Prologue

10.3K 281 26
                                    

Nagtama ang mga mata namin sa unang pagkakataon at tila may isang nagkabuhol-buhol na sinulid na naunat at nagdugtong.

Mabilis ang mga kilos niya habang papalapit sa akin, hindi alintana ang mga natatapakan na halamang gamot. Alam kong importante ang mga halamang gamot na 'yon, ngunit ngayong narito na siya, sa kaniya na umiikot ang aking mundo. Nang pagkakataong iyon, hindi ko lubusang maisaisip na kalaunan, siya ay mas magiging importante pa sa sarili kong buhay.

His aura was so strong it scared everything, including me, into silence. His hand snaked around my waist while another went to my neck, cupping it delicately, "Mate." he growled.

Ang mga mata niyang kulay itim ay kumintab at nagkulay ginto. Umawang ang kaniyang bibig at kaniyang dinilaan ang aking labi. Humaba ang kaniyang pangil hanggang sa nakasubsob na ang aming mukha sa isa't isa. Alam kong dapat akong mangamba sa nangyayari.

Taong may pangil, umiilaw ng ginto ang mga mata? Isang estrangherong bigla na lang nanghahalik? At ano itong pakiramdam na nakita ko na ang isang bagay na matagal ko nang inaasam-asam?

Sa kabila ng mga pangamba, hindi ko naggawang huminto. Labis kong nagustuhan ang ginagawa niya sa akin. Nagdulot ito ng nag-uumapaw na ligaya at sarap.

Kaya hinayaan ko siya. Sa unang beses pa lang na magtama ang aming mga mata, alam ko nang nahulog na ako sa lalaking ito. Napakabilis ngunit mahirap maipaliwanag. Hindi lang ang puso ko, alam at tanggap ng aking buong pagkatao na dumating na ang taong nais kong makasama habang buhay.

Mate.

Maging ang salitang kaniyang nabanggit ay paulit-ulit na harana na inaawit ng aking puso't isipan. Hindi pala talaga mahirap mahalin ang taong nakatakda para sa'yo.

Hinayaan ko siyang itakas ako mula sa aking tribo. Alam kong hindi sila papayag na ako ay palayain lalo na't malaki ang pagkakautang ng aking mga magulang. Utang na ako ang nagsilbing kabayaran. Bagamat marami akong natutunan mula sa kanila, hindi mawaksi na ako ay ginawa nilang alipin. Walang dahilan na tanggihan ang alok ng aking mate kaya naman hindi na ako nag-atubili na sumama sa kaniya.

Hinayaan ko siyang tratuhin ako bilang isang prinsesa katulad nang nabasa ko noon sa mga kwentong pambata.

Isang araw nakita ko ang aking mate na may kayakap na ibang babae. Pakiramdam ko sinusuntok ang aking puso nang paulit-ulit. Nagkulong ako sa kwarto, kwarto na pilit niyang binuksan. Ipinaliwanag niya sa akin kung bakit mali ang aking iniisip at ipinaramdam niya sa akin na ako lang.

Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, nagsimula akong apihin sa kampo ng aking mate. Parehong babaeng nakita kong kayakap niya ang nagpasimuno. Halos mamaga ang aking pisngi sa kakasampal ng babae. Maraming hibla ng aking buhok ang natanggal sa tindi ng kaniyang pagsabunot. Nang nalaman ito ng aking minamahal, pinagsabihan niya ang babae at umiiyak itong nagtatakbo papalayo. Kinabukasan, inilipat niya ang aming silid sa isang matayog na gusali.

Huwag na raw akong lumabas at doon sa loob ay manatili. Noong simula, lahat ng gusto ko ay ibinibigay niya at wala na akong ibang mahihiling pa. Isang araw, gusto ko sanang lumabas upang makapamasyal man lang. Laking gulat ko nang nalamang nakakandado pala ang silid. Paikot-ikot ako sa kwarto nang siya ay nagbalik. Kaagad kong tinanong kung bakit ito ikinandado. Delikado raw sa labas at upang makasiguradong ako ay mananatiling ligtas, huwag raw akong umalis sa kwarto.

Kada may liwanag, nasa labas siya, wala sa piling ko, at sa paglubog ng araw, ako ay mabubuhayan dahil sa wakas ay uuwi na siya sa akin. This is our arrangement because it is dangerous outside. I can't go out according to him. The only place safe is inside that towering building.

Sinunod ko lahat ng gusto niya. Ang tanging pangarap ko ay maging isang perpektong mate. Ang bawat salitang lalabas sa kaniyang bibig ay mga batas na dapat sundin. Sa mga oras na 'yon, kumbinsido ako na kailangan ko ang aking mate upang mabuhay, at hindi ko kakayanin kapag nawalay siya sa akin.

She Who Got Rejected ✔️Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum