Chapter 10

4.1K 146 3
                                    

[Red]

Present Day...

"Siguro tamad maligo ang kilalang Red Hood." singit ng isa pang boses na nagpakulo ng dugo ko, Stephanie, the Luna of Oleander Pack. Stephanie is sneering at me in disgust.

Pinakalma ko ang sarili. She doesn't matter to me. Her entire pack doesn't matter either and that includes whatever taunts come out of their dirty mouths.

I remained unspoken nang biglang napahagakhak ang Luna ng Oxalis Pack.

"May nakakatawa ba, Luna Oxalis, sa sinabi ko?" tanong ni Stephanie sa isang nanghahamon na boses.

Our Luna remained grinning when she replied, "You're mistaken."

"Mabuti-" Hindi pinatapos ng aming Luna ang sasabihin ni Stephanie.

"Not just your words, your entire existence amuse me so much."

"What?! How dare you?" Stephanie shrieked in anger.

Hindi pa rin nagpatinag ang aming Luna, "Actually, ang ginagawa ng buong pack niyo ngayon, it's very entertaining, Gamma Oleander."

Wait, what?

Gamma?

Si Stephanie?

There's no time for confirmation, because suddenly, Stephanie rushed in to attack, heading straight at Alekxus' mother. Stephanie has transformed into her werewolf form. Sumabay rin sa pag-atake niya ang iba nitong kasamahan na kanina pa naging lobo.

It's my turn to actually do something.

May isa pa akong ability.

I could turn anyone's greatest fear into an illusion. Isang ilusyon na magtatagal ng tatlong minuto.

My mouth opened to whisper the incantation, "Zafeera sarhi."

The attacking werewolves along with Stephanie suddenly froze and the next thing that happened is screaming.

All of them started screaming as they battle against invisible enemies, their greatest nightmare, their greatest fear.

"Anong nangyayari?" tanong ng mga kasamahan nila na hindi pa nararanasan ang ilusyon ko.

Those that remained are those that chose not to attack, not yet, at least, this includes their Alpha.

Alpha Kaizon Oleander remains unmoving, a slight frown on his face, as he calmly observe his distressed comrades, listening to their screams.

"What kind of witchery is this?!" komento ng Beta Oleander. "Totoo nga!" Lumingon ito sa akin, namumutla. "Isang mangkukulam ang Red Hood!"

"At kakampi ng Oxalis Pack ang mangkukulam na 'yan!" dagdag pa ng isa nilang kasamahan.

"The council doesn't mind her," anas ng Luna ng Oxalis Pack, "Our Red Hood here helps them apprehend those who must be brought to justice anyway."

"The Council doesn't know what to do with her!" bato ng isang miyembro ng Oleander pack.

He has a point.

Kapag ako ang pinag-uusapaan, the Council just couldn't decide yet what to do with me. I just take that as an opportunity, isang oportunidad upang supportahan ang mga nangangailangan ng tulong.

I turned my attention back to the commotion happening.

"Pesteng babae ka! Hanggang ngayon minumulto mo pa rin ako? May multo! Mommy!" sigaw ng isang werewolf na kasalukuyan pa ring nakakakita ng mga katakot-takot na ilusyon.

"Tulong! Mahuhulog ako! Mahuhulog na ako!" alulong ng isa pa.

"'Yung mga pera ko sa vault nanakaw! Wala na akong pera! Hindi maaari! Ako ang magnanakaw, hindi ako dapat ang ninanakawan! Ayaw kong maranasan muli kung paano maging mahirap!"

"May gagamba! Shocks! No! Tarantula?! Tarantula ba 'yan?! Tulong!"

"Hinahabol ako ng manok! Help! Tutukain na nila ako!"

May mga tao talaga na may weirdong kinatatakutan.

"No, please! Huwag! Gagawin ko ang lahat huwag mo lang akong itakwil!" iyak ni Stephanie. May ideya ako kung ano ang pinakakinatatakutan niya.

"Make her stop! Make that witch stop! That's too much!" galit na utos ng isang taga-Oleander. "Wala ka bang awa, ha, ikaw na mangkukulam ka?"

I turned around to face him, "Careful," babala ko, "Gusto mong ikaw ang sumunod?"

She Who Got Rejected ✔️Where stories live. Discover now