TWI18

1.7K 42 6
                                    

Gumapang naman kaagad ang kamay ni Christ sa baywang ko. Tumingin ako sa kanya.

"Don't mind them." sabi nito habang nakatingin sa kanila.

"How couldn't I?" sabi ko at bumuntong hininga.

I'm pretty sure, Ella will recognize me.

Napatingin sila sa amin. Ang mga matang masaya ni Ella ay napalitan ng nagaalab. Pero kaagad naman itong nawala ng nakita niyang may katabi ako. Hinawakan niya ang kamay ni Ryan na nasa balikat niya at iginaya sa baywang niya. Tumingin si Ryan sa kanya at ngumisi. Kita ko ang pagpisil niya doon. Hindi ko alam kung pangilang lunok na ang nagawa ko.

Hindi naman bago sa akin ang ganito. Araw-araw ko pa nga sila sinusundan pero nasasaktan parin ako. Sapat na sa akin na makita siyang masaya. Kahit hindi sa akin.

"Baby, umuwi na tayo." sabi ni Christ, umiling ako.

"Huwag na, okay lang hindi niya naman tayo kilala at tsaka sayang first time pa naman tayong sabay maligo." sabi ko at tumawa. Ngumiti naman ito sa akin at pinisil ang pisngi ko.

"Aray ha!" sabi ko at umirap. Tumawa ito sa reaksyon ko.

"You're so cute.." sabi nito.

"Akala ko ba maganda ako? Bolero mo talaga!" tumingin ako sa kanya. May tumutulong tubig sa buhok nito.

"You're a goddess, baby it means nasa iyo na ang lahat." napatawa ako sa sinabi niya. Ano to kantahan?

"Si Christ ba 'to o si Daniel Padilla?" sabi ko na tumatawa pa rin.

"Tsk, Sino ba 'yan?" nalaglag ang panga ko sa sinabi niya, Sure ba siyang hindi niya kilala? Eh artista yun ah! Crush ko 'yun!

"Di mo kilala?! Crush ko 'yun! Artista ang gwapo nga!" bumusangot naman ang mukha nito.

"I can be your actor, if you want." bumaba ito sa tubig, nasa harap ko siya habang naka hawak sa binti ko.

"Ha? Baliw! Huwag ka ng lumipat." sabi ko.

"Alright. Let's eat. May pagkain sa kotse." sabi nito. Wala akong natandaang may binili kaming pagkain ah.

"Binili mo kanina?" tanong ko. Hinawakan ko ang buhok ko at piniga.

"Yes, baby. Bago ako umuwi dito." tumango naman ako.

Bumaba na ako sa bato at lumangoy. Tinulungan akong umahon ni Christ.

Sinadya ko talagang lumingon sa kanila. Nakatingin na sila sa amin. Si Ryan ay may blangkong mukha, si Ella naman ay nakangisi. Bruhang 'to. Sarap ilunod sa tubig.

Umiwas nalang ako ng tingin sa kanila.

"Your bra is showing." sabi ni Christ. Tumingin naman ako sa dibdib ko.

"Bra lang 'yan." kalma kong sabi habang patuloy ang paglalakad.

Pagkadating namin sa labas ng kotse ay kinuha niya ang tuwalya at inilagay sa akin. May kinuha siya sa likod ng kotse na basket.

"Magbihis ka kaya, Christ, lalamigin ka." sabi ko. Nadidistract kasi ako sa katawan niya. Punyeta.

"Nope I won't, baby don't worry." sabi nito.

Naglakad na kami sa may cottage. Libre naman lahat dito. Ang mayor kasi ang nagpatayo ng cottage dito dahil may iilang turista na pumupunta dito. Mabuti ngang walang turista dito ngayon.

Umupo ako at pinagmasdan si Christ. Mabait si Christ sa lahat ng tao. Nagchacharity pa ng 'to. Tapos siya mismo ang pupunta sa bahay ampunan para mamahagi ng regalo. Tapos ang sweet niya pa sa akin, nagmumukha tuloy kaming magkasintahan. Sabi ni Angel ay may usap usapan daw sa social media na may girlfriend na daw si Christ, tapos 'yung picture naka lagay ay kaming dalawa, nakatalikod kami at may sombrerong suot.

Palagi ko ngang tinatanong sa kanya na 'hindi ka ba nahihiya sa akin?' 'hindi ka ba natatakot na masira ang career mo?' Ang sagot niya ay 'hindi, mahal kita, hindi kita ikakahiya at kaya kong tumigil para lang sayo.' Hindi ko na alam anong gagawin ko sa kanya.

"Baby, eat this.." sabi nito at inilapag ang paper plate na may lamang maraming pagkain.

"Bakit andami nito?"

"Namamayat ka." sabi nito at tumingin sa akin. Nilagyan niya din ang plato niya.

"Anong namamayat? Tumataba nga ako, psh.." wala akong nagawa kundi kainin ang lahat na inilagay niya.

Kumakain na kaming dalawa, ako ay nakatitig lang sa kanya. Tumayo ito bigla at kumuha ng coke sa basket at inilagay sa harapan ko.

"Ang swerte ng mapapangasawa mo." sabi ko. Umupo ito at kinuha ang plato niya. Tumingin ito sa akin.

"Ang swerte mo." sabi nito. Sumimangot naman ako. Ano ba yan Christ? Imbis na kiligin ako ay nakokonsensya ako. Hindi siya ang pinili ng puso ko eh. Wala akong magagawa. Kung pwede lang sana ako 'yung pumili. Si Christ pipiliin ko. Masaya na si Ryan, dapat na rin akong maging masaya.

"Huwag ka ng sumimangot, alam kong siya pa rin. Mahalin mo lang ako kahit kaunti, papayag ako kahit may kahati." Lord, si Christ nalang pwede ba? Pareho lang kaming nasasaktan. Sa parehong dahilan. Nasasaktan kami dahil may ibang mahal ang mahal namin.

"I'm sorry... C-Christ.. d-dahil h-hindi ko magawang suklian a-ang p-pagmamahal... m-mo." bumuhos ang luha ko. Ang kamay ko ay nasa mata ko lang. Narinig ko itong nagmura.

May mainit na bisig ang yumakap sa akin.

"Shh... It's alright, baby... okay lang... don't cry please.. I don't want you to cry." sabi nito. Tinatapik niya ang likod ko.

"I-I'm so s-sorry.." I know my sorry is not enough.

Palagi siyang umaasa na mamahalin ko siya pabalik. Pero hindi eh, kay Ryan pa rin ang lintik kong puso.

The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)Where stories live. Discover now