Sonya Cetera Amarez is a girl who longs to feel God's presence. Kahit na lumaki siya sa isang relihiyosong pamilya, hindi pa rin niya mahanap ang inaasam niyang pakiramdam. Sa tuwing nakikita niyang masayang kumakanta at sumasayaw ang mga kaklase niya, nandoon lang siya sa sulok at iniisip kung anong pakiramdam ng mga ito. Gusto niya ring maranasan iyon. Gusto niyang maranasan kung paano ngumiti nang abot sa mata kagaya ng kaibigan niyang si Cara. Pero paano niya mararanasan iyon? Kung sa tuwing nagdadasal siya ay may parte sa utak niya ang kumukontra at kumukwestiyon sa Panginoon? Based on James 4:8 "Draw near to God and He will draw near to you. Cleanse your hands, you sinners; and purify your hearts; you double-minded." S: December 17, 2019 E: June 13, 2020 River Flows in You (Tyrant King Academy Series Book 2) Aranew 2020