Chapter 9

4.3K 157 2
                                    

Present...

Hinawakan ko ang matigas at maskuladong kanang braso ni Alekxus.

Gusto nang kumawala ng inner beast nito ngunit nang nagdampi ang aming balat, kaagad siyang kumalma at tumingin sa akin. His gaze went soft, "My Redemption?" he asked in an equally soft voice.

He should stop doing that, turning soft on me. Mas gusto ko yung seryoso at masungit na Alekxus katulad ng pagtrato niya sa iba. Hindi ko siya maintindihan. Bukod sa kumbinsido siyang ako ang mate niya, wala na namang ibang espesyal sa akin. Paulit-ulit ko siyang tinatanggihan, pero patuloy pa rin siya sa paghabol. Kung tunay na ako ang kaniyang mate, I don't deserve him. He deserve someone who isn't broken. 'Yong babaeng tatanggapin agad siya, hindi siya papahirapan, hindi siya paghahabulin. I hope he realize soon that I'm not worth pursuing. Nagkamali siya ng taong pinipili at darating rin sa hinaharap ang tunay na mate na nakatadhana sa kaniya.

It takes everything in me to resist him though. This Alekxus, he makes these walls I built around myself vibrate, nagbabadyang bumulusok upang siya'y makapasok.

"Remember you parents' lesson. Calm down. Learn to wait." paliwanag ko, trying to sound cold, but I failed. May marka pa rin ito ng pag-aalala.

Binigyan niya ako ng matamis na ngiti at ako'y hinalikan sa noo. Sa gulat, napaiktad ako papalayo. I am about to confront him when a howl reverberated.

Kaagad kaming napalingon sa pinanggalingan nito, and there on the meeting point of two Packs we witness that the members of Oleander Pack are now turning into werewolves.

"Fuck!" Kaagad na nag-transform si Alekxus sa anyong lobo.

Napagplanuhan na namin ang sunod na gagawin.

Sinigurado ko munang naka-pin ang aking pulang hood upang hindi matanggal ng hangin at sumakay ako sa likod ni Alekxus. Mabilis kaming pumunta sa kinaroroonan ng pack na kailangan naming tulungan.

Nang nakarating kami, nanatiling anyong lobo pa rin ang mga taga-Oxalis Pack. All of their face serious except our Luna who looks as if she's watching her favorite action-packed K-drama.

Lihim na gumuhit sa aking mukha ang isang ngiti dahil sa antics niya.

"Is that..." saad ng isang medyo pamilyar na boses. Habang bumababa ako mula sa pagkakaupo kay Alekxus, my hooded face is turned to the owner of this voice, the Beta of Oleander Pack, one of my greatest tormentors and bullies, "...the Red Hood?" Nag-anyong tao na muli ito.

I gave him a mocking bow after I landed on the ground. Hindi ako nagsalita.

The Red Hood doesn't need to speak to her enemies unless necessary. Only my threats and attacks require words.

"What is the Red Hood doing with the Oxalis Pack?" tanong ng isang napaka-pamilyar na boses, boses na higit na dalawang taon na simula nang huli kong narinig.

Ang boses ni Alpha Kaizon Oleander.

Katulad ng Beta, he transformed back to his human form. He still looks the same, parang hindi man lang tumanda. The asshole is still one of the finest specimen of the male species.

With his soulless-looking black eyes, messy black hair, and the chiseled angles of his face, he surely attracts the attention of any females around him.

Kapag nakita mo siya, talagang maglalaway ka.

I was no different. I fell for the trap of physical attraction too nakalimutan kong mas mabuti ng mukhang tsokoy ang syota mo basta matino, kumpara sa isang gwapong manloloko na, gago at maniac pa.

The last time we were alone in the same room, Kaizon attempted to force himself on me. That is one of his greatest sins aside from the fact he rejected his own mate knowing the risk I might die in the process.

Hinding-hindi ko siya mapapatawad.

Naglalaway ako ngayon...

Naglalaway sa galit.

I felt an overwhelming relief that he can't see my face because of my hood.

Kaizon sniffed the air.

Nanigas ako sa pwesto.

Shit.

Sa lahat ng pwedeng makalimutan, I forgot to take that into consideration. Hindi man niya nakikita ang aking itsura, malakas pa rin ang pang-amoy ng mga taong lobo.

"You smell funny and familiar, Red Hood." komento ng Alpha ng Oleander Pack. 

She Who Got Rejected ✔️Where stories live. Discover now