Chapter 37

2.7K 71 6
                                    

Part 37 - River of Blood

~•~•~

[Red]

I arrived too late.

Maraming taong dumating sa Bone Field upang manuod. Nakapalibot sila sa platform na kung tatanawin mula sa labas ng mga pader ay tanging bandera lang ng Council ang nakikita.

Walang pumigil sa akin nang sumiksik ako upang makapunta sa gitna. I don't like this. Nagbubulungan lang sila na para bang kakatapos lang ng isang insidenteng hindi madaling makalimutan. I also refused to comprehend their whispers ngunit may iba pa ring linyang nakakalusot at aking naiintindihan.

"Poor man."

"Kawawa ang pamilya niya."

"A disgrace, huwag kaawaan 'yan."

"Dapat lang 'yan sa kaniya. He's a murderer."

Mas binilisan ko hanggang sa natatanaw ko na ang entablado. May nakaluhod rito. Pamilyar na kasuotan.

Alekxus.

"Buti hindi mo dinala ang iyong mga batang alaga."

"Oo, masyadong brutal ang kanilang naging parusa."

Nang nakaahon na ako mula sa nakakapanikip-dibdib na pagtitipon ng mga nanunuod, lumantad sa akin ang isang bangungot na kailan man ay hindi ko makakalimutan.

"Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng ganiyang karaming dugo."

Napahinto ako. Hindi makaggalaw ang aking mga tuhod. Nawawalan ng lakas. Ayaw ko na. Bakit binigyan pa ako ng pag-asa kung sa huli trahedya rin naman pala ang punta?

"Umaagos na parang ilog, ilog na walang kasing pula."

May humigop ng kasiyahan sa aking mundo, nawalan ng kulay, at mukhang hindi na ito maibabalik pa.

Labis na hinagpis, pagdurusa, kawalan ng pag-asa ang bumalot sa aking pagkatao. Hanggang sa tila may naputol at nawala na ako sa sarili.

"No! Alekxus! No!" sisigaw ng isang boses, boses ko ba? Hindi ko na kilala ang aking boses. Hindi ko na kilala ang aking sarili ngunit baka boses ko siguro.

Wait, I know who I am, I am Redemption Hood. Some call me Red. May isang napaka-importanteng tao na palagi akong tinatawag gamit ang aking kumpletong pangalan. Nakakaramdam ako ng kakaibang saya at galak sa tuwing gagawin niya 'yon, palihim nga lang. Mahal niya raw ako.

Mahal ko rin siya. Mahal na mahal. Mahal ko mahal ko mahal ko mahal mahal mahal mahal mahal mahal ko...mahal na mahal ko si Alekxus.

Pero anong maggagawa ng mga salita kung nananatili silang pinagdugtong na letra? Anong tulong ng salita kung ito ay may hangganan? Anong maggagawa ng mga salita kung huli na?

Walang kwenta.

Nakasalampak sa sahig ng entablado ni kamatayan ang isang pamilyar na katawan. Hindi nagbago ang kaniyang suot simula nang huli ko siyang nakita.

Palibot ito ng dugo.

Isang katawang wala ng ulo.

Nasaan ang ulo? Kailangan kong kumpirmahin. Nasaan nasaan nasaan nasaan nasaan nasaan-may isang lalaki, Wirron Oleander, bitbit nito ang ulo. Hinarap niya ito sa akin, awa ang gumuhit sa kaniyang mukha na kaagad naglaho at napalitan ng mapanglait na ngiti.

Pinilit kong tingnan. Kumpirmahin kumpirmahin kumpirmahin-kumularat ako sa pag-iyak.

Wala na. Wala na talaga siya.

Nakapikit pa ang mga mata, nakangiti na parang payapa sa huling segundo ng kaniyang paghinga.

Itsura niya. Kumpirmado. Mukha ng taong gustong-gusto kong makitang may buhay pa.

I arrived too late.

Alekxus Oxalis is dead, has been beheaded, at hindi ko man lang nasabi pabalik na mahal ko siya.

I have the chance to save the man I love but I am too late.

Late late late late late late late late-

-Transcribed Call by Technology Faction-

Caller: "Nakatakas ang babae mo. Kunin mo rito, mukhang nababaliw na."

Receiver: "..."

Caller: "Child?"

Receiver: "Nariyan siya? Kanina ko pa 'yan hinahanap. Anong nangyari?"

Caller: "What must happen. Alekxus Oxalis has been successfully beheaded. You can now stop pretending you're a good guy. Tagumpay ang plano, Kaizon."

Caller & Receiver: (laughing)

Receiver: "Pasensiya na, Sir. You can't be sure these days who are listening. I need to fool people I'm the bad guy. I also need to fool them that I'm a good guy."

Caller: "Complicated but I know you did your acting well. Kunin mo na 'yung babae. Naririnig mo ba ang pagsigaw? Tuluyan na yatang nawala sa sarili."

Receiver: (chuckling) "Don't worry, Sir. Kantot lang gamot at gagaling kaagad ang puta kong 'yan."

Caller: "You really deserve to be the head of my pack. I'm so proud of you, Kaizon Oleander. Wala akong balak na palitan ka kahit may mga umaaligid at bumubulong sa akin."

Receiver: "Aasahan ko 'yan, Sir. I am your loyal servant, super great grandfather."

-Call Ended-

She Who Got Rejected ✔️Où les histoires vivent. Découvrez maintenant