ch.19

305 16 27
                                    

#EH19
Gone

Bagsak ang balikat ko habang pinanonood silang isa isang lumabas ng conference room. Manager Ryle, Shawn and Alyana stayed inside. Mas lalo akong nanlamig nang magtama ang paningin namin ni Shawn.

"Let's talk."

"You guys should talk, maiwan ko na muna kayo," It was Manager Ryle.

Sinundan ko siya ng tingin habang palabas ng conference. Tumikhim si Alyana kaya't napabaling ang atensyon ko sa kanya. She's still wearing the smirk on her face. It made me snapped, so I stood up.

"Why were you like that awhile ago? Did I do something to make you mad like that?"

Napaamang siya sa tanong ko, hindi siguro inaasahan na kokomprontahin ko siya tungkol dito. Agad din naman siyang naka bawi at mapanuyang ngumisi.

"I'm not mad at you, Exzerie. I was just defending our Company. Dinudungisan mo—"

"Alyana, hindi lang ako ang nagkaroon ng issue dito sa Agency. Marami nang dumaan sa ganito pero bakit ako lang yata ang napaginitan ng ganito?"

She gasped. "W-wait, feeling mo ba napagtulungan ka?" then she tittered irritatingly. "Hindi mo ba nakita ang mga votes kanina? Almost all of us raised our hands to vote wisely. Ibig sabihin, sang ayon lang sila sa akin dahil tama naman talaga ako—"

"Hindi ba uso ang chance? You know how much I want this job! You're my friend! Nandito na ako mag mula bata, paano ako ngayong aalis ako dito—"

Eksadeharang humalakhak si Alyana, tila nang aasar pa.

"Wow! Why are you asking me about it? Wala ka bang parents? May parents ka naman, for sure magagawan niyo 'yan ng paraan."

"And yes, you're my friend but it doesn't mean that I will defend you for your mistakes. I would never justified what you did! You fooled all of us—"

"Because I don't have any choice!" I snapped.

Shawn butted in. "You didn't even think of me before you entered in a relationship with that fucking Drummer?"

Natigilan ako at napipilan sa pagsasalita. I couldn't move because I was taken aback. I had to admit that they have a point. Guilt slowly crept inside me.

"Exzerie, everyone knows that we're both in a relationship, but what did you do? Technically, you still cheated on me—"

"I'm sorry," maliit na boses kong sabi.

Sumasakit ang ulo ko habang inaabsorb ang lahat ng mga sinasabi nila. Pilit iyon na sumisiksik sa ulo ko, sinasabi na tama sila at iyon ang mga mali ko.

God, why am I so impulsive? Is it too much to ask for my happiness even just for a week? Ang dalawa hanggang tatlong linggong maliligaya kong araw na kinokonsidera ko na pinaka masayang nangyari sa buong buhay ko ay siyang pagkakamali pala sa paningin ng ibang tao.

Kasalanan ba ang maging masaya? Kahit sandali lang? Kahit tumakas lang pansamantala sa reyalidad? Masama ba? Bawal ba?

"If I were you, I would resign first before I would enter into a relationship—"

"Shut up Alyana, get out!" Shawn closed his eyes while massaging the bridge of his nose.

Napatalon si Alyana sa gulat, hindi inaasahan ang sinabi ni Shawn. Pain crossed in her face.

"W-what? Babe—"

"Damn it, get out!" Shawn snorted and pointed at the door.

Namilog ang mga mata ko sa mga narinig. My mouth gaped open as I watched the whole scene. What was that? Babe? Are they in a relationship? Kung ganoon, bakit nila ako inilalaglag kung sila rin pala ay ganoon ang ginagawa?!

Pentacost Band Series #4 Euphonious HeartbeatsWhere stories live. Discover now