CHAPTER TWENTY-EIGHT

1.6K 37 2
                                    

Serenity's POV

"Huwag kang masyadong gumalaw-galaw. Mabinat ka!! Ang kulit naman, mas makulit ka pa sa anak mo.."

Nakasimangot na bumalik sa pagkahiga si Draco.

"Kainis, gusto ko lang namang umupo.."

Masaya akong malamang ayos na Draco. Ang pagkagising niya ay parang panibagong buhay para sa akin. Ang mga oras na nakahiga siya sa kama na ito at walang malay ay nagpapasikip ng dibdib ko.

Masakit makitang nasa ganito itong kalagayan at mas masakit pa dahil isa ako sa dahilan kung bakit itong ganito.

Ang mga magulang nito ay nasa bahay ni Draco at kasama si Drake. Ang kasama ko dito ay si mama lang.

"Anak, babalik na ako doon. May usapan kami ng Dahlia.."

"Huh?" Anong pinagsasabi ni mama?

"Patungkol sa halaman. Nakakatuwa nga dahil pareho kaming mahilig sa halaman.."

Tumango-tango nalang ako. Tumayo na si mama at lumabas na sa pinto. Ngayon ay kami nalang ni Draco dito.

Napatingin ako kay Draco na siya naman ay nakatingin sa akin.

Walang nagsalita sa amin. Tahimik lang.

Napatingin ako sa kamay ko na hawak niya.

"Ok na ba tayo?"

"Ikaw? Ok na ba tayo?" Balik kong tanong sa kaniya. Napatingin ito sa akin at simpleng ngumiti.

"Hindi ko alam, ang alam ko lang ay gusto kong maging maayos tayo.."

"Maayos naman tayo..."

"Sa harap lang ng pamilya natin.."

Napayuko ako at kinagat ang ibabang labi.

Natin..

Pamilya natin...

Ang sarap lang pakinggan.

"Serenity, kung tatanungin mo ako ay ikaw ang pipiliin ko. Ayokong pagmulan natin ng away si Stephanie. Malaki ang naging parte niya sa akin at alam ko at alam mong hindi magbabago yun. Para sa akin ay isa siyang anghel, parang siya ang naging way para makilala kita. Gusto kong maging maayos tayo, hindi dahil lang sa anak natin. Kundi dahil gusto ko. Ayokong ganito tayo. Sana ay naiintindihan mo ako.."

Napatingin ako sa kaniya at hinawakan siya sa pisnge.

"Tama nga ang sabi nila. Paano nga tayo magsisimula kung dito palang ay wala na. Nang makita kitang mabangga ng kotse na yun at mahiga sa kalsada. Parang tinamaan ako ng kidlat. Doon ko narealized na walang magagawa ang pag-iiwas ko. Tama nga si Nicole na kapag may away o hindi pagkaintindihan ay dapat pag-usapan..."

"Ibig bang sabihin ay ok na tayo.."

Ngumiti at tumango lang ako. Agad itong napangiti at umupo. Sasawayin ko na sana ng hilahin niya ako.

Mabuti nalang at napahawak ako sa gilid ng kama kundi nadaganan ko siya.

"Masaya akong ayos na tayo.."

"Yung bang sinabi mong mahal mo ako ay totoo yun..."

Lumayo siya at hinawakan ako sa pisnge.

"Oo, totoo yun. Ikaw itong hindi ko naririnig na sabihin yun. Sa totoo lang ay natatakot ako na baka ako lang ang nagmamahal. Natatakot akong magmahal pero ngayon ay magiging matapang ako. Nawalan na ako ng mahal sa buhay. Nawalan ako ng ganang mabuhay. Punong-puno ako ng pagsisisi. Pero ng makita kita ng gabing yun ay parang nakahanap ako ng rason para maging maayos." Sabi nito sa akin. Hinila niya ako at pinagdikit ang noo niya sa noo ko.

Lost and Found Where stories live. Discover now