TWI05

2.2K 47 3
                                    

Napamulat ako ng mga mata ng marinig na may kumakatok sa pinto. Kinusot ko ang mata ko at lumapit sa pinto para mabuksan.

"Ma?" bulalas ko ng makita si mama sa labas ng kwarto.

"Nasa baba si Ryan."

"Po?! Si Ryan?" tumango ito sa akin, dali-dali naman akong bumaba sa sala, agad ko naman siyang nakita, naka uniporme na ito. At naka tingin sa akin.

"Ginagawa mo dito?" bungad ko sa kanya. Tinapik niya naman ang gilid ng sofa. Umupo ako doon.

"Sinusundo kita, sabay na tayong pumasok." pinaglalaruan pa niya ang buhok ko, lumayo naman ako sa kanya dahil wala pa akong ligo.

"Hindi pa ako nakapagligo, hindi ka kasi nagsabi."

"Nakalimutan ko, babe." sabi nito habang nakasandal sa sofa, diretso ang tingin niya sa akin.

"Psh.. diyan ka na nga maliligo pa ako... nag agahan ka na ba?"

"Hindi pa, dito ako kakain." abnormal talaga, alam ko namang hindi siya sanay sa mga ulam namin. Tinaasan ko siya ng kilay.

"Pshh.. wala kaming ulam dito, ang yayaman ninyo tapos dito ka kakain?" reklamo ko dito, napakamot naman ito sa ulo.

"Gusto ko sabay tayong kumain." bumuntong hininga nalang ako at tumango.

"Okay.. bahala ka, maliligo muna ako." paalam ko dito. Tumayo na ako at dumiretso sa banyo.

Matagal-tagal din akong natapos dahil anghina ng tubig. Lumabas na ako ng banyo at pumunta sa kwarto. Halos mapatalon ako ng makita si Ryan sa kama na nakahalukipkip.

"Para ka talagang kabute, kung saan-saan sumusulpot." nakatuwalya lang kasi ako, nasanay ako na dito sa kwarto magbihis.

"Boring sa baba, babe." dahilan nito, umismid naman ako sa sinabi niya.

"Boring naman dito sa kwarto ah.. wala kaya ako dito kanina." sinarado ko na ang pinto at kinuha ang uniporme ko na nasa gilid niya.

"Mas gusto ko dito sa kwarto mo." dahilan na naman niya.

"Okay, sabi mo eh. Tumalikod ka nga, magbibihis ako." tumalikod naman ito kaagad sa akin. Sinuot ko na ang uniporme ko at ID.

"Tapos na." humarap naman ito sa akin at pinasadahan ako ng tingin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang ID ko.

"Gwapo ko dito ah.." sabi niya habang nakatitig sa 1x1 picture niya sa likod ng ID ko. Meron din akong picture sa cellphone niya, wallet, ID at pati sa laptop niya. Tapos sa kanya ay nasa ID ko lang. Swerte ko no?

"Sino ba kasing nagsabi na hindi? Bugbugin natin." tumawa naman ito sa akin. Nagsuklay na ako sa buhok ko.

"Supportive mo talaga, babe." sabi nito habang tumatawa.

"Girlfriend mo ako, dapat lang naman na supportive ako." sabi ko naglagay na ako ng pulbo sa mukha ko at naglagay ng kaunting liptint sa labi ko.

"Tsk, sino ba pinapagandahan mo?" ayan na naman siya. Nagiging siraulo na naman.

"Sarili ko." trip ko lang maglagay ngayon ng tint.

"Ang ganda mo na nga, babe tapos mas lalo ka pang gaganda dahil niyan." ngumuso ito sa akin.

"Alam ko na 'yan, araw-araw mo kaya akong sinasabihan na maganda." Oo, araw-araw niya akong sinasabihan na maganda, ganitong ganito linya niya, 'ang ganda mo talaga, babe.', 'ang ganda talaga ng mapapangasawa ko.' 'Hindi ako magsasawang makita ang mala diyosa mong ganda, babe."

The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)Where stories live. Discover now