CHAPTER TEN

1.2K 33 2
                                    

Serenity's POV

Napatingin ako sa babae na basta nalang pumuluput sa braso ni Draco. Tsk! Nakakainis tignan na may naglalandian sa harap ko.

"Nandito pala kayo Draco, what a coincidence!" Sabi ni Lucas at lumapit sa akin.

"Yahh, nandito nga kayong dalawa.." walang ganang sabi ni Draco at napatingin sa akin. Umiwas nalang ako ng tingin at humawak sa kamay ni Lucas.

"Maligo na tayo.." mahinang sabi ko, wala na ang pananabik dahil sa nakita ko.

"Maliligo din kami.." masayang sabi ng babae ni Draco.

Maliligo din kami..Ang lamya ng pagkasabi niya doon.

"Sakto! Sabay-sabay na tayong pumunta sa pool." Sabi lang Lucas.

Napatingin ako sa babae na proud na proud sa suot nitong pink bikini. Yuck! Pink! Girlie....

Napatingin ako sa suot ko dahil nakasuot ako ng malaking t-shirt at maong short. May bikini naman akong panloob pero ayokong tanggalin ang suot ko.

Hinawakan ko ang laylayan at binuhol ang isang gilid ng damit. Nakita nun ang part ng bewang ko.

Para magmukhang pormahan naman kahit papaano. Si Lucas at si Draco ay halos parehas lang ng suot na naka-trouser at polo na hindi naman nakabutones kaya nakikita ang dibdib at tiyan nito.

Pareho na may binubuga ang katawan nila pero mas naagaw ng atensyon ko ay ang kay Draco. Nakakainis pero mas naa-attract ako kay Draco.

Napatingin ako kay Draco na masama ang tingin sa suot ko. Ano na naman ang problema niya, baka pakikialaman na naman niya ako. Dati ay yung iniinum kong alak sa bar tapos ang damit ko naman. Baka makakasapak ako rito..

Nauna na kami ni Lucas na pumunta sa pool. Agad na umagaw ng atensyon ko ang mahabang slide na ang babagsakan ay napakalalim na. Halos ang mga sigaw ng tao ang rinig na rinig sa lugar. Talagang masaya ang slides na yun.

Ang nakakainis lang ay ang kaya ko lang lagunyin ay kung ano lang ang height ko. Kapag lumagpad na sa height ko ang taas ng tubig ay hindi ko na kaya.

Nakakainis kasi dahil yun lang ang kaya ko. Mukhang ang babagsakan ay mahigit 8 to 9 feet ang taas. At halos puro lalaki ang nandoon. Ilan ang nakikita kong matapang na babae.

Nakakainggit, gusto ko ring magslide.

"Draco, can you teach me how to swim?.."

"Sure..." sabi lang ni Draco at gumawa na ng sariling mundo. Tinanggal niya ang polo niya at nilagay sa tabi ng pool at sabay na silang sumulong sa pool.

Napatingin ako sa buong paligid at wala akong nakikitang pareho sa suot ko. Halos lahat na nandito sa adult pool ay nakabikini at trouser lang.

Napatingin ako kay Lucas na wala na ding polo.

"Tara na, maligo na tayo.."

"Para kasing....nakakahiyang maligo na ganito ako, ako lang ang nakaganito ohh. Tignan mo sila, nakatingin na sa akin dahil sa suot ko." Sabi ko habang nakayuko.

"Amm gusto mo bang sa private poo nalang tayong maligo..."

"Gusto ko dito kasi may slides..." sabi ko sabay turo sa slides. Walang ganun kasi sa private pool. Simpleng pool lang..

"Amm..ano, anong gusto mong gawin ko" sabi ni Lucas. Napatingin ako sa lahat ng tao at sa dalawang tao na nakakainis na sa mata ko at tawa ng tawa.

Agad kong hinawakan ang laylayan ng damit ko at tinanggal yun. Nakakarinig ako ng sigawan ng mga lalaki sa kabilang dulo ng pool.

"God! Serenity, ok lang sa akin na gayan ang suot mo." Sabi ni Lucas at parang hinaharangan ang mga tao sa akin. Binaba ko na din ang suot kong maong short. Lalong lumakas ang sigawan ng mga lalaki. Kitang-kita ang kaputian ko dahil sa itim na bikini.

Lost and Found Where stories live. Discover now