CHAPTER NINETEEN

1.3K 33 0
                                    

⚠⚠ SPG ⚠⚠

Serenity's POV

Ilang linggo na ba ako nandito? Mga buwan na rin siguro. Hinintay kong gumaling na talaga ang anak ko. Bumalik na sina Nicole sa bahay nila.

Kaya ngayon ay nandito ako, nakaupo sa upuang gawa sa kawayan habang pinapanood ang mag-amang naghahabulan. Sinasaway ko na nga sila dahil kagagaling lang.

Sa susunod na linggo ay babalik na ako sa Maynila. Nakausap ko na si Lucas at sinabi niya na may maaabutan pa akong trabaho sa bar niya pero sa coffee shop ay wala na. Natanggal na ako doon pero ok lang.

Makakausap ko naman si Lucas na doon na talaga ako magtrabaho sa bar niya.

"Tama na yan! Basa na kayo ng pawis, para namang bata tong si Draco.."

"Ngayon na nga lang kami naglaro, at saka exercise ito hindi mo alam.."

Napatingin ako ng masama kay Draco, anong walang alam.

"May alam ako, at alam ko ay kailangan ng punasan ang anak ko dahil pawis na siya.."

Nagtagal ako dito sa lugar namin kaya nalaman na nang mga kababayan ko dito na anak ko si Drake. Nagsimula na ang mga usap-usapan sa akin at sa anak ko at sa lalaking kasama ko. Wala na akong pake kung pag-usapan nila ako.

Ilang linggo din naman ay natapos na ang usapan sa akin at ilan-ilan nalang, hindi parin sila makamove on sa akin.

Nagpatuloy ulit sa paglalaro ang dalawa ng mapunasan ko na sila. Nakakainis kasi parang bata si Draco na nagpapunas pa sa akin.

Pero sa loob-loob ko ay nakakaramdam ako ng saya dahil ganun si Draco. Kahit na naiinis ako sa kaniya ay gusto ko siya--

Wait, kusa bang lumabas sa isip ko yun.

No! Babaero siya, wala siyang ginawa kundi inisin ka lang.

Hindi!

Napatingin ako kay Draco at sakto ring napatingin ito sa akin at kumindat bago naglaro sa anak ko.

Bigla nalang ako nakaramdam ng pagkabilis ng tibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko at ramdam ko ang pagtibok ng puso ko.

Hindi kaya..

Totoo nga.

Na may gusto ako kay Draco.

Na may gusto ako sa ama ng anak ko.

Wala naman sigurong masama.

Napatingin ako sa tabi ko na may umupo doon. Si mama yun at may dalang plato na may niluto niyang kakanin.

"Ang ganda nilang panoodin, yung nagsasaya ang mag-ama mo. Gustong-gusto kong mangyari sa akin ang ganito noon. Nung ganyan ka pa kabata sa anak mo pero wala ehh, naiwan ako. Pero masaya pa rin ako kasi nandito ka sa tabi ko. Pero nang malaman kong nabuntis ka at hindi mo masabi kung sino ang ama ay nalungkot talaga ako." Kwento ni mama habang nakatingin sa dalawang naghahabulan at naglalaro na ng bola.

"At ngayong kompleto na kayo, anak..." Napatingin sa akin si mama at hinawakan ako sa balikat...." huwag mo nang sayangin ito, magkasama na kayo. Kompletong pamilya na kayo, masaya ako sa kinalalagyan mo ngayon. Masaya ang anak mo dahil kasama nito ang ama niya. Alam mo namna ang ibig kung sabihin diba..."

Tumango lang ako sa sinabi niya. Sa totoo lang ay wala akong planong ipaglayo sila masaya ako sa nakikita ko ngayon.

Masaya ang anak ko then doon ako sa ikinasasaya niya.

Lost and Found Where stories live. Discover now