TWI07

1.8K 50 5
                                    

Nasa rancho na kami ng mga kagrupo namin. Nasa ilalim kami ng puno, para kaming nagpipicnic dahil may banig at pagkain na nakalatag sa damuhan.

"Babe? Pwede namang bukas nalang natin ito ipagpatuloy." tumingin ako sa kanya na nakahilig sa puno. Ang buhok nito ay sumasayaw dahil sa hangin, maaliwalas ang pagmumukha niya dahil sa init. Kitang kitang ang kagwapuhan niya.

"Bagay kang maging modelo." baliwala ko sa sinabi niya. Bagay talaga sa kanya, maganda ang pangangatawan tapos ang gwapo niya pa.

"Do you want me to become a model babe? Pano na yan? Hahabulin na ako ng maraming babae." nagkibitbalikat naman ako.

"Sinabi ko lang na bagay sayo, kung 'di mo gusto edi 'wag." tumingin ako sa kinaroroonan ng ibang kasama namin. Nandoon sila malapit sa baboyan. Ang leader namin ay maydalang papel. Kami naman ay walang naiambag.

"I'll think about it." humiga ito sa paanan ko. "Babe, alam kong nasasaktan ka, sabihin mo naman ang nararamdaman mo, nandito lang ako palagi sa tabi mo." sinuklay ko ang buhok niya, ang isang kamay ko naman ay ginawa kong panangga sa araw na tumatama sa mukha niya.

"It hurts, I even regret talking back at her. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil, mali ang ginawa niya, maling mali. The worst part is it's Megan's father." nakatingin ito ng diretso sa akin, na para bang binabasa niya ang bawat ekspresyon ko. Megan's parents got annulled when she was young, at kung makikipag annull si Mama kay Papa ay pwedeng pwede, kayang bayaran ng ama ni Megan ang korte. They are rich, they owned some restaurant, clothing line and etc. I don't even know kung paano sila nagkakilala.

"Sorry, babe kung tanging pagpapagaan lang ang naitulong ko sayo." he said sadly. I softly caressed his cheeks.

"It's more than enough, Ryan. You by my side will always be enough." He sweetly smiled.

Hindi ko kayang umuwi dahil sa nangyari kanina. Paano kung malaman ni Papa ang ginawa ni Mama? Walang sekreto ang hindi nabubunyag.

Dalawampu't-walong taon ng magasawa ang mga magulang ko. Naging magkakilala sila dahil pareho silang nagtatrabaho sa isang kompanya.

Nagpaalam si Ryan na pupunta sa mga kasama namin. Habang sinusundan ko ng tingin si Ryan ay nahagilap ng mata ko si Christ na nakatitig sa akin, inirapan ko lamang siya at tumingin sa malayo.

Maghahanap na ako ng trabaho mamaya, kahit sa karenderya lang. Hindi ko sasabihin kay Ryan dahil alam kong tutulungan niya ako at ilalabas ang kanyang pera, ang laki na ng naitulong ni Ryan sa pamilya namin, ayaw ko ng dagdagan.

Napalingon ako ng may umupo malapit sa akin. Tumingin ako sa ibang kasama namin pero hindi ko na makita sila.

Inilahad ni Christ ang isang pulang rosas. Nangunot naman ang noo ko sa kanya. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay doon ang rosas.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya na nakatingin sa bulaklak.

"Rose." maikling sabi nito. Letse! Hindi talaga siya masarap kausap, parang may bayad kapag mahaba ang isasagot niya.

"Psh... para saan 'to?" nagkibitbalikat lang ito sa akin at nagiwas ng tingin.

"Bakit hindi ka sumama sa kanila?" tanong ako ng tanong kahit walang kwentang kausap 'to.

"I'm tired." napairap nalang ako at humilig sa puno, pinikit ko ang aking mga mata.

Naramdaman kong parang may dumadamping kamay sa mukha ko, hinay hinay kong minulat ang mata ko at nakita ko si Christ na isang dangkal lang ang layo ng mukha namin. Hinahawi niya ang buhok ko papuntang likod sa tainga. Napalunok ako sa lapit ng mukha niya. Itutulak ko sana siya ng naramdaman niya akong lumunok.

The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz