Chapter 1

7K 208 7
                                    

"Narinig mo na ba ang kwento?"

Sa isang maliit at madilim na sulok ng isang silid, nakaluhod ang isang babaeng balot ng pasa ang katawan. Ang silid na ito ay malapit sa kusina ng Keep, ang mansyon ng makapangyarihang werewolf Alpha.

"May pinarusahan na namang Alpha ang Red Hood." pabulong na banggit ng isang boses.

Madalas ang silid ay ginagamit ng mga katulong at trabahador upang maging tambakan ng mga gamit.

Ngunit para sa babaeng tadtad ng pasa, mga pasang natatabunan ng pinasuot na konserbatibong kasuotan ng kaniyang mate, ang silid ay daan patungo sa paglaya.

"Oo, narinig ko nga 'yan." Sa kabilang bahagi ng pader, mayroong mga katulong ang palihim na nag-uusap. "Halos magwala nga sa galit ang Alpha natin nang nalaman niya ito. Malapit na kakampi at kaibigan niya kasi ang Alpha na nabiktima ni Red Hood."

"Biktima talaga? Ang mga Alpha na katulad ng Alpha natin ang nangbibiktima!"

"Iyang boses mo hinaan mo. Malakas ang pandinig nila. Kapag 'yan nakarating sa ating Alpha, mas malala pa sa mga pasa ng ating Luna ang aabutin mo."

"Oo na, hihinaan ko na," sambit ng isa matapos paalalahanan ng kasama, "Ngunit may punto ako. Katulad nga ng sinabi niyo, inaabuso ng Alpha ang ating Luna. Kahit pilit nila itong ikubli, rinig pa rin sa mansyon tuwing gabi ang panaghoy at kung ano-anong tunog mula sa pagmamaltrato ng Alpha sa ating Luna."

Patuloy ang pagtagos sa manipis na pader ng kanilang usapan. Walang maggawa ang babaeng maraming pasa kundi makinig sa kanila. Hindi nakakatulong ang mga 'to sapagkat marinig lang niya ang salitang Alpha, binabalot ng matinding takot ang kaniyang buong pagkatao.

May bitbit na mga kagamitan sa silid ang Luna. Isa rito ay ang ceramic pot na may kaunting hukay sa itaas at butas sa bandang ibaba. Mayroon rin siyang dalang posporo, mga bote na may kaniya-kaniyang dropper, at maliit na kandila.

Sa bulsa ng suot niyang saya, kinuha ng bugbog-saradong Luna ang tatlong bote ng mahalimuyak na langis at droppers ng mga 'to.

Nanginginig ang kamay niya habang itinataas kapantay ng kaniyang mga mata ang dropper upang mapagmasdan.

"Wala naman tayong maggagawa. Tayong mga Omega ay mahihina. Anong laban natin sa isang Alpha?"

Gamit ang dropper at alalay ng isang kamay ang nanginginig nitong bisig, may isang patak ng tea tree oil ang bumagsak sa ibabaw ng ceramic pot.

"Malas ng Luna. Karaniwang pang-aabuso ang sinasapit ng isang Omega na nagiging mate ng isang Alpha."

Isa at kalahating patak ng peppermint oil ang dumagundong sa madilim at kulong na silid.

"But still she benefit from it. Sumikat at yumaman ang Luna dahil pinakasalan niya ang Alpha. Katulad natin, katulong lang siya dati."

Sumunod ang tatlong patak ng chamomile oil. Naghalo ang mga essential oils sa ibabaw ng ceramic pot.

"Oo nga. Ang alam ko binubugbog ang Luna madalas dahil tumatanggi itong makipagtalik sa Alpha."

Kumuha ang Luna ng posporo at ito ay ikiniskis upang magkaapoy. Inilalapit na niya ito sa kandila nang namatay ang sindi dulot ng labis na panginginig ng kaniyang mga kamay.

"Kung ako sa Luna para hindi na siya masaktan, bibigay na lang ako."

"Oo nga," Naghagikhikan sila. "Gwapo naman ang Alpha at malaki at mahaba raw ang—" Pakunwaring umubo ang nagsasalita, "Alam niyo na."

Tuluyan nang nagtawanan ang mga katulong.

Ang Luna naman na nakikinig sa kabilang silid ay hindi lubusang maisip kung kailan kaya siya muling sasaya.

Ikinalma niya ang sarili at muling sinubukang sindihan ang posporo. Ang muling pagdalit nito ay nagbigay ng liwanag sa silid. Mas naaninag ang mukha ng Luna na nakaluhod sa semento. Kanina pa pala umaagos ang mga luha ng kaawa-awang Luna.

Matagumpay niyang nasindihan ang kandila, kandilang ipinasok niya sa butas ng ceramic pot. Pinainit ng apoy mula sa kandila ang pinaghalong essential oils sa itaas. Matapos ang ilang minuto, nagsimulang kumalat ang amoy ng pinagsama-samang langis sa silid.

At katulad ng ibinulong sa kaniya ng babaeng tabon ng pulang hood ang tunay na pagkatao...

"Just mix all of these ingredients and follow the instructions on this paper. Kapag naggawa mo na, ibulong mo lang ito sa hangin habang humahalimuyak ang amoy ng mga langis—zafeera herde," The woman in a red hooded cloak smiled softly at the battered Luna, she continued, "At darating ako."

Kumuyom ang mga kamaong nagpapahinga sa mga binti ng Luna. "I hope this really works." saad nito sa sarili.

And then the battered Luna whispered to the wind that carries scents of mixed essential oils these words as commanded by that mysterious woman in a red hooded cloak, "Zafeera herde."

She Who Got Rejected ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon