CHAPTER THIRTEEN

1.2K 33 0
                                    

Serenity's POV

Nagda-dryer ako ng mga damit ko ng makarinig ako ng doorbell. Lumapit ako doon at nang sumilip ako sa peep hole ay nakita ko doon si Draco. Mukha siyang desperado at nagmamadali.

Hindi ko nalang binuksan para isipin niyang wala ako doon.

Dahil linggo ngayon ay may trabaho ako sa bar. Umalis na ako doon sa resort kaya may trabaho ako dito. Nakakalungkot man ay kailangan kong umalis dahil ayoko nang makita pa si Draco. At heto nga siya, nasa likod ng pintong ito.

Kailangan ko na rin bang lumipat ng pwesto. Pero ayos na ako sa pwestong ito.

Bahala siya, hindi ko nalang siya papansinin. At sa tingin ko naman ay aalis yan, hindi siya tatagal dito para hintayin ako.

Pagkatapos kong masampay ang mga damit ay agad na akong pumunta sa kama para matulog dahil may trabaho pa ako.

Nakarinig ako ng mga katok pero hinayaan ko nalang, kinuha ko ang cellphone ko at nagpatugtog doon. Sapat na para hindi ko marinig ang mga katok niya.

Ilang minuto lang ay nakatulog na din ako.

....

...

Nagising ako ng mga 2:00 pm na. Agad na akong nagluto ng makakain ko at pinatay na ang tugtog ko sa cellphone at chinarge na ito.

Nang matapos na akong magluto ay napatingin ako sa pinto ko ng parang wala naman akong naririnig nang mga katok doon. At saka napaka-imposible na din kung nandiyan pa siya.

Maaga nalang ako pupunta sa bar, mga 3:00 ...

Nang matapos na akong kumain at maligo't magbihis ay pumunta na ako sa pinto. Sumilip pa ako sa peep hole, wala na ngang tao.

Binuksan ko na ang pinto at lumabas, napatakip ako sa bibig sa gulat. Mabuti nalang at walang ingay na lumabas sa bibig ko ng magulat ako.

Nakaupo siya sa gilid. At natutulog na ito, buong maghapon siyang nandoon. Nakaramdam ako ng awa pero hindi pwede akong maawa dahil kailangan ko na siyang layuan.

Kahit na nagtatalo ang isip ko ay umalis na ako doon. Nakarating ako sa bar at may ilang tao doon. Dumadami lang kasi ang mga tao kapag mga 4 to 5 na. At dahil 3 palang ay talagang unti palang, pumunta muna ako sa CR at doon na nag-ayos ng buhok. Eto ang problema, kapag nasa coffee shop ako ay nakikisuyo ako na ipusod ang buhok ko dahil hindi ako marunong, kaya kapag nandito ako bar ay kailangan nakapusod din pero hindi ko nga alam kaya nagiging messy bun.

Pero ok lang naman daw kay Lucas dahil ang hot ko daw doon kaya ganito nalang ako.

Kung attractive ang bartender ay talagang dadayuhin ito. Kailangan kong maging ganito para dayuhin ang bar at laging may dagdag ang sweldo ko.

Wala dito ngayon si Lucas at baka nasa resort pa rin ito.

4:00 pm na at maraming tao na dito sa bar. Patuloy parin ako sa pag-aabot ng mga alak na order ng mga tao.

"Vodka..."

Agad kong kinuha ang alak sa tabi lang at naglagay sa baso.

"Here--"

Napatigil ako sa pag-abot ng alak ng makita ko doon si Draco. Sa kaniya itong vodka na hawak ko. Walang ganang inabot ko yun.

Naiinis ako sa sarili ko na dapat ay walang reaksyon ako pagmakikita siya pero natigilan ako. Nakakainis talaga...

Patuloy lang ang pagtrabaho ko, mukhang ayaw malasing nung isa dahil inuunti niya lang ang vodka na order niya.

Pasulyap na tumingin ako sa pwesto niya at may nakita akong babaeng lumapit sa kaniya at pero hindi niya ito pinapansin.

Lost and Found Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon