CHAPTER FOURTEEN

1.3K 37 0
                                    

Serenity's POV

Napakurap-kurap ako ng mata dahil sa ginawa niya. Napatingin ako sa kaniya na pinagpatuloy ang paglapat ng damit na may yelo.

Huwag ko daw siyang iwasan, pero paano ko malalayo ang anak ko? Paano kung malaman niya?

"Pansin kong iniwasan mo ako ng simulang may...nangyari sa atin. Bakit?"

Mas nanatili nalang akong tahimik. Hindi niya bang alam na napaka-awkward. Uncomfortable ang pakiramdam.

"Hindi ko naman alam kung anonang nagawa kong mali para iwasan mo ako. Alam ko namang pareho natin ginusto yun.." sabi niya habang patuloy sa pagdampi ng damit.

"Pwede bang isipin nalang natin ang sariling buhay natin dito. Ang nangyari doon sa resort ay sa resort lang. Kung gusto mong hindi kita iwasan ay huwag mo nang ipaalala ang nangyari."

"Pero mahalaga para sa akin yun, hindi ko basta-basta malilimutan yun.."

"At bakit?"

Napatingin siya sa akin at napatingin sa hawak niya bago ipinagpatuloy ang pagdampi. Hinawakan ko yung hawak niya para ihinto.

"Bakit Draco? Marami kang babae at siguradong may nangyayari sa inyo. Importante sayo ang lahat ng mga pangyayaring iyun--"

"Sayo lang.."

"Kung ganun bakit? Dahil special ako?"

"Parang ganun na nga.."

"Then kalimutan nalang natin ito.."

Nakita kong nag-igting ang panga niya bago niya binitawan ang hawak niya.

"H-Hindi ko kaya..."

"Anong hindi mo kaya, magkaibigan lang tayo Draco, at hindi tago talo.."

Hindi siya sumagot pero tumayo at tumalikod. Napahawak siya sa buhok niya at sinabunutan iyun. Para siyang nagwawala sa sarili.

"Draco--"

"Sa tingin mo ba ay gusto ko ito. Hindi ko alam kung bakit ganito ako sayo. Minsan pinipilit kong huwag! Ang lahat ng atensyon ko ay pinuntahan ko nalang sa mga babae ko pero hindi ko mapigipan na puntahan ka. Puntahan ka sa lugar mo para makita. Ginugulo kita dahil gusto kong makita ka. Inaagaw ko ang atensyon mo sa iba dahil gusto ko ako lang ang makausap mo o nasa isip mo nalang. Hindi ko alam.... "

Napatingin siya sa akin ng seryoso at bahagyang lumapit sa akin.

"Ayaw ko itong nararamdaman ko pero mas ayaw kong mawala ito"

"Hindi ko alam, pero mas magandang iwasan din kita. Draco, naiisip mo ba ang gusto ko. P-para sa akin ay pagkakamali yung nangyari sa atin. Pagkakamaling ginusto ko nung sitwasyon yun. At yun ang klase ng pagkakamaling hindi ko na gugustuhing ulitin pa.."

Napatingin ako sa ibang direction ng nakatingin siya sa akin.

"Anong oras na, baka gusto mo nang umuwi. Pagod ako at masakit ang katawan ko. Baka dito lang din ako bukas dahil hindi ako makakapagtrabaho..."

"Hindi ka nga rin masyadong makatayo..."

"Kakayanin ko at pakiusap, huwag mong sasabihin ito kay Nicole.."

"Hindi, dahil hindi naman ako aalis rito.."

"Anong--"

"Isipin mo nalang na nandito ako dahil nag-aalala ako sayo...bilang kaibigan "

Lost and Found Where stories live. Discover now