAN KO!"

"oo na, huwag ka nang sumigaw. Ang sakit sa tainga..."

Umayos nalang ako ng upo sa kotse niya.

Papunta kami ngayon sa trabaho ko. Hindi alam ni mama kung ano yun basta mag-ingat lang ako. Ang anak ko naman ay busy sa kwarto, hindi pa rin daw siya makapaniwala na ganuun daw karami ang mga laruan niya.

Masaya ako dahil masaya ang pamilya ko.

Napatingin ako kay Draco na nagmamaneho ng sasakyan. Gusto ko siya, oo. Gusto ko siyang makasama, oo. Pero ang mahalin siya ay nangangamba ako. Parang may nagsasabi sa akin na masasaktan lang ako sa taong ito.

Hindi parin nawawala ang pangambang iyun kahit na magkasama na kami sa iisang bahay.

Minsan ay naiisip ko na magkasama lang kami dahil sa anak namin. Pero ganun din ang gusto ko.

Nakarating kami sa bar at iilan pa lang ang mga tao. Alam na ni Lucas ang lahat kaya wala nang panggapan na mangyayari. Ang problema lang ay ang parents nito. Ang sakit naman na makita silang masasaktan kapag sinabi namin o niya ang totoo.

"Serenity!" Tawag sa akin ni Lucas. Namiss ko siya.

Pupuntahan ko na sana siya ng may umakbay sa akin. Napatingin ako sa paligid at nakikita ko ang mga kasamahan ko na nakangisi. Hindi nila kasi nakikita ang nangyayari sa akin dahil maraming tao pero ngayon na unti palang ay talagang nakikita na nila ako.

At nakakahiya iyun.

"Draco, ano ba? Ano yung pinag-usapan natin dalawa kanina?"

"Wala na ngayon..."

"Serenity! Ang tagal nating hindi nagkita. Kamusta ka at ang.....anak mo?"

"Anak namin..." sabat ni Draco.

Napatingin si Lucas kay Draco at halata ang gulat nito.

Hindi ko ba sinabi sa kanya ang buong impormasyon.

"Ang alam ko lang na may anak ka, gaya ng sabi mo nung tinawagan mo ako. Hindi mo sinabi sa akin na siya ang ama ng anak mo.."

"Sorry, akala ko ay nasabi ko na.."

"Ok lang.." inabot niya nag kamay ko at hinawakan ako doon.

"Masaya akong makita ka ng ilang buwan, at nakapang-bartender ka? Hindi mo na ngayon. Gusto ko munang makasama ka.."

"Ehemm!!!"

Napatingin kaming pareho ni Lucas kay Draco na nakaakbay pa pala sa akin.

"Kasama niya ako dito, at kung hindi naman pala siya magtatrabaho ay uuwi nalang kami.."

"Draco!"

Napatingin sa akin si Draco at nagsalubong ang mga kilay nito.

"What?! Gusto mong makasama siya rito? At ano? Mag-iinuman kayo? Kayo?!"

Huminga nalang ako ng malalim. Naiintindihan ko naman siya dahil kung siya rin naman ay papauwiin ko nalang. Humarap ako sa kaniya at hinawakan ang pisnge niya. Hindi ko alam kung tatalab ba ang gagawin ko dahil kung hindi ay ilulublub ko nalang ito sa kubeta.

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon