TWI01

4.4K 71 0
                                    

Past

"GOO RYAN FERRER!!" umilalingawngaw ang tili ko sa loob ng gymnasium.

Napatigil ako ng siniko siya ng isa sa player ng Basket Hounds kaya ay natumba siya.

"HOY HUWAG MONG SIKUHIN BOYFRIEND KO!!" sigaw ko na naman.

"FOULL!!!" sabi ni Angel, ang bestfriend ko.

Nandito kami sa loob ng gym dahil may laro ang Fontino Jayhawks at Basket Hounds. Nagkakilala kami ni Ryan dahil naging magkaklase kami noon. At di kalaunan ay naging kami. Marami mang tutol sa relasyon namin, hindi naman kami nagpatinag at mas lalo pang naging matatag.

Nakita kong napangiwi si Ryan ng sinubukan niyang tumayo, lumapit naman ang coach niya at ang dalawa niyang kaibigan para tulungan siya.

"Susundan ko lang sila, Gel. Sumunod ka na lang kung gusto mo." napatingin naman ito sa akin at tumango.

"Sige puntahan mo na, bebe mo." sabi nito at kinindatan ako. Umiling lang ako sa kanya at lumabas ng gym.

Dumiretso ako sa clinic at kumatok sa pintuan. Sakto naman ay bumukas ang pinto at lumabas ang coach niya at ang dalawang players.

"Oh nandito pala girlfriend ni Ferrer, ikaw na bahala sa kanya hija." sabi ng coach nila napatingin naman ako sa likuran niya. Nakangising nakatingin si Zachary sa akin at si Ivo naman ay walang ekspresyon na nakatingin.

"Sige po, coach ako na po ang bahala." sabi ko at ngumiti, tumango naman ito sa akin bago sila lumakad.

Pumasok na ako sa loob ng clinic at nakita si Ryan na nakahiga sa kama na hawak-hawak ang cellphone, maya maya ay nag ring ang cellphone ko kaya napatingin siya sa akin. Lumawak naman ang ngiti nito ng makita ako.

"Babe! Akala ko hindi mo ako pupuntahan.." nakanguso nitong sabi, napatawa naman ako sa kanya.

"Pupuntahan kita no! Alangan namang pabayaan kita dito, wala pa namang nurse ngayon." sabi ko. Lumapit ako sa ref at kinuha ang ice bag na nasa ibabaw nito, nilagyan ko naman ito ng ice.

"Tangina kasi nung number 24, naniniko, kung siya kaya suntukin ko." inis nitong sabi.

Umupo ako sa gilid ng kama at ipinatong ang paa niya sa binti ko. Namumula ang paa niya. Inilapit ko ang ice bag sa namumulang bahagi kaya napa mura siya.

"Puta ang sakit!" nakangiwi nitong sabi.

"Magpadoktor ka kaya baka nabalian ka ng buto."

"Wag na, ang mahal kaya magpadoktor." reklamo nito, lihim naman akong napaikot ng mata.

"Psh.. para ka namang hindi nagmamay ari ng ekta ektaryang rancho dito." bulong kong sabi.

"Ang mahal, babe mas mabuti pang iipon ko nalang para sa pamilya natin." napakagat ako ng labi sa sinabi niya. Hinding-hindi ako magsasawang mahalin ang lalaking 'to dahil may takot siya sa Diyos tapos mapagmahal sa pamilya at iniisip niya ang kinabukasan naming dalawa.

"Hindi pa naman tayo sigurado na tayo talaga ang magkakatuluyan, Ryan."

"Sigurado na ako, babe.. ikaw lang ang babaeng papakasalan ko at mamahalin habang buhay." seryoso niyang sabi, nagtangka naman itong umupo kaya dali-dali kong binitawan ang ice bag at inalalayan siyang umupo.

"Huwag ka ngang gumalaw!" inis kong sabi.

"Suplada ka talaga babe, umupo ka nga dito." humalakhak ito at tinapik ang binti niya.

"Gago ka talaga, sumasakit na nga 'yang paa mo tapos puro pa rin kahalayan nasa isip mo." umirap ako sa kanya.

"Hindi naman gaano ka sakit, babe... sige na.." pagmamaktol nito sa akin. Tigas talaga ng ulo nito.

"Tumigil ka, Ryan matatamaan ka talaga sa'kin."

"Ang bayolente mo talaga, babe pasalamat ka mahal kita." sabi nito at tumawa. Ganitong ganito si Ryan, palatawa siyang lalaki, salungat siya kaibigan niyang sina Zachary, Ivo at Kaleb.

"Pshh.. diyan ka na nga bibili lang ako ng makakain."

"Sama ako!!"

"Hindi, masakit paa mo, babe dito ka nalang." humaba naman ang nguso nito sa sinabi ko.

"Tsk.. sige na nga.." bumuntong hininga ito at nagiwas ng tingin. Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa tabi niya. Napatingin naman ito muli sa akin at tinaasan ako ng kilay. Napangisi ako at inilapit ang mukha niya sa akin. Naramdaman kong lumapat ang malambot niyang labi sa labi ko. Lumayo naman ako kaagad. Namumula ang tainga nito, ganito siya kapag nahihiya o nagagalit.

"Pabitin." bulong nito, ako naman ay napahalakhak.

"Nakadami ka na kagabi, Ryan."

"Kagabi pa naman 'yun, babe! Kiss mo 'ko ulit, yung mabagal." ngumisi ito ng nakakaloko kaya umirap ako sa kanya. Hindi ko na mabilang kung pang ilan na kaming naghalikan ni Ryan, palagi kasi akong pumupunta sa bahay nila kaya hindi talaga namin maiiwasan. Virgin pa naman ako, tanging halikan lang ginagawa namin. Naalala ko pa nga noong birthday niya tapos lasing na lasing siya, pareho na kaming naka hubad noon at nagpapalitan ng halik ng bigla siyang tumigil at lumayo sa akin. Sinabi niyang 'Tumigil na tayo, nirerespeto kita, babe. Hinding hindi kita gagalawin hanggat wala pa akong singsing na maisusuot sayo.'  kaya mas lalo ko siyang minahal dahil doon.

"Manyak mo talaga!" lumapit muli ako sa kanya at hinalikan siya sa labi. Ginalaw niya naman ang bibig niya at hinawakan ang likod ng ulo ko para mas lalong diinan.

Bigla namang bumukas ang pinto.

"OPSSS!! SPG!! SORRY!!" dali-dali akong lumayo kay Ryan at tumingin kay Angel na nakangiti. Panira talaga ang babaeng 'to.

"Palagi talagang umeepal 'yang bestfriend mo, babe." sabi ni Ryan lumingon naman ako dito at umismid.

"At 'wag kang magreklamo, nakarami ka na." magsasalita pa sana ito kaya ininahan ko na siya.

"Diyan ka lang, babalik lang kami." pagpapaalam ko kay Ryan, kumaway naman ito sa amin.

"Grabe talaga kayo, Blessy! Kung saan saan lang kayo naglalaplapan!" sabi ng bruha at humawak sa braso ko.

"Eh gusto namin eh.. magjowa ka kaya para naman may kahalikan ka din." No Boyfriend Since Birth kasi 'to, sabi niya hindi muna siya sasali sa mga ganyan dahil uunahin pa niya ang pamilya niya.

Nandito na kami sa loob mg canteen siguro tapos na ang laro dahil madami na ang tao dito sa canteen. May iba ding nakasuot ng jersey at ang iba naman ay may dalang banners.

"Wala namang nanliligaw sa akin eh." nakanguso niyang sabi.

"Pshh.. ano ba ang tawag mo kay Ricky na palaging nagbibigay ng bulaklak sa iyo?" si Ricky ay isang football player, gwapo din ito.

"Ayaw ko sa babaero." sabi nito at umirap napatawa naman ako dahil totoo naman.

"Sabagay.." tanging sabi ko, bumili na ako ng pagkain namin ni Ryan.

Habang naglalakad na kami ni Angel ay may biglang bumuhos sa akin ng tubig.

"Tangina.." basang basa na ang uniform ko bwesit! Kaya naagaw namin ang atensyon ng ibang studyante.

"Puta.. ihi ba 'to?" ang baho kasi ng uniporme ko. Narinig ko naman ang halakhak ng nasa likuran ko kaya napatingin ako dito. Nakita ko naman ang baliw na baliw kay Ryan na si Sabrina.

The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon