TWI03

2.4K 44 2
                                    

"Po?! Inaabot ko lang po 'yung nahulog kong ballpen." sabi ko at tumayo.

"Huwag kang magsinungaling, Blessy kitang kita ko ang kahalayan na ginawa mo." nagtagis ang bagang ko sa sinabi niya. Punyeta! Wala naman akong ginawang masama!

"Nahulog lang ang ballpen ng girlfriend ko Mrs. Sarsaba." sabat ni Ryan na nasa likuran ko na. Nagsitilian naman ang mga kaklase namin. Para namang first time na ipinagsigawan ni Ryan na magsyota kami.

"Siguraduhin mo lang, Blessy. Scholar ka pa naman." litseng scholar na 'yan palagi nalang sinasali sa usapan.

"Psh.." tanging sabi ko, pinaupo naman kaming dalawa ni Ryan. Napatingin naman ako kay Christ na nasa kaliwa ko, may ngisi ito sa labi. Matalim ko naman itong tinignan kaya napaubo siya at nagiwas ng tingin.

"Puta ang liit naman ng cycling mo, yung pwet mo babe!" inis na sabi nito habang nakatingin sa pangupo ko. Ayan na naman siya ang possessive niya.

"Ganito naman talaga mga volleyball players ah! Ano ba gusto mo? Mag barot saya ako?!" inis kong sagot sa kanya, ginugulogulo niya naman ang buhok niya.

"Fuck! Just fucking quit, babe."

"Tangina, gusto ko 'to, Ryan. Eto lang ang passion ko!" lumapit siya sa akin at binaba baba ang cycling ko.

"Ano ba?! Ang tagal ko ng naglalaro ng volleyball parang namang ngayon mo palang ako nakitang nakasuot ng ganito!" sabi ko at inalis ang kamay niya.

"I can't stop being possessive on you, babe. You're only mine. Every inch of your body." napairap naman ako sa sinabi niya. Nakakakilig na hindi.

"Sayo naman talaga ako ah! Wala namang aagaw sa akin."

"Tsk, si Christ, babe, si Christ.. hindi mo ba nahahalata?" iniwan ko na siyang nakatayo sa labas ng restroom. Nahabol niya naman ako kaagad at hinawakan ang kamay ko.

"Seloso mo talaga, wala namang ginagawa 'yung tao." magkahawak kamay kami habang papunta sa gymnasium.

"Tsk, ano ba ang tawag mo sa ibang pagtitig niya sayo at 'yung nangyari kanina?"

"Ha? Nagkamali ka lang siguro ng tingin, Ryan." sabi ko.

Papasok na kami ng gym, kitang kita ko ang ibang kasamahan ko na nag s-stretching.

"Lalaki din ako, babe. Kaya alam ko ang galawan niya." sabi nito at inilapag ang bag ko na bitbit niya kanina, umupo na siya sa bleacher.

"Pshh.. wala lang talaga 'yan." wala naman talaga akong nakikitang kakaiba ah. Si Christ ay isang basketball player din, kaya nakilala ko siya dahil kay Ryan.

Tumango lang ito sa akin.

"Dito lang ako sa bleachers, babe, punta ka na doon." saad nito.

"Oh sige, bababa na ako." sabi ko at kumaway sa kanya, kumaway din ito pabalik.

"Haba talaga ng hair mo, Blessy. Naka jackpot ka talaga kay Ryan." sabi ni Reya ng nakalapit na ako malapit sa net.

"Sinabi mo pa." sabat ni Kisha. Tumawa lamang ako sa kanila.

"Balita ko, binuhusan ka daw ng ihi ni Sabrina?" tanong ni Reya sa akin, tumango lang ako at nag stretching.

Napatingin ako sa may gate ng gym ng may pumasok na madaming lalaki.

"Andami nila.. hindi pa naman finals ngayon ah." sabi ko.

"Engineering ang iba jan, may Business Ad din." tumango naman ako kay Kisha.

Nagsimula na kaming maglaro. Nasa kabilang net ang mga kaibigan ni Sabrina, mabuti pa nga ay hindi siya sumali dito. Cheerleading ang sinalihan ng bruha.

"Magsimula na tayo! Blessy ikaw ang blocker pero dahil flexible ka ay ikaw na ang bahala!" sigaw ni coach mula sa bleacher, nag thumbs up naman ako sa kanya. Syempre ako yung magiging blocker na naman dahil matangkad ako.

Pomosisyon naman si Reya, tinignan niya muna ang bola at tumingin sa kabila. Sinerve na niya ang bola.

Naging maganda ang laro, nag team rotation na kami. Ako naman ay naging spiker na.

"Mine." sabi ko at tumakbo para salubungin ang bola. Tumalon ako at ibinalik ang bola sa kabilang net.

Sakto naman ay nasa alagad ni Sabrina papunta ang bola. Lumipad na ang bola pabalik sa amin pero hanggang net lang 'yun. Yung mga lalaking pumasok kanina ay nagtawanan, napahilamos naman ako sa palad.

"Tanginang higad na 'yan, practice pa lang 'to at hindi finals pero parang matatalo na tayo sa finals dahil sa kanya, salisali pa kasi puta." inis na sabi ni Reya napiling nalang ako.

"Ano ba yan Megan!! Ang tagal mo ng naglalaro tapos hindi pa umabot sa kabila!" sigaw ng coach namin. Napayuko naman si Megan sa sinabi ni coach.

Pagkatapos ng laro namin ay dumiretso na ako sa kinauupuan ni Ryan. Nakatingin lang ito sa akin habang papalapit ako sa kanya.

"Ang galing mo sana babe, pero sa tuwing tutuwad ka ay malapit ng makita ang pwet mo." nakanguso nitong sabi. Umupo ako sa tabi niya, binigyan niya ako ng tubig at ininom ko naman 'yun.

"Alangan naman hindi ako tutuwad edi hindi ako magiging magaling." loko kong sabi.

"Tsk, kanina pa ako tingin ng tingin sa mga lalaki sa kabila, tumitingin sila sa pwet mo." ang paranoid talaga ng lalaking 'to.

"Kaming lahat naka cycling, Ryan." sabi nga ng iba ay kaya daw nanonood ang mga lalaki dahil sa pwet ng mga players.

"Oo nga kayo nga lahat, mas lalo akong naiinis dahil nandito na naman si Christ nakangisi siyang nakatingin sayo kanina." napatingin naman ako sa grupo ng mga lalaking nasa bleacher pa din. Nandoon nga si Christ, inis na nakatingin sa amin. Problema nitong unggoy na 'to?

"Psh.. Christ na naman, wala talaga 'yan babe, paranoid ka lang talaga." sabi ko at tumayo sa harap niya. Kinuha niya naman ang bag ko at isinabit sa balikat niya.

"Basta parang may kakaiba kay Christ." tanging sabi niya, bumuga lang ako ng hininga at hinawakan ang kamay niya. Lumabas na kami ng gym. Tinawagan niya naman ang driver nila para sunduin kami.

Nasa labas na kami ng school, bigla namang may bumusina na sasakyan. Nakadating na ang SUV nila.

Pinagbuksan niya ako ng pinto, pumasok naman ako.

"Sasali ka ba talaga sa cheerleading, babe?" tanong ni Ryan nakahawak siya sa binti ko.

"Kailangan eh, dagdag grades kasi." sinabihan kasi ako ng proffesor ko noon na makakadagdag daw ng grades kapag sumali ako.

"Tsk, alam mo ba na ang liit ng skirt nila babe tapos kitang kita pa ang hita mo, ihahagis ka pa nila, paano kung may mangyaring masama sayo?" nagaalala ang tono ng boses nito.

"Sanay na ako magsuot ng maikli, Ryan volleyball player ako. At hindi naman siguro ako mababalian o ano dahil may sasalo naman sa akin." makakasalamuha ko na naman ang haliparot na si Sabrina. Kailangan ko talagang kumayod para hindi mawala ang scholar ko, hindi kasi kami mayaman.

"Hindi mo talaga ako pinapakinggan, babe." nakabusangot ito at tumingin sa labas ng sasakyan.

"Okay lang naman kasi, huwag ka ng magalala." hinawakan ko ang kanyang pisngi. Ngumuso naman ito sa akin at tumango. Cute!

The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)Where stories live. Discover now