TWI19

1.6K 41 4
                                    

Nakayakap lang ako sa kanya habang umiiyak. Kung matuturuan ko lang ang puso kong mahalin si Christ ay noon ko pa ginawa. Pero hindi.

"It's okay, baby... don't cry please.." sabi ni Christ at nilayo ako sa katawan niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at inilayo sa mukha ko. Kitang kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Your eyes are swollen, stop crying." pinahid niya ang luha ko. Kinagat ko naman ang ibaba kong labi at tumango.

"Sorry." sabi ko naman. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at hinalikan ang noo ko.

"No need to be sorry, baby. Mahal kita. Walang may kasalanan. Nagmahal lang tayo." pinakalma ko ang sarili ko. Hindi ko alam kung may nagawa ba akong ikabubuti ng bansa noon para bigyan ako ng ganitong lalaki.

"Ayaw kong masaktan kita, Christ. Tutulungan kitang makahanap ng babae. Para hindi matuon ang atensyon mo sa akin at matuto kang magmahal ng iba." ngumiti ito at umiling.

"You're enough, baby." malambing na sabi nito.

"Sige na, try mo lang, baka mahanap mo na ang itinadhana sayo." pagkukumbinsi ko sa kanya. Bumuntong hininga ito at hinaplos ang buhok ko.

"Okay if that's my baby want." sabi nito.

Napalingon kami ng biglang may umubo.

"Nakakaisturbo ba kami?" bungad sa amin ni Ella. Nasa gilid niya si Ryan, palipat lipat ang tingin niya sa amin. Naka topless din ito. Ngayon ko pa lang nakita ang katawan niya na walang pangitaas. Mas lalong gumanda ang katawan niya. Nag sex na kaya sila?

Napukpok tuloy ang ulo ko sa naisip ko. Biglang may eksenang pumasok sa isipan ko ito ay nag sesex silang dalawa. Tangina ano ba 'yan?!

"Baby? you okay?" hinaplos niya ang balikat ko, tumango naman ako.

"Psh.. nagtatanong pa para namang hindi halata." bulong kong sabi at umirap. Sinasadya talaga ng haliparot na 'to. Bwesit nasasaktan na nga ako kahit malayo sila pano nalang kaya kung malapit sila.

"What?" mataray na tanong nito. Pasalamat ka nandito si Ryan.

"What do you want?" tanong ni Christ.

Humalukipkip naman si Ella. Tumingin ito sa katawan ni Christ, pababa sa gitna nito. The nerve of this girl!

"Hmm.. pwede makiupo dito?" tanong nito habang nakangiti kay Christ. Ang kati na ba ng pempem mo Ella? Tangina.

"Madaming cottage, bakit dito pa?" sabat ko, tumingin naman ito sa akin na hindi pa rin nawawala ang ngiti.

"It's too boring,  kami lang dalawa ng fiancée ko." diininan pa niya talaga ang 'fiancée'.

"Alright." sabi ni Christ. Napalingon naman ako kaagad kay Christ at pinaliitan ng mata. Nagkibitbalikat lang ito.

"Tutal nandito naman kayo, baka balak niyo pang kumain." sarkastiko kong sabi.

"Oh, thanks, you're so... kind." sabi nito at kumuha ng paper plate. Hindi niya ba narinig ang tono ng boses ko? Psh...

Tumayo ako. Kumuha ako ng paper plate at nilagyan ng kanin. Inagaw ito ni Ella sa akin.
Kaya inis akong napatingin sa kanya.

"I'll do it, fiancée ko naman siya." sabi nito. Napaikot tuloy ako ng mata.

Umupo na ako at tinignan silang dalawa. Binuksan ni Ella yung tupperware na may lamang hipon. Kaya napakunot ang noo ko. Kumuha siya ng hipon at nilagyan ang plato ni Ryan. Inilapag niya ito sa lamesa.

The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)Where stories live. Discover now