TWI06

1.9K 50 3
                                    

Naramdaman kong mas lalong humigpit ang pagkakahawak ni Ryan sa baywang ko.

"Si tita ba talaga 'yan?" bulong na tanong ni Ryan. Hindi naman matanggal ang mata ko sa nakita ko.

Hindi naming magawang lumakad dahil gulat na gulat kaming dalawa. Putangina? Hindi ko maintindihan, anong nangyari? Bakit ganyan?

Kita ko ang saya sa mukha ni mama habang nakikipagusap sa lalaki, tapos na silang kumain dahil wala ng laman ang mga plato nila.

"Babe? Are you okay hmm? Gusto mo alis nalang tayo? Baka nagkamali lang tayo ng iniisip." sabi ni Ryan. Umiling naman ako.

"No, dito tayo, Ryan." nauna akong naglakad sa kanya at umupo.

Sumilay ang ngiti sa labi ng ina ko, habang hinimashimas ng lalaki ang palad niya sa pisngi ni mama. Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Hindi ako pwedeng magkamali. Hindi ako tanga para hindi malaman kung anong ibig sabihin nito. I know that old man is rich. I know very well.

Inilapag naman ng waiter ang mga pagkain. Hindi ko namalayan na naka order na pala si Ryan.

Gustong kong lapitan si mama kung anong kabaliwan ang ginawa niya. Kung sasabihin niyang kaibigan lang 'yun, ay sinong tanga ang maniniwala sa kanya? Walang kaibigan na naghahalikan.

Sumasakit ang dibdib ko sa nakikita ko ngayon. Nasasaktan ako para sa pamilya namin, kulang nalang ay umiyak ako para magbaha dito sa loob ng restaurant.

My father worked hard to raise us. Kapag nalaman 'to ng buong pamilya namin, ay si Papa ang masasaktan ng todo. I don't understand...

Lumipat si Ryan sa tabi ko at ipinilig ang ulo ko sa balikat niya. Tinatapik niya ang likuran ko, napabuhos naman ang luha ko.

"Babe... cry all you want... I'll be your shoulder to cry on."  I cried, but my heart remained the same. My heart still ache.

Pinahid niya ang luha ko. Tumingin naman ako sa gawi nila. Tumayo ang may edad na lalaki at tumayo na rin si mama. Hinawakan ng lalaki ang kamay ni mama at lumabas na sila.

"Umuwi na tayo, babe... sa bahay ka matulog." umiling naman ako sa kanya.

"Sayang ang pagkain, kumain tayo." sabi, kinuha ko ang kutsara at nagsimula ng kumain. Kumain na din si Ryan pero hindi nawawala ang mata niya sa akin. Ako naman ay kumakain na nakatingin lang sa plato.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami sa bahay nila. Tinawagan niya si Papa at sinabing sa bahay ako nila matutulog. Pumayag naman si Papa.

Kaya pala palaging wala si Mama sa bahay.

"Oh hija, napadalaw ka?" tanong ng ina ni Ryan, lumapit ito sa akin at mahigpit akong niyakap. Maganda pa rin ito kahit may edad na.

"She'll sleep here, Mom." si Ryan na ang sumagot sa tanong ni tita.

"Oh.. sa kwarto ka ni Ryan matulog." iniangat ko naman ang tingin kay tita at umiling.

"Huwag na po, nakakahiya naman, sa guestroom nalang po." siya naman ang umiling sa akin. Umakbay si Ryan sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Sa kwarto tayo, babe... hindi ko gustong isipin mong mag-isa ka lang." malungkot naman akong ngumiti.

"Okay ka lang hija?" tumango naman ako kay tita.

Umakyat na kami papunta sa kwarto ni Ryan. Sinuot ko ang T-shirt niya. Dahil sa sobrang laki nito ay hindi na makikita ang cycling kong suot. Humiga ako sa kama, sumunod naman si Ryan sa akin, wala itong pangitaas kaya ramdam na ramdam ko ang init sa katawan niya. Yumakap siya sa akin at isinubsub ako sa dibdib niya.

"It'll be alright, babe... Palagi lang akong nandito.." ito na naman ang traydor kong luha, umaagos na naman. Sinuklay niya ang buhok ko gamit ang daliri niya. I'm so thankful for having him by my side.

Umiiyak ako hanggang sa makatulog ako sa bisig niya.

