CHAPTER 15

504 38 1
                                    

JK'S POV



"Sigurado ka ba talagang dito ka muna titira sa'min?" Pang isang daang tanong ko kay Sungit habang nakatingin sa kan'ya habang s'ya naman ay nakatingin sa daan habang hawak ang isa kong kamay at ang isa n'ya namang kamay ay nakahawak sa manibela.

Pero biro lang yung pang isang daang tanong ko sa kanya. Ang totoo pang ilang tanong ko palang yun sa kanya.

Pauwi na kami ngayon sa bahay ng pamilya ko at alas dyes na natapos ang party. Pero mga alas otso pinatulog na ang mga bata. Alas dyes lang talaga kaming natapos dahil sa mga palaro sa matatanda na kagagawan ng mga baliw kong kaibigan.

"Kulit, this is the fifteen times you asked me that. And I'll answer you for the fifteen times that yes... Nakausap ko na ang pamilya mo at pumayag narin naman sila!" Nilingon n'ya ako habang ako nakatanga sa kan'ya.

Hindi talaga ako mapaniwala na gan'on ang naging disesyon nila. Hindi ako makapaniwalang pumayag agad sila nang gan'on gan'on nalang. Dati-rati sobrang higpit nila to the point na hindi ako pwedeng makipag relasyon dahil sa buhay na meron ako.

"Pero saan ka matutulog?" Tanong ko kaya napa sulyap s'ya sa'kin at napangiti.

"Sa tapat ng kwarto mo. Bakante naman yun at sabi nila para daw talaga sa'kin yun!" Nanlaki ang mga mata ko at inis na napaayos ng upo.

"Hindi pwede!" Mahinang sabi ko at napahawi ng buhok.

"Why? Don't you want me to sleep there?" Nilingon ko s'ya at hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. "Just tell me, sasabihin ko sa kanilang tabi nalang tayo!" Nanlaki ang mga mata ko at parang gusto ko s'yang suntukin kung hindi lang s'ya nagmamaneho.

"Walang gan'on!" Pasinghal kong sabi na ikinatawa n'ya. Inirapan ko s'ya. "Ang kwarto kasing yun, kay kuya Acere