TWI08

1.8K 48 4
                                    

Nakasuot ako ng backless strap dress. Sa bahay pa rin ako nila, dahil hindi ako pinauwi ni Ryan, ayaw ko man pero nangungulit pa din siya. Bumukas ang pinto at pumasok si Ryan.

"Damn... look at you, babe... you're a goddess..." manghang sabi nito, namula naman ako sa sinabi niya. Nagdala pa ito dito ng make-up artist.

"Psh.. make-up lang 'yan tapos naka labas dede ko kaya sinabi mo 'yan." irap kong sabi, humalakhak naman ito at inilapit ako sa katawan niya.

"You're beautiful babe, with or without a make-up." ngumiti naman ako sa kanya. May kinuha ito sa bulsa niya kaya nalaglag ang panga ko sa hawak hawak niya. It's a freaking box!!!

"Mamaya pa sana 'to pero hindi ko na talaga kaya ipamamaya." tumawa ito at lumuhod sa harap. Ako naman ay naka nga-nga pa rin. Wth?!!! Mag popoprose na siya!!!

"I know you're the only one I want to share the rest of my life with, you make me the happiest man in the world, babe. I want you to become Ferrer, Will you take my hand and marry me?" nakangiti nitong sabi. Wala salitang lumalabas sa bibig ko.

Tumango ako sa kanya, napahiyaw naman ito at ipinasok ang singsing sa kamay ko. Hinawakan niya ang pisngi ko at siniil ng halik, tumulo ang luha ko kahit na naghahalikan kami. I really love this man.

"I love you babe, I love you.." sabi niya pagkatapos ng halikan namin. I could not even ask for more, he's the one.

"I love you too, Ryan." niyakap ko siya ng mahigpit. He's now my fiancée. And soon I will be Mrs. Ferrer.

Lumabas kami ng magkahawak kamay. Nagpaalam ako sa kanya at pumunta sa table ni Angel at Kokoy.

"Ano 'yan?" tanong ni Angel at hinawakan ang kamay ko kung nasaan naka suot ang singsing. Napatakip naman ito sa bibig at hindi makapaniwalang tumingin sa akin.

"Omygod! Don't tell me...." tumili ito kaya nabatukan ko.

"Yes, I'm engage, Gel.... I'm engage to Ryan." mas lalo namang lumaki ang nganga nito sa sinabi ko at tumili na naman. Napatingin tuloy ang ibang bisita sa amin.

"Gosh!!! Ako ang maid of honor ah!! Congrats sa inyo!!" tumawa ako sa kanya at tumango. Hinahawak hawakan niya pa ang diamond na nasa gitna nito. Ang ganda niya sa mata.

"Sinong engage ate?" tanong ni Kokoy sa akin. Tinaas ko naman ang kamay ko. Namilog ang mga mata nito.

"Ano 'yan singsing? Engage ka na ate?!" nasigaw ito sa huling sinabi.

"I'm engage, Koy." napanganga naman ito. Nabatuhan tuloy ako ng madaming tanong nilang dalawa.

Sakto naman ay umilaw ang ginawang stage malapit sa hagdanan. Umakyat si Ryan dito habang malapad na nakangiti.

"Maraming salamat po sa mga dumalo sa kaarawan ko, napaka espesyal ng araw na ito sa akin, hindi lang kaarawan ko ang nangyari ngayon. Nagpapasalamat ako sa pamilya ko, mga kaibagan at sa pinakamamahal ko. You deserve the best, babe. In short you deserve me." tumawa naman ang mga bisita sa sinabi niya, pati ako ay natawa. "Some of you will be shock about this but here I go, Blessy Baguioso and I are now engage, Happy 21st birthday to me!" nagsigawan ang ibang naming kakilala ang iba naman ay nanlumo.

Binaha naman kami ng sandamakmak na tanong. Nakita ko pa ang pagkadisgusto sa mukha ng ama niya, ang ina naman niya ay malaki ang ngiti sa amin.

Umilaw naman ang malaking screen sa stage. May kanta ito at mga pictures ni Ryan simula noong bata pa siya, ang cute niya. Ay hindi cute ang gwapo pala kahit bata pa siya. Bigla naman itong nawala at napalitan ng isang picture.

The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)Where stories live. Discover now