TWI02

2.8K 57 2
                                    

"HALAA!!" sigaw ni Angel sa gilid ko. Hindi naman ako makapaniwala kay naka nganga pa rin ako.

"Yan lang ba magagawa mo?" ngumisi ako kay Sabrina, bumagsak naman ang ngiti nito at napalitan ng pagkairita.

"Bakit? Gusto mo ipainom ko sayo ang ihi?" tangina talaga ng babaeng 'to. Tinatawag siyang queen bee kuno dito. Tss mas maganda naman ako dito. Maganda nga 'to pero wala namang laman ang utak.

Kinuha ko ang sabaw na nasa tray na hawak hawak ni Angel at isinaboy sa kanya. Wala akong pake kung mainit init 'yun.

"OHMYGOD!!" tili ng isang alagad niya.

"BITCH!! YOU RUINED MY UNIFORM!!" nagaalab ang mga mata nitong nakatingin sa akin. Kala mo ikaw lang magaling magsaboy. Bitchissa talaga!

"Kulang pa 'yan Sabrina, kung pwede lang sana ihi rin ang isaboy ko sayo.. diba niligawan ka ni Ryan noon? Ba't humahabol ka na sa kanya ngayon? Change of mind hmm? Too bad darling, he's mine, so back off..bitch." diniinan ko ang pagkabigkas ng 'bitch' at pinandilatan ko siya ng mata, tatalikod na sana ako ng hilain niya ang buhok ko.

"YOU BITCH!! KUNG HINDI KA SANA DUMATING DITO!!" napa mura naman ako ng mas lalo pa niyang hinila ang buhok ko. Hinila ko naman ang buhok niya.

"Tigilan niyo na nga 'yan!" sigaw ni Angel habang umaawat.

"Putangina!" parang gusto niya talaga akong kalbuhin.

"MONTERO AND BAGUIOSO!! FOLLOW ME IN THE PRINCIPAL'S OFFICE!!!" sigaw ng Principal. Binitawan niya naman ang buhok ko kaya binitawan ko din ang sa kanya. Delusyonada talaga si Sabrina, siya na nga ang nagbasted kay Ryan tapos ngayon, ako 'yung sasabugan niya ng galit. Urghh!! Ansarap talaga pumatay!!

Nakaharap kaming dalawa dahil nandito na kami sa loob ng Principal's Office. Tumingin lamang ako sa kawalan dahil nagdadaldal na naman ang Principal namin.

"Are you listening Ms. Baguioso?!" wala naman akong ekspresyon na tumango sa kanya.

"Huwag mo ng gagawin ulit ito Baguioso, scholar ka dito, malaking kahihiyan kung magiging basagulera ka." tumaas naman ang ibabaw kong labi sa sinabi niya.

"Hindi naman ako ang nauna Mrs. Montero.. yung anak niyo po ang nauna.. alam ko namang 'di mo papagalitan 'yang haliparot mong anak." bulong kong sabi sa panghuli.

"Anong haliparot?!" sigaw na naman ng haliparot. Okay lang sana kung hindi matinis ang boses niya.

"Pshh.." sabi ko at umirap.

"Mom let her be, gosh she stinks!" maarteng saad nito. Abnormal talaga, siya naman ang nagbuhos.

"You may leave, Baguioso." sabi nito, tumingin lamang ako dito at lumabas.

Kumuha ako ng P.E sa locker at nagbihis sa katabing restroom nito na para sa mga player. Pwede akong pumasok dahil isa akong Volleyball Player. Malaki ang restroom na ito. May iilang shower room din dito.

"Ughh.." ungol na naman, kung saan-saan nalang gumagawa ng kababalaghan.

Napailing-iling na lamang ako at naligo na. Pagkatapos kong maligo ay sinusuklayan ko ang buhok ko habang naglalakad papuntang canteen ulit. Mauubos na talaga ang allowance ko nito.

Pagkatapos kong bumili ay dumiretso na ako sa clinic. Nakabusangot na nakatingin si Ryan sa akin.

"Bakit ang tagal mo?" alam kong nagpipigil siyang mainis. "At bakit basa ang buhok mo at naka P.E ka na?" tanong nito. Umupo ako sa upuan malapit sa kama at tumingin sa kanya.

The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)Where stories live. Discover now