Parang hindi ko gusto makita si Mama, nasasaktan pa rin ako, hindi ko rin alam kung sasabihin ko ba kay Papa, kung nasasaktan ako ngayon mas lalong masasaktan si Papa.

Pumasok ako sa loob ng bahay. Hinatid ako ni Ryan dito dahil kukunin ko lang ang gamit ko para sa report na gagawin namin.

"Saan ka nanggaling, Blessy?" bungad ni Mama ng makita niya ako. Tumingin naman ako sa kanya ng walang ekspresyon.

"Ryan." tanging sabi ko at pumunta na sa kwarto, Oo, alam kong nagiging walang galang ako. Hindi ko ginanito ang pamilya ko.

Sumunod naman si Mama sa akin na galit ang ekspresyon.

"Kailan ka pa naging walang galang sa akin, Blessy?!" tumaas ang boses niya sa panghuling sinabi.

"You made me feel this way, Ma." walang ekspresyon kong sabi. Kumunot naman ang noo niya.

"Nakuha mo ba kay Ryan ang pagiging, walang galang mo?!" sinigaw na niya. Tumaas naman ang kilay ko.

"Bakit mo ba sinasali si Ryan dito, Ma?!" ilalabas ko na talaga ang galit na kinikimkim ko.

"Abat marunong ka ng tumaas ng boses sa akin?!" hindi ito makapaniwalang umiling. "Nasa loob kita ng siyam na buwan tapos sisigawan mo ako?! Anong nangyari sayo, Blessy?! Hindi ka naman ganito noon!!"

"Anong nangyari sa akin?" tumawa ako ng mapakla. "Ikaw ma, anong nagyari sayo? Nasaan ka kagabi?" hindi ito makatingin sa akin.

"Ano ba ang sinasabi mo? Nasa kapitbahay lang ako kagabi!" depensa nito.

"Kapit bahay? Tingin mo maniniwala ako sa kasinungalingan mo? Hindi ako tanga ma para maniwala ako sayo... kitang kita ko sa dalawang mata ko ang ginawa niyo ng ama ng kakilala ko!" namutla ito.

"Mali ka lang ng nakita, anak." her voice was weak.

"At nagmamaang maangan ka pa! Hindi mo ba naisip na may pamilya ka Ma!! May pamilya ka... at may anak yung kalandian mo!!" para akong binuhusan ng tubig ng sinampal niya ako, tumulo ang luha ko at hinawakan ang pisngi ko. Nagtangka siyang hawakan ang pisngi ko pero umatras ako.

"H-hindi k-ko sinasadya... s-sorry." lumapit naman siya sa akin kaya umatras na naman ako.

"Bakit ma? Masakit ba marinig sa mismong anak mo?! Hindi ka na naawa Ma, may sakit si Kokoy tapos ito inaatupag mo? Paano si Papa? Paano kami? Hindi mo ba naisip? Masaya ang pamilya natin Ma pero... bakit ganito?" umagos ang luha ko.

"G-gusto ko lang makatulong sa ama mo, anak k-kahit ganyan na paraan, nahihirapan siya.... malaki ang ibabayad natin kapag inoperahan si Kokoy... kailangan ko ng pera.." umiyak na siya. Tagos sa puso ko ang sakit.

"Handa naman akong tumigil sa pagaaral ma! Kaya kong magtrabaho! Sinabi niyo sana sa akin, kapatid ko si Kokoy! Hindi sana aabot sa ganito kung sinabi mo lang! Kaya kong magtrabaho para sa inyo! Para sa pamilyang ito!"

"Importante ang pag aaral a-anak, ayaw kong damayin ka sa problema namin..." humihikbi nitong saad.

"Pamilya tayo ma, dapat nagtutulungan tayo... Hindi ka sana nangaliwa!! Ano iiwan mo ba kami?!" mas lalong bumuhos ang luha nito sa sinabi ko.

"P-patawad... anak... kailangan... para sa pera..." napahilamos naman ako sa palad ko at itinapon lahat ng gamit na malapit sa akin.

"Putangina naman!! Sawang sawa na ako!! Sa oras na piliin mo ang lalaking iyon, wala ka ng anak na babalikan." huling sabi ko at lumabas ng bahay.

Ang sakit sakit dahil ang lalaking 'yun ay ama ni Megan....

The Wedding Intruder (Billionaire Series #2)Where stories live. Discover now