ch. 18

275 16 6
                                    

#EH18
Traitor

I woke up feeling dizzy and nauseous again. Mabigat ang ulo ko at iniinda ko iyon habang tumatakbo patungo sa banyo. Seymour already left this morning. I couldn't even bid a goodbye to him because I was too sleepy. The only thing that I could remember is his last words before I fell asleep again.

"I love you baby, I love your Mommy so much too. Say happy birthday to Daddy please.."

I took a bath after I vomited. Naka pag bihis na ako at handa na sa pag alis, tanging pag kain na lamang ng breakfast ang gagawin, nang madatnan ko sina Kaye at Kish sa sala.

"I trusted you! Why did you fucking do that?!"

"I'm sorry okay? Napag utusan lang ako—"

"Tangina, bakit mo ginawa? Uto uto ka?!"

Napakunot ang noo ko sa narinig. I walked towards their way. Kaye immediately saw me and I noticed how she became uneasy. Kish glanced at me while clenching her jaw, hindi ko mawari kung ano ang nakikita ko sa mukha niya. Bakas ang sakit ngunit mas lamang doon ang galit. Naka pameywang siya habang tinuturo ang girlfriend.

"Kaye betrayed us."

I remained silent while staring nonchalantly at Kaye. Nakatungo siya at mukhang guilty sa nangyayari. I don't know what to fucking feel. I just felt numb, I can't process everything in my mind.

Someone betrayed me.. but Why? How?

"She was the one who leaked and spread all the  rumors for the past weeks about you and Seymour. She's also the one who's peeking some informations about us."

Ramdam ko ang panggigigil sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Kish. I know I wasn't the only one who felt betrayed here. She was fooled by her girlfriend too. I know that Kish loves her so much but this is what Kaye did to her in exchange.

"I-I'm sorry.." napapikit si Kaye, bigong bigo ang boses.

"May magagawa ba 'yang sorry mo? Tangina, selfish mo. You didn't think about Exzerie! Buntis 'yung tao tapos gano'n 'yung gagawin mo?!"

Kaye jumped on her seat as she screwed up her eyes to Kish.

"Sinong nag utos sa'yo?" I asked instead.

Kaye bit her lower lip. Hindi na siya makatingin sa amin at puros yuko lamang ang ginagawa. Hindi ko alam kung nagi guilty ba siya o takot dahil lamang sa nahuli.

"Sino ang nag utos sa'yo?" I repeated when she didn't answer.

I don't even know why I am asking her about it. Ni hindi ko nga alam kung handa ba akong marinig ang anumang isasagot niya sa akin. It made me feel anxious. Hundreds of questions came in my mind.

What if malapit ako sa taong iyon? Paano kung gusto pala akong ilalaglag? Ipahamak? Kilala ko ba? Nakakasama ko ba? Kung ito ngang si Kaye na bago ko pa lamang na kaibigan ay nasasaktan na ako.. Paano pa kung..

Sino naman kung ganoon?

"I-i can't tell you—"

"Bullshit!" Kish exclaimed.

Her eyes were bloodshot. Pinasadahan niya ng daliri ang nagulong buhok. Her eyes sharpened as she pierced it to her girlfriend.

"Tell me, did you just court me because you wanted to get some informations about us?"

My jaw dropped off. Ganoon din si Kaye. Para siyang natauhan at binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. She quickly shook her head defensively.

"N-no, no. Kish, I love you!"

Pentacost Band Series #4 Euphonious HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon