TWI12

1.8K 43 2
                                    

Ano daw? My cleavage are bouncing? So tinignan niya talaga? Hinayupak!!

"Edi huwag kang tumingin." umirap ako sa kanya at nagpatuloy sumayaw.

Nakita ko pang lumayo ng kaunti si Angel. May kasayawan itong foreigner.

"Damn it! Let's go home, Blessy." he's bossy. I don't like it. My body my rules.

"It's my body, Christ.. and stop acting like you're my boyfriend." matigas kong sabi. Nagtagis naman ang bagang nito.

"Then I'll court you." tama ba ang narinig ko? nakapag linis naman ako ng tainga ah.

"Anong court wala tayo sa korte, Christ." tumawa ako habang gumigiling. Napamura naman ito habang nakatingin sa dibdib ko.

"Susunod ka sa akin o bubuhatin kita." madiing sabi nito. Napahinto naman ako sa pagsasayaw.

"Umalis ka nga! Nakakasira ka ng kasayahan." singhal ko dito. Umiling ito at binuhat ako. Napatili pa ako.

"Hoy ibaba mo nga ako!" nagpatuloy lang itong naglakad.

"Christtttt!!!" sigaw ko. Natawa naman ako ng biglang pumiyok ang boses ko.

"Shut up woman." napanguso naman ako sa kanya.

Binaba niya ako. Kinuha naman niya ang susi at pinatunog ang sasakyan niya. Hinila niya ako at binuksan ang kotse.

"Get in." utos nito. Para siyang hari tapos ako ang tagapagsilbi. Ha! Asa naman siya, ang ganda ko kaya para gawing tagapagsilbi.

"Psh.." bulong ko at padabog na umupo. Tumakbo naman ito patungong driver seat.

"Teka, si Angel." baka mapano pa ang bruhamg 'yun.

"I'll call her later." sabi nito at pinaandar ang kotse.

"Huwag na maissue pa tayo." sabi ko. Binuksan ko ang purse at kinuha ang cellphone ko.

"Don't mind them, Blessy. The fucking sex video is not true. You don't even love me." bulong nitong sabi sa panghuling sinabi.

"Lakasan mo naman 'di ko marinig!" napataas tuloy ang boses ko.

"You're such a goddess, but you're too noisy." sabi nito.

"I'm not a goddess, Christ." everytime I hear that word. I always remembered Ryan.

"Yes, you are." umirap nalang ako sa kanya. Ibinalik ko ang cellphone ko sa loob ng purse.

"Psh.. doon mo nalang ako ibaba sa gilid ng city hall." sabi ko sa kanya.

"Sure." pumikit na ako.

Hindi ko namalayan na naka idlip pala ako. Minulat ko ang mata ko. Nakatingin si Christ sa akin. Napakurapkurap pa ako at umayos ng pagkakaupo.

"Sorry, nandito na pala tayo." hinging paumanhin ko. Hindi ito kumibo nakatingin lang ito sa akin.

"You're scaring me, Christ." sabi ko.

"Ang ganda mo." kumabog ang puso ko. Napataas naman ang kilay ko.

"Alam ko." mataray kong sabi. Ngumiti naman ito. Ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti. Mas lalo siyang gumwapo kapag ngumingiti siya.

"I think... you need to smile more or sometimes."

"You made me smile, Blessy... so you need to be with me sometimes." napalunok naman ako sa seryoso niyang boses. Hindi ko alam kung nagloloko ba si Christ. Ito rin kasi ang unang pagkakataon na nagusapan kami ng ganito kahaba.

"Ows... bolero. Uuwi na ako." sabi ko at umambang lalabas, hinawakan naman niya ang kamay ko kaya nagtataka akong tumingin sa kanya.

"I'm going to court you, Blessy. Either you like it or not." wala namang salita ang lumalabas sa bibig ko.

"You deserve better, Blessy... you don't deserve a jerk, let me prove to you my love... and be happy with me." parang sasabog na ang puso ko sa naririnig sa kanya.

"I love you, Blessy. Since I first laid my eyes on you." tuloy nitong sabi. Teka lang!! Hindi ako handa sa mga ganito!

"Ha? Anong love?! Hindi tayo close no! Tapos love... hindi ako uto-uto, Che!" sabi ko at tinanggal ang pagkakahawak niya.

Lumapit ang mukha nito sa akin at hinalikan ako. Ilang segundo akong hindi huminga. Nakadampi pa rin ang labi niya sa akin. Hinawakan niya ang likod ng ulo ko at ang isang kamay naman nito ay pinisil ang pisngi ko dahilan para mapanganga ako. Gumalaw ang bibig nito. Kaya naitulak ko siya.

"I-I'm sorry.. I was just tempted to kiss you." diretsong sabi nito. Namula naman ako sa bibig niyang walang filter.

"H-ha?... Ah.. pasok n-na ako." utal kong sabi hindi ko na ito pinagsalita. Lumabas na ako ng kotse at tumakbo para makapasok sa bahay.

"Magandang gabi po, lola. Nasaan si Kokoy?" bungad ko kay lola. Lumapit ako sa kanya at nagmano.

"Nasa silid niya hija." tumango ako kay lola at nagpaalam. Pumasok na ako sa kwarto at nagbihis.

Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame.

Hinawakan ko ang labi ko.

"He kissed me. He did." I said.

The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)Where stories live. Discover now