Chapter 38

5.4K 147 33
                                    

Page 38 - His Blissful Dream

~•~•~

[Red]

Madaling araw. Nagpapalit pa ang kulay ng langit mula sa itim, asul, lila, hanggang sa maging mapusyaw na dilaw. Nakatanaw ako mula sa balcony ng aming penthouse, nakatukod ang siko sa bakal na railing.

Sumimoy ang malamig na hangin at mas ibinalot ko sa akin ang suot na mahabang pulang cotton robe.

Madaling araw pa lang ngunit gising na kaagad ang siyudad. Ibang-iba kung nasaan ako labing-isang taon na ang nakalipas. Habang nakatanaw sa mga building na iba't-iba ang laki at tangkad at sa mga daang unti-unting nawawalan ng ilaw na tanlaw habang hindi pa sumisikat ang araw, naalala ko ang nakalipas...

Habang patuloy ang aking pagsigaw matapos makita ang pinaghiwalay na ulo at katawan, kinuha ako ng dalawang hindi kilalang nakamaskara. Patuloy akong nagpumiglas hanggang sa dalhin nila ako sa labas ng Bone Field. Sa puntong 'yon, bumalot sa akin ang matinding pagnanais na maghiganti at akmang gagamitin ang isang incantation nang may sumigaw sa 'di kalayuan,

"My Redemption?"

Napapikit ako at natawa. Napaka-aga naman yata para ako'y multuhin niya. Ni-hindi ko pa siya napaghihiganti, ni-hindi ko pa siya nabibigyan ng katarungan, ni-hindi pa ako sigurado sa dahilan kung bakit niya naggawa 'yon o kung siya ba talaga ang tunay na may sala.

Biglang nabalot ang aking katawan ng init at pamilyar na amoy. Napamulat ako at may nakayakap na sa akin. Inangat niya ang mukha mula sa pagkakasuksok sa aking leeg at tumambad sa akin ang itsura ng taong inakala ko'y kailan man ay hindi ko na masisilayan pa.

"A-Alekxus?" Hindi ako makapaniwala. Multo ba siya? Pero mainit ang kaniyang katawan at ramdam ko ang kaniyang paghinga. He feels so real.

I think he's real.

Alekxus is here.

Alive.

"I'm so sorry you need to see that," saad niya. Boses niya. Tumulo ang aking mga luha. Alekxus' fingers gently crawled around my face, wiping my tears. Then he started showering me with light kisses. "That's a fake body. It's not even human. Para raw 'yong robot, but a robot with flesh, a robot that could bleed. Ginaya rin nila ang mukha ko. Sobrang galing niya, my Redemption, he could be the smartest man I've ever met. Speaking of whom, ipapakilala kita kay Doc Z," Lumingon si Alekxus at may hinahanap. Pero walang tao sa paligid maliban sa aming dalawa. Kahit na yong mga naghatid sa akin ay naglaho na rin. "They're gone."

Muli akong hinarap ni Alekxus. My hands are now also trailing around his face. Just checking if he's really real.

"Are you real?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin ng sobrang tamis. Naluluha na rin si Alekxus. "Are you really my Alekxus?"

Alekxus kissed me. Ibinuka ko kaagad ang aking bibig at nag-espadahan ang aming mga dila. Our kisses went deep and the surroundings were filled with wet sucking and kissing noises. Tumigil lang kami nang naghahabol na kami ng hininga.

Then Alekxus confirmed, "Yes." One word. It takes that one word for rays of sunlight to reappear on my world which was previously on an eternal night. "I'm alive and kicking," He sucked my lips again, "And kissing your delicious lips, my Redemption, so, stop crying now, baby, I'm here and I won't go anywhere except by your side." Alekxus bite his lips. "And inside you."

She Who Got Rejected ✔️Where stories live. Discover now