TWI04

2.2K 49 5
                                    

Nandito na kami sa labas ng bahay namin, nagpupumilit siyang pumasok.

"Sige na, babe, babati lang ako kay tito at tita." sabi nito habang pinaglalaruan ang kamay ko.

"Pshh... sabi ng ayaw, hindi pa kami nakapaglinis."

"Babe.." pagmamakaawa nito. Napanguso naman ako sa kanya.

"Gabing gabi na, Ryan baka mapano pa kayo sa daan."

"Wala namang mangyayari sa amin, malapit lang kaya bahay namin sa inyo."

"Oh sige bahala ka." hinila ko siya papasok sa bahay.

Pagkapasok namin sa bahay ay nakita ko kaagad si Papa at Kokoy, nanonood sila ng telebesyon.

"Pa, nandito po si Ryan." lumapit kaming dalawa ni Ryan kay Papa at nagmano.

"Oh, napadalaw ka hijo?" pinaupo ko si Ryan sa sofa namin. Nakatayo lang ako sa likuran niya.

"Hinatid ko lang po dito si Blessy, tito." tumango naman si Papa sa kanya.

"Nasaan pala si Mama, Pa?" hindi ko siya nakita dito ah, gabi na kaya.

"May binili lang." sagot nito sa tanong ko.

"Ano namang bibilhin niya, gabing gabi na?" nakakunot ang noo ko.

"Baka pagkain lang anak." napatango nalang ako dito. Hinawakan ko ang balikat ni Ryan, lumingon naman ito sa akin.

"Aakyat muna ako." tumango ito sa akin at ibinigay ang bag ko.

"Sa kwarto lang ako Pa." paalam ko sa kanya, nagsalin ito ng tubig sa baso at ininom.

"Samahin mo si, Ryan. Baka mabagot siya dito sa sala." nanlaki naman ang mata ko, tumawa ng mahina si Ryan kaya sinamaan ko siya ng tingin. Botong boto kasi si Papa kay Ryan dahil alam niyang seryoso ito sa akin, na hindi niya ako sasaktan.

"Po? Nako huwag na, Pa magbibihis lang naman ako tapos ihahatid ko na sa labas si Ryan." tinaasan naman ako ng kilay ng gago. Gusto niya pa talaga.

Magsasalita sana ako ng biglsng tumayo si Ryan.

"Sasamahan ko nalang po." tignan niyo nga naman.

Tumango si papa kaya pumunta na kami sa kwarto. Una akong pumasok. Anlakas ng tibok ng puso ko ng ilock niya ang pinto.

Inilapag ko ang bag ko sa kama at tumingin sa kanya.

"B-bakit mo sinarado?" lumapit naman ito at umupo sa kama.

"Huwag kang magalala babe, hindi kita gagahasain, sinarado ko lang dahil magbibihis ka." alam niya kasing walang CR dito sa kwarto ko nasa ibaba lang.

"Psh.. tumalikod ka nga magbibihis ako." kumuha ako ng t-shirt at dolphin shorts sa kabinet at tumingin sa gawi niya.

"Para namang hindi ko 'yan nakita noon, babe." kinuha ko ang suklay at ibinato sa kanya.

"HAHAHAHAHA, nagbibiro lang, ito naman oh." sabi niya at tumalikod.

Hinubad ko naman ang uniporme ko at isinuot ang damit.

"Tapos na, bumaba na tayo para makauwi ka na."

Bumaba na kami, bago kami lumabas ay nagpaalam muna si Ryan.

Nandito pa rin ang kanilang SUV.

"Babe, diba may pinapagawa si Mrs. Sarsaba sa atin, sa rancho nalang kaya namin." napaisip naman ako, ang pamilya Ferrer ang may pinakamalaking rancho dito. Kung sa kanila kami gagawa ng report ay pwede din naman, pero baka makaabala kami.

"Hindi ba kami makakaabala?" umiling naman ito kaagad.

"Hindi, sasabihin nalang natin bukas sa kagrupo natin, huwag lang sa rancho ni Christ." may rancho din ang pamilya ni Christ, magkakompetensya sila sa pamilya ni Ryan. Mayaman din si Christ. Maraming nahuhumaling sa kanya dahil malakas ang dating niya lalo na sa court.

"Ang laki talaga ng problema mo kay, Christ wala namang ginagawa 'yung tao." napapansin ko kasi sa nagdaan na araw ay palagi niyang binabanggit si Christ dahil daw iba ang tingin niya sa akin. Para kayang bato si Christ, madalang lang makipagusap.

"Aagawin ka niya sa akin, babe." tumawa naman ako sa kanya.

"Wala naman siyang gusto sa akin at kung meron man, hindi naman ako magpapaagaw. Sayo rin naman ako uuwi sa huli." napangiti naman ito sa sinabi ko. Hindi ko na kasi nakikita ang sarili ko na magmahal ng iba.

"Sabagay, hindi ko naman siya hahayaan na agawin ka sa akin, magpatayan muna kami."

"Baliw ka talaga! Anong patayan? Pshh.. Umuwi ka na nga!" hinila ko siya papalit sa SUV nila at binuksan ang pinto.

"Wait lang 'yung kiss ko?" ngumuso naman siya sa akin. Kaya napairap ako.

"Psh.. ang demanding mo talaga, baka makita tayo ni Papa." hinawakan niya naman ang magkabila kong pisngi at hinalikan sa labi ng mabilis.

"Yan, college na tayo, babe.. normal lang 'yan." sabi nito, habang ang dalawang kamay ay nasa likod ng batok niya.

"Pshh... daming satsat umuwi ka na! Tapos kumain ka pagkauwi mo." ngumiti naman ito at niyakap ako.

"Oo na misis.." uminit ang pisngi ko sa sinabi niya.

"Hindi pa tayo magasawa, Ryan huwag kang mangarap.." umismid ako sa kanya.

"Tsk, kaya kitang pakasalan ngayon, babe pero alam kong uunahin mo talaga ang pagaaral mo dahil sa pamilya mo, kaya maghihintay ako." magpapakasal daw pero walang engagement ring. Loko talaga.

"Bente anyos pa lang tayo, Ryan." tanging sabi ko. May bahagi sa akin na gusto ko ng magpakasal kami, pero paano naman ang pamilya ko? Paano na si Kokoy may sakit pa naman 'yun tapos malapit na siyang mag koleheyo? Mas uunahin ko pa ang pamilya ko kaysa pag-ibig. Kung mahal niya talaga ako, kailangan niyang maghintay hanggang sa makatapos ako.

"Nasa legal age na tayo, babe... pwedeng pwede na.. alam kong hindi ka pa ready kaya hihintayin kita." kaya mahal na mahal ko 'to eh.

Sana ganito nalang kami palagi. Sana..

"Salamat sa pagintindi sa akin palagi, Ryan. Thankyou.." niyakap ko siya. Kumalas naman ako kaagad.

"You deserved it, babe.. you deserved the whole damn world.. you're that precious to me.." hindi ko alam kung bakit naiiyak ako sa sinabi niya.

"Mahal na mahal kita, Ryan.." tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan, hulog na hulog na ako sa lalaking 'to. Sana kami na hanggang dulo.

"Mahal na mahal din kita, babe.. huwag kanang umiyak.." hinalikan niya ang noo ko at pinahid ang luha ko.

"Pinapaiyak mo kasi ako... umuwi ka na gabing gabi na.." ngumiti ito sa akin at hinaplos ang buhok ko.

"Pumasok ka muna sa bahay, babe.. aalis lang kami kapag nakapasok ka na.." tumango ako at niyakap siya muli.

Tumalikod na ako sa kanya at kumaway.
Pumasok na ako sa bahay at tinignan ang sasakyan nilang papaalis na.

It's family over love.

The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)Where stories live. Discover now