Prologue

3.1M 43.8K 8.1K
                                    



I can't fvking believe I'm riding this stupid bus.

If it isn't just for my girlfriend I wouldn't go out without a car. Bakit kasi mahal na mahal ko si Anya? Tinamaan ata ako ng sobra sakanya. Maybe Dad was right, kapag ang Bad Boy nag mahal sobrang seryoso. Kaya siguro ganon din siya kay Mom, kahit ano nagagawa niya kahit na maging sobrang under niya.

"Code Red!" sigaw ng lalaki sa kanan ko.

Napatingin agad ako don sa babaeng nasa harapan ko. Maluwag ang space ng bus pero lahat ng upuan may nakaupo na kaya nakatayo na lang siya. Tinignan ko yong tao sa paligid ng babaeng nasa harap ko at lahat sila kasama ng lalaking nasa kanan ko. Nasa iisang school lang sila. Wala man lang ni isa sakanila yong nag paupo don sa babae. Pakiramdam ko may masama silang balak.

"Puporma na ako dude." sabi nung lalaki sa harap namin.

Tumayo siya at lahat sila nagtinginan sakanya kasama na ako. Tumabi siya don sa babaeng nasa harap. Hindi niya namalayan yong pagtabi sakanya ng lalaki dahil may earphone sa tainga niya. Sinadya ng lalaki na itulak yong sarili niya don sa babae.

"Sorry, miss." sambit pa niya.

Hindi siya pinansin ng babae at patuloy lang siyang nakikinig sa earphone niya habang nakatinging sa bintana. Maya maya may dalawa pang lalaki na tumayo kasama na yong nasa kanan ko at tinabihan yong babae. Sa tingin pa lang nila alam kong mamanyakin na nila yong babae. Dahan dahang pinatong ng lalaki yong kamay niya sa balikat ng babae. Agad akong tumayo.

"Stop that." sambit ko.

Napatingin silang tatlo sakin. "Wag kang makialam dito boy."

"Binabastos niyo na yong babae eh." seryoso kong sabi.

"Aba, papalag ka pala to eh!" sigaw ng lalaking nasa kanan ko. Pumorma agad siya at sinuntok niya ako pero nasalo ng kamay ko yong kamay niya. "Bitawan mo ako! Gago ka!" Ngumiti ako sakanya at pagkatapos sinapak ko siya. Nag tilian na yong mga tao sa bus.

"Don't mess with me." sambit ko pa.

Binawian ako ng dalawa pa niyang kasama pero kagaya kanina, na iwasan ko sila. Sinapak ko sila sa mukha hanggang sa matumba sila. Napahinto yong bus kaya napa hakbang ako papunta duon sa babae. Napatingin ako sa mukha niyang maamo. Maganda siya.

"Sa likod mo!" sigaw niya.

Lumingon agad ako at sinuntok ko yong lalaking susugod sakin. Halos kalahati pala ng laman ng bus kasama ng mga lalaking yon. Pinalibutan nila agad ako at dahil samadami sila kaya medyo nahirapan ako na labanan silang lahat. Dalawang beses akong nasuntok ng kasama nila. Sa pangatlong suntok ay napahiga ako. Lalapitan pa ako ng dalawa at hindi ako makagalaw dahil hawak hawak ako ng dalawa pa nilang kasama. Nagsibabaan na yong ibang pasahero at naririnig ko yong pag awat samin ng konduktor pero wala siyang magawa dahil madami sila. Akala ko masusuntok na yong mukha ko pero isa isa silang natumba. Nakita ko yong babae kanina, kinuha niya yong kamay ng lalaking nasa harap ko at binalibag niya. Nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Black belter ata siya.

Inabot niya sakin yong kamay niya para tulungan akong tumayo.

"Hanga na sana ako sayo eh kaso mahina ka pa din pala." tumawa siya bigla. "Alam mo ang pogi mo na sana sa paningin ko kaso turn off agad ako. Ang hina mo eh, napatumba ka nila." tumawa na naman siya. Nainis ako bigla. What the hell is wrong with this woman?

"I helped you with those guys." paalala ko.

"I can handle them better, I don't need your help." ngumiti siyas akin at para bang nang aasar pa siya. Ano bang problema niya? "Shoot, nakalagpas na pala ako."

Kinuha niya yong bag niya at tumakbo palabas ng bus pero bago siya tuluyang makaalis nilingon niya ako. "Thank you Pogi!" kinindatan niya ako tska siya tuluyang bumaba ng bus.

Naiwan akong nakatanga sa bus. Ngayon pa lang ako nakakita ng ganong babae. Well, except for my Mom na talagang amazona na pero kakaiba pa din talaga siya. Pakiramdam mo nga nakita mo na siya kung saan pero hindi ko lang maalala kung saan. Anak ba siya ni Jet Li? Ang amo ng mukha niya pero nakakatakot pala siya.

Minulat ko ang mata ako at napangiti ako. That was the moment that I will never forget. The moment when I first met her..

---
You don't need to read my other stories to read this.

Breaking the Bad Boy
Bad Boy Series #7: Skie Gonzales Story.
Written by blue_maiden

All Rights Reserved. Copyright © 2015


Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Where stories live. Discover now