ch. 25

451 20 16
                                    

EH25
Birthday

"Welcome back," Seymour's band mates greeted me.

I smiled gratefully. "It's nice to meet all of you again.."

Nahihiya ako. Hindi ko alam kung papaanong makikitungo sa kanila matapos nang mga nangyari noon. I don't know if they're mad or what. If they are, it's fine though. It's understandable.

"As much as we wanted to catch up with you, I guess mas kailangan niyo munang dalawa 'yon ngayon.." Windsor chuckled and meaningfully looked at me, then to Seymour right next to him.

Seymour just silently stared at me. Parang kinakabisado ang bawat linya ng mukha ko, tila ba takot na mawala ako kaya't kahit simple at mabilis na pag kurap ay hindi niya pinalalagpas. I pursed my lips when he didn't even realized that we're now alone in front of the beach.

His band mates excused themselves. Namataan ko na nandoon rin ang mga girlfriend nila sa bahay na pag mamay ari ni Seymour. I am glad that they're all still together. Sana may may tyansa pa na makausap ko sila mamaya. I missed them too.

"You still look beautiful, Exzerie.." Seymour whispered after a long silence between us. Sa sobrang hina ng pagkakasabi niya no'n, tila ba sa hangin niya iyon binulong at ngayon ay papalayo na ang mga salita dahil sa pag tangay nito papalayo sa akin.

I smiled a bit. "You look fine too."

Umismid siya at bahagyang lumayo sa akin. He sat down on the mat over the sand. He gently patted the space beside him, gesturing me to sit too. I did the same thing.

"Fine lang? Paanong fine? Hindi na ba ako gwapo sa paningin mo?" he sullenly asked. Ni hindi ko magawang makapag salita dahil mabilis niyang nadugtungan ang mga 'yon.

"I spent most of my time at the gym when you were away. Naghahanda ako para sa pag balik mo, baka kapag nakita mo na mas gumwapo ako o mas gumanda ang katawan ko, baka manghinayang ka nang iwanan ako uli—"

I cringed with his words. Agad ko siyang pinutol sa pamamagitan ng pag tapik sa hita niya. Seymour chuckled, I rolled my eyes to stop myself from laughing too.

"You never changed huh? You're still the childish and loud Seymour."

"I never really changed, ikaw pa rin nga 'yung mahal ko—"

Halos patayin ko na siya sa sama ng tingin ko. "How can you act in a situation like this? Hindi ka ba nahihirapan na makipag usap sa akin?" I ridiculously asked.

"Kung alam mo lang, Exzerie. I was just trying to lessen the awkwardness. Ayaw ko lang na hindi maganda ang atmosphere bago tayo maka pag usap ng seryoso."

"Still, you should act normal."

"Normal 'to Exzerie, hindi mo alam kung gaano ako kinikilig ngayon. In fact, mula pa kanina noong nakita kita. I am still calm, but to be honest, gustong gusto na kitang—"

I glared at Seymour's face. "What? Sige ano, ituloy mo!"

Hilaw siyang ngumisi, tila natatakot sa banta ko. "Oo na Exzerie, nandidiri ka na sa akin. Ala ko 'yon.. Lagi naman—"

"Napaka drama mo, hindi ba tayo mag uusap ng matino?"

God, I didn't expect that this talk will lead us to this kind of argument.

"Kinakabahan kasi ako!" He grunted.

"So am I!"

"Sa chat na lang kaya tayo mag usap?" he suggested.

Halos bugahan ko na siya ng apoy. Nang makita niyang seryoso ako at matalim na ang tingin na pinupukol sa kanya, tsaka siya ngumiwi at umusog ng kaunti palayo sa akin.

Pentacost Band Series #4 Euphonious HeartbeatsWhere stories live. Discover now