Chapter 23

2.3K 78 4
                                    

Nanlambot ang katawan ko buti na lang akap-akap pa rin ako ni Alekxus. Nang akala kong tapos na, he added, "And then after my fingers," Alekxus started nibbling my ears, "Ipapasok ko sa'yo ang mahaba at mataba kong-"

"Sushi?" hindi ko na napigilan kaya sumingit na ako.

Dami pa niyang sinasabi samantalang kanina pa ako nagugutom dito! Basa na rin ako, basa na ang bunganga ko sa laway!

"Sushi?" inulit lang ni Alekxus ang tanong ko. Naguguluhan. "Sushi na naman?!"

I lightly tapped my hand on his chest.

Huwag asarin ang gutom, lalo na ang gutom sa sushi ni Luna Miadyn!

"Oo, sushi! Dami mo pang sinasabi eh kanina ko pa gustong isubo ang mga 'to!" Ipinakita ko sa kaniya ang kanina ko pang bitbit na supot na naglalaman ng baunan na may sushi.

"After all these time...sushi...sushi pala ang nasa isip mo?" Alekxus asked in a high tone na para bang hindi siya makapaniwala.

"Oo naman! Mayroon pa bang iba? Or are you referring to that unknown food na pinabaon pala sa'yo ni Luna na sinekreto mo sa akin?"

"My Redemption!"

"Alekxus!" sinigaw ko rin ang pangalan niya. "Ang gusto ko lang naman ay subuan mo ako ng sushi, mahirap ba 'yon?"

Napailing-iling si Alekxus at napahakbang paatras papalayo sa akin. Napatawa siya na tila nababaliw.

Hala, nasisiraan na si Alekxus ng bait dahil sa sushi!

"What's happening here?" singit ng isang pamilyar na boses. "Ano 'yang bitbit mo, Red?" Nang nasa tabi ko na si Kaizon, kinuha niya yung baunan at binuksan ito. "Wow, sushi! Mukhang masarap 'to! Penge!" At walang anu ano, sumubo si Kaizon ng isa.

Napatalon kami ni Kaizon nang biglang napaalulong si Alekxus. He sounded really irritated and frustrated.

"Sorry," paumanhin ni Kaizon, "Dapat nagpaalam muna ako sa'yo bago kainin 'tong sushi. Ikaw may-ari, 'di ba?"

Namumula na ngayon sa inis si Alekxus. Mahirap nang magrambulan itong dalawa. May importanteng mission kami.

"Alekxus," saad ko, "Hindi na ako manghihingi ng sushi, huwag ka ng magalit, sige na-"

"Inyong-inyo na 'yan." Nakahinga ako ng maluwag. Napilitan lang akong i-give up ang sushi. Buti hindi naman pala kailangan. "Pesteng sushi!" alulong muli ni Alekxus at nauna na itong maglakad pabalik sa camp.

Nagkatinginan kami ni Kaizon. I frowned at him when I noticed he's already munching two pieces of sushi in his mouth. "What's his problem?" Kaizon asked, words muffled because of what he's eating. "Oh, wow! This really tastes so delicious! High end sushi ba 'to?"

"Aba maghunos dili ka, Kaizon." Dumampot ako ng tatlong sushi. "Huwag mo akong uubusan ng sushi!"

Kaizon playfully grinned at me, "Ipagluluto na lang kita nito, Red. Bagong favorite mo pala ang sushi?"

"I doubt it, Kaizon, na matatapatan mo ang sushi na 'yan."

"What? Nakalimutan mo na bang magaling akong magluto, my Detective?" Kaizon is indeed a good cook.

When we were together, he looked so hot in an apron. Only an apron and nothing else.

Dapat nanatili na lang siyang gano'n, our sexy ol' days, pero may gana pa siyang mambabae at manloko.

Definitely not sexy. A huge turn off. Then there are also the other things he did to me. I vow to never forget.

"Special ang sushi na 'yan," sagot ko, "Unlike you."

"Red-"

"Unlike what you made me feel after you did those things." dagdag ko. "I will never forget, Kaizon Oleander," Kaizon looked pained and guilty. "I will never forget how you made me feel. Ipinaramdam mo sa akin na wala akong pinagka-iba sa mga basurang pwedeng itapon na lang basta-basta." kalmado ang boses ko ngunit ramdam pa rin ang kaseryosohan nito.

"Please let me atone, Red, gagawin ko ang lahat para lang maibalik natin ang dating tayo." he pleaded, almost kneeling again in front of me.

Inagaw ko na lang yung baunan ng sushi mula sa kaniya. "Akina 'yan." I started walking back to our camp, Kaizon on my heels, "Mas pipiliin ko ang sushi kaysa jowa." I muttered to myself and feed myself a piece of this ultimate happiness known as Sushi, the Most Delicious.

Love yourself.

And then love your favorite food.

Sino ba ang takbuhan mo kapag mag-isa ka at durog na durog?

Sarili mo.

And then there's food.

Hindi 'yan mang-iiwan.

Takot na akong maiwan muli.

She Who Got Rejected ✔️Where stories live. Discover now