Chapter 2

6.6K 241 8
                                    

Matapos ang dalawang araw...

"Anong nangyari?" tanong ng katulong. "Sa tuwing makikita ng Alpha ang Luna tumatakbo ito papalayo na parang takot na takot!"

"Hindi ko rin alam. Dati siya itong nang-aapi, ngayon siya na itong tila inaapi."

"Natatakot na siya sa titig pa lang ng Luna. Tahimik na rin tuwing gabi, wala ng pang-aabuso ang nagaganap. Nakikita ko ring napapangiti na rin ang Luna na para bang tunay siyang masaya."

May isang trabahador ang pumasok sa kusina. Narinig nito ang usapan ng mga katulong. Napagpasiyahan niyang ipaalam sa kanila ang katotohanan, "Kakapunta lang ng Alpha sa Council," anas ng trabahador na pumukaw sa attensyon ng mga katulong, "Dalawang araw na ang nakakalipas nang binisita ni Red Hood ang Alpha."

Napasinghap sa magkahalong gulat, takot, at pagkamangha ang mga katulong. Nagpatuloy lang ang trabahador habang sinusubukang buhatin ang isang sako ng arina, "Ngunit katulad ng mga nagdaang reklamo galing sa iba't ibang Alpha, wala ring maggawa ang Council." The man cursed Red Hood. "Putang inang Red Hood na 'yon! Kabaybabaeng tao, kriminal!"

"Hoy Darius, balita ko nasapak mo raw ang asawa mo noong isang araw!" komento ng isa sa mga katulong.

"At ano naman sa'yo?" pabalang na tanong ng trabahador na nagngangalang Darius. Sa isipan ni Darius, sinapak niya rin ang katulong na pakialamera. Bukod pa rito, pinagpantasyahan rin niya na pinagsasamantalahan ang katulong. Nag-akyat baba ang tingin ng lalaking trabahador sa katawan ng babaeng bida ngayon sa kaniyang isipan. May itsura ito na nagtulak kay Darius na simulang planuhin kung paano niya maisasakatuparan ang kaniyang pantasya.

But the maid smirked at him and challenged, "Wala lang. Ingat ka lang, Darius. Red Hood targets people like you."

Namutla ang trabahador. Pumasok sa isipan nito ang ginawa niya sa asawa kaninang umaga—nasuntok niya ng tatlong beses sa tiyan sapagkat nasunog nito ang sinaing. Nanlamig rin ang kaniyang katawan na para bang nabuhusan ng isang timba ng nagyeyelong tubig. Bigla siyang nawalan ng interes na ipagpatuloy ang masamang balak sa katulong.

"Baka ikaw na ang sumunod." pakantang dagdag ng babaeng nanghahamon.

Hindi na nagkomento pa muli si Darius at padabog na lumabas sa kusina buhat-buhat ang sako ng arina. Sakong nabutas sa harapan mismo ng Beta ng kanilang Pack. Karamihan ng laman nito ay bumuhos sa trabahador. Napasigaw si Darius sa gulat at napaubo ng sunod-sunod dahil sa arina na pumasok sa kaniyang bibig at ilong. Umusok ng puting alikabok ang paligid at kumalat rin ang arina sa bagong itim na kasuotan ng Beta na noon ay nagpapahinga sa 'di kalayuan. Minamalas talaga ang trabahador sapagkat kinatatakutan ang Beta sa pagiging malupit nito. Nalatigo ng sampung beses si Darius na namumuti pa rin sa arina nang araw na 'yon. Nakarating ang balita sa mga katulong at sila ay muling naghagikhikan.

~•~•~

"Maraming salamat! Kung hindi dahil sa'yo, baka kung ano nang naggawa sa akin ng Alpha! Bilang tanda ng aking pasasalamat, heto..."

Inabot ng Luna ang isang kwintas na gawa sa mamahaling ginto at dyamante sa babaeng balot mula ulo hanggang paa ng mahabang red cloak. Tago ang itsura ng mukha nito dahil sa hood na nakasalampay sa kaniyang ulo. "Pasensiya na. Iyan lang ang mayroon ako na hindi niya pagmamay-ari. Pamana ang kwintas na 'yan ng aking yumaong Lola."

Nanatili sa mga kamay ng Luna ang mamahaling kwintas.

"Pakiusap, tanggapin mo na."

Marahang umiling ang misteryosong babae.

"Sige na. Sa'yo na 'to."

"Hindi ako tumatanggap ng bayad." sagot ng misteryosong babae sa isang malamig na boses. Ikinagulat ito ng Luna. Usually, a woman's voice is warm but why did this person sound so cold?

The Luna forced the necklace on the hooded person's hands. "Pwede mong gamitin 'yan para matulungan rin ang iba, Red Hood."

Bumitaw kaagad ang Luna nang naipasa na nito ang kwintas sa kamay ni Red Hood. Napahinga siya ng malalim nang tinanggap na ito ng misteryosong dalaga.

"That reason will do, Luna." pagkasabi niya nito, tumalikod si Red Hood at nagsimula nang maglakad papalayo.

But the Luna still have a question inside her head, a question that has been bothering her these days, kaya hindi niya napigilan ang sarili, "Why do you help us?" Napahinto si Red Hood. "Bakit mo ito ginagawa? Ni hindi naman tayo magkakilala o magkamag-anak man lang."

"I was once like you." Hindi inaasahan ng Luna na sasagot si Red Hood. "A mate of someone who does not love me enough."

Nanaig ang kuryosidad sa Luna kaya nagtanong siyang muli, "What happened to you?"

"He rejected me." diretsong sagot ni Red Hood.

"What?" the Luna shrieked in anger. "To do that to your own mate! Kadalasan ang mga na-rereject na mate ay namamatay!"

"I didn't die." bulong ni Red Hood sa sarili na narinig pa rin ng Luna. "I refused to die."

Kumalma ng bahagya ang kumukulong dugo ng Luna ng Chrysanthemum Pack. "I'm glad, Red Hood. I'm glad you didn't give up."

"I have a task for you, Luna."

"Ano naman 'yon?" Sa abot ng kaniyang makakaya, handa ang Luna na tulungan ang babaeng nakapula.

Nagsimula nang maglakad muli papalayo si Red Hood. Sa bawat hakbang, sumasagot ang mga tuyong dahon at sanga ng gubat na ginawa niyang tagpuan para sa mga taong kaniyang tinutulungan.

At katulad ng hiniling niyang tungkulin sa mga taong kaniyang nasagip bago pa man niya nakasalamuha ang Luna ng Chrysanthemum Pack, Red Hood requested,

"Aabangan ko ang panahon na ikaw naman ang magliligtas sa sarili mo." Senenescing leaves started to fall from the trees around them. "I'm not your saviour, Luna. Isa lang ang akong instrumento upang iyong matutunan kung paano tulungan ang sarili."

Matagal nang mulat ang kaniyang mga mata subalit nang marinig ng Luna iyon, tila ba ay noon lang siya tunay na nagising. "Wait!" tawag muli ng Luna. "Red Hood ba talaga ang pangalan mo?"

Bahagyang napangiti ang babaeng mas kilala sa alias nito. Hindi niya alam kung bakit magaan ang loob niya sa Luna ng Chrysanthemum Pack, at ang pakiramdam na 'to ay nagbunga ng pagkabunyag ng isang impormasyong konti lang ang nakakaalam, "My real name is Redemption. My friends call me Red."

"Redemption? Isn't that-"

"Yes, Luna," said Red Hood, "She's me. I am the only mate in our history who got rejected. But guess what?"

Napalunok ang Luna nang lumingon muli sa kaniya si Redemption—the mate who got rejected. Tabon pa rin ang mga mata nito ng anino ng pulang cloak, ngunit kitang-kita ang pagguhit ng makahulugang ngiti sa mukha ni Red Hood nang kaniyang sinabing, "I'm glad it happened. I'm glad I got rejected, because the otherwise means I will still have an asshole of a mate who cares for nothing except himself." Mas lumapad pa ang ngiti ng babaeng nakapula. "Saka kung hindi ko naranasan 'yon, marahil hindi ko natutunan maging malakas. Marahil hindi ko nagawang pagtibayin ang tiwala sa aking sarili." With a soft smile and in a gentler voice, Redemption Hood added, "Marahil hindi ako nagkalakas ng loob para tulungan kita. Seeing you and the people I helped in better situations makes my suffering worth it."

She Who Got Rejected ✔️Where stories live. Discover now