CHAPTER TWENTY

1.3K 32 1
                                    

Serenity's POV

"Aalis na kami bukas baby boy...kailangan matapos mo muna ang school year para hindi na mahirap kapag lilipat na kayo.."

"Mommy mamimiss ka po kita, mamimiss ko po kayo.."

"Serenity, pwede naman siyang lumipat na ngayon, ako na bahala sa lahat..."

"Saan sila magstay kung ganun?"

"Sa bahay ko, isa ko lang naman doon. Katulad din sa bahay nina Clay. Maraming kwarto at sa tingin ko ay sakto lang sila doon.."

Napatingin ako kay Draco na seryoso siya na dion patirahin ang pamilya ko.

"Draco, hindi purket alam mo na na anak mo si Drake ay kailangan ay kargo muna sila. Maaari lang kay Drake pero hindi sa lahat. Naiintindihan mo ba ako?"

"Come on Serenity, magiging pamilya ko din naman sila. Ano ba ang bago doon?"

"Pamilya?"

"Sa tingin mo ba ay pakakawalan ko pa kayo? Ngayong may anak na tayo ay sa tingin mo ba ay pakakawalan pa kita.."

"Wala tayong nararam--"

"Ilang beses na natin ito pinag-uusapan. Bakit hindi natin subukan Serenity.."

"Babaero ka?"

"Hindi ko iyung gagawin lalo na at nandito ka na.."

Napatingin ako sa kaniya at para bang kinikilatis ko siya. Hindi kasi ako maniniwala sa basta labas sa bibig.

Wala namang masama kung susubukan namin diba? May anak na kami kaya dapat mas iniisip namin ang kasiyahan ng anak namin at ang gusto ng anak namin ay kompletong pamilya.

"Sige na Serenity, para namang wala pang nangyayari sa atin. Baka nga may another baby na parating na sa atin..."

Agad ko siyang hinampas sa braso dahil sa sinabi niya. Ang hirap kayang manganak.

"Bakit Serenity? Sakit mong maghampas, lagi ko kayang tinatanim sa loob mo. Kaya posibleng mabuntis ka.."

"Hindi pwede.."

"Bakit hindi pwede.."

"Dahil magulo pa.."

Napatingin ako sa anak ko na nakatingin sa akin. Agad na napalaki ang mata ko dahil nandito para sa harapan namin ang anak ko.

"Ma, may another baby na!"

"Biro lang ng daddy mo yun.."

"Owww ganun.."

Napatingin ako sa bahay at sa buong lupa namin. Sayang naman kung walang titira dito. Dito napunta lahat ng pinaghirapan ko. Pero may mga kamag-anak si mama na pwedeng dito na sila kapag wala na kami.

"Ma, mag-impake na kayo pala."

"Isasama mo kami anak. Pero paano itong bahay natin. Ang mga alaga natin."

"Diba nakikitira lang yung pinsan mo sa boarding house dito sa atin. Pwedeng dito nalang siya ma. Siya muna maghawak sa mga alaga natin.."

"Pwede din, iko-contact ko na siya.."

Ginawa naman ni mama iyun. Napatingin ako kay Draco na nakatingin lang sa akin.

"Ano na?" tanong niya sa akin.

"Papayag na ako.." nakita ko ang paglaki ng mata nito. Agad na sumilay ang ngiting gustong-gusto kong makita sa kaniya.

Agad niyang hinawakan ang pisnge ko at hinalikan ako sa labi.

Lost and Found Where stories live. Discover now