Chapter 31

1.9K 70 3
                                    

[Red]

Biglang nag-anyong lobo si Alekxus at sinugod ang lalaking may mahabang kulot na buhok. Ngunit humakbang ito paatras at ang nakalaban ni Alekxus ay ang mga kasamahan nitong rogues. Kaizon also shifted to help. Magaling na kalaban ang mga rogues pero dahil pureblood ang dalawa kong kasama, naggawa nilang unti-unting magwagi.

Lima na ang bagsak na rogues, hindi makatayo dulot ng mga baling buto. Tatlo na lang bukod sa lalaking nanatiling anyong tao ang nakikipaglaban kayna Alekxus at Kaizon.

Matinding binalibag ni Alekxus ang isa, at kagaya ng iba hindi na rin nakatayo, umuungol sa sakit. Walang hesitasyon na sinugod ni Alekxus ang isa sa mga rogues na pinagtutulungan si Kaizon. His movement aggressive, in a hurry, violent than usual. Hindi pa tuluyang napapabagsak ni Alekxus ang rogue na bago niyang puntirya nang nakakita siya ng pagkakataon at diretsong napasugod sa lalaking may mahabang kulot na buhok.

Hindi katulad nang kanina, this rogue now has a grim expression on his face. Ngayon ko rin mas napansin ang mahabang bakas ng humilom na hiwa  sa may parteng dibdib niya. Nagpaikot-ikot rito si Alekxus, growling, searching for openings. Alekxus looks like he's about to go for the kill.

Samantalang si Kaizon naman, naggawa na niyang mapagbagsak ang dalawang kalaban. Each of his front paws were holding rogues underneath, rogues who are now bloody, with plenty of cuts and gushing wounds all over their body. Ipinakita ni Kaizon ang matatalim niyang duguang ngipin sa lalaking kulot ang buhok, banta at senyales na paparating na ang tuluyang pagkatalo.

Aatake na si Alekxus nang may isang batang pumagitna, inihaharang ang sarili. "Don't hurt my papa!" the child screeched. Nanginginig ang tuhod nito at umiiyak sa takot ngunit nanatili pa rin siya sa gitna, sinusubukang depensahan ang lalaking may mahabang kulot na buhok na tinawag nitong ama.

"Zafeera! Anong ginagawa mo, anak?! I told you to hide!"

Zafeera?

Anak?

Impossible. Rogues can't have children. Rogues shouldn't even have enough consciousness to be aware of relationships, especially, a family at that.

But this child, she seems to be somewhere around six or seven years old. Niyakap ng lalaki ang bata at isinubsob nito ang mukha sa dibdib ng ama. Hindi nito inalis ang masamang titig kay Alekxus. She's afraid, and yet, she's staring at him like that.

Fear and courage.

Courage wins. Courage dominates the most.

"Hide, child," napabaling bigla ang attensyon ko kay Alekxus. Malamig ang boses niya, punong-puno pa rin ng aggresyon. "Battlefield is not a place for children." Napakunot ang noo ko sa inaasta niya. "Mahirap na kapag nadamay ka."

Gusto pa rin niyang labanan ang lalaki? Kahit na may bata?

"No!" sagot ng bata. "The others can't fight because they're still sick! Mama is busy helping the sick!"

"Zafeera!" saway ng lalaki at pilit tinatakpan ang bibig ng bata ngunit nagagawa pa rin nitong kumawala at patuloy na nagsalita.

"And you already defeated my friends! How dare you hurt my friends!" Dinuro-duro niya si Alekxus habang nakayakap pa rin ang ama. I can clearly imagine her small body kicking Alekxus in werewolf form if ever this little child manage to get away. "Black werewolves are bad! I hate you! You're bad! I hate you!"

She Who Got Rejected ✔️Where stories live. Discover now