Chapter 5

5K 177 4
                                    

"...there are a lot of rogues at that place, still we won because our fighting skills are better. Those rogues are the most uncoordinated ones I've seen so far, crazier beyond the usual rogues. Buti na lang talaga magaling akong makipaglaban." Kanina pa nag kukwento si Alekxus sa mga magulang niya.

"Syempre, you learned from your father," komento ng Luna ng Oxalis Pack, ang ina ni Alekxus. "One of the best werewolf warriors."

"Napaka-sweet talaga ng Luna ko." pagsuyo ng Alpha ng Oxalis Pack and all the pack members sighed in delight when the two started kissing.

Mukha namang nakalunok ng maasim si Alekxus, "Yuck! Mum! Dad! Sa kwarto 'yan, 'wag dito!" he complained like a child.

Nagtawanan ang mga miyembro ng Oxalis Pack, kasama na rin ang Alpha at Luna na itinigil naman ang PDA nila.

Napangiti rin ako. I'm sitting beside Alekxus on a long rectangular table. Sa dalawang upuan na nasa kaliwa ko, naroon si Nanay Leafa at Tatay Blue. The rest of the chairs are occupied by other pack members.

Kasalukuyang ipinagdiriwang ang pagbabalik kampo ni Alekxus kasama ang tatlong kasama nito sa misyon, misyon na isinagawa upang hulihin ang mga na-report na rogues na nagtatago sa isang liblib na parte nitong Forest. Ang Forest ay ang bulubundukin at kagubatan na nagsisilbing tirahan at hunting grounds ng mga werewolves kasama ng mga taong kagaya kong payapang namumuhay sa piling ng mga taong lobo.

Werewolves are at peace with humans most of the time, ang tinutukoy ko ay yung mga taong alam na nag-eexist ang mga taong lobo. After all, bago maging isang werewolf, they were all humans first.

Nag-iba lang ang buhay nila nang sumang-ayon silang magpa-inject ng lycan syrup, the serum who can turn humans into werewolves, after passing the compatibility test.

"Kamusta na ang Luna ng Chrysanthemum Pack, Red? Sana okay na siya." Biglaang tanong ni Nanay Leafa sa akin.

She's separating green peas from her meal, ayaw ni Nanay sa mga 'to.

"Mukhang maayos na naman siya, Nanay."

Napahagakhak si Tatay Blue sa tabi ni Nanay Leafa, "Subukan lang ng hinayupak na Alpha ng Chrysanthemum na gaguhin muli ang Luna nila, our Red here will castrate his balls!"

Binatukan siya ni Nanay Leafa, "Language, honey-boo! Nasa hapagkainan tayo!" nakangiti si Nanay pero nagbabanta ang boses.

Kunwaring sumimangot lang si Tatay Blue at kumindat sa akin bago bumalik sa pagsubo ng isang isang pakpak ng lechong manok.

Tradisyon sa mga packs na sabay-sabay kumakain ang mga miyembro kasama ang mga pinuno.

Kadalasan, katulad ng set up dito sa Oxalis pack, pinagsasaluhan namin ang nakahandang pagkain sa isang mahabang parihabang mesa na yari sa kahoy. Maging ang aming mga silya ay yari rin sa parehong uri ng kahoy.

Hindi rin gumagamit ng kutsara, except for serving spoons, ang mga miyembro. Sinisugurado naming malinis ang kamay sapagkat kamayan-style ang dining routine sa werewolf packs.

Ang plato ay hindi plastic o babasagin. Stale bread, a tasteless huge chunk of a cut loaf bread, serves as plate. Ang malaking tinapay na nagsilbing plato ay ipapakain pagkatapos sa mga alagang hayop katulad ng baboy at aso.

Sa mga espesyal na handaan kagaya nito, they usually hire a performer kaya naman may mga musikerong tumutugtog ng guitara, drums, at flute sa isang sulok ng silid.

These entertainers receive generous payment and they have already eaten before us care of the pack's Cook. Saka pwede silang magbaon ng mga natirang ulam kung nanaisin.

Naramdaman ko muli na ipinatong na naman ni Alekxus ang kamay sa sandalan ng upuan ko. Pangatlong beses na 'to.

"Isa pa talaga Alekxus at mapuputol ko na 'yang braso mo." babala ko habang marahang ngumunguya ng kanin.

Alekxus leaned towards me and whispered on my ears, "How brutal, my Redemption." Sa lapit niya, nakikiliti ng kaniyang hininga ang aking tenga at leeg. "Please don't castrate me."

Palihim kong tinadyakan, for the third time, ang paa niya at hinawi ang brasong nakasalampak sa aking bandang likuran. Alekxus chuckled, "Ang cute mo talaga kapag galit."

"Hindi ko sinasadyang magpa-cute sa'yo." kalmadong tugon ko.

"Kaya nga ginagalit kita para wala kang choice."

"Huwag mo akong bolahin. Walang bisa 'yan, Alekxus."

"Hindi ka naman bola ba't kita bobolahin?"

Ang baduy talaga ng mga jokes nito, sa kabaduyan, hindi ko mapigilang matawa ng konti.

"Ah," he moaned. Napatingin ako sa kaniya. Bumilis ang tibok ng puso ko nang napansing nag-iinit ang titig niya sa akin. "That's the smile I've been waiting for, the most beautiful smile in all worlds."

Kaagad akong umiwas ng tingin. Don't blush, self. Don't!

"Are you blushing?" he asked in a teasing voice. Mas inilapit niya ang sarili upang pagmasdan ang mukha ko.

"Of course not!" Ibinaling ko ang tingin sa kabilang direksyon only to discover that almost everyone is watching us. Sa sobrang aliw nila, kulang na lang maging hugis puso na ang kanilang mga mata.

"Kailan ba kasi ang kasal?"

"What?!" I squeaked loudly, turning to face the person who asked that question, our Luna, Alekxus mother.

"Uhm," sagot ng Luna, "Actually, I was referring to the marriage of Alekxus' cousin, Sandy..." paliwanag niya.

Umalulong ang tawa ng buong pack. Hindi ko na rin napigilan ang pamumula ng aking pisngi dulot ng hiya.

'Yan kasi, 'wag assumera!

Feeling awkward, I asked Alekxus' cousin, "Ikakasal ka na pala, Sandy?"

Sandy is already grinning at me, "Oo, Red. Next month. Found my mate and we decided to get married as soon as we can."

"Taga-saan ang mate mo? Taga rito ba?"

Umiling siya. Sandy's expression turned into a love sick puppy. Halatang in-love na in-love ito sa kaniyang mate kahit hindi pa ganoong katagal silang magkakilala.

A mate bond is difficult to resist. I know because I experienced it before.

"He's from Oleander Pack." napatigil ako sa sagot niya, maging paghinga ko, saglit na huminto. Kumabog ng malakas ang aking didib at nakaramdam ng kirot. I tried my best to recover and act normal again so no one will notice this turmoil happening in me.

She Who Got Rejected ✔️Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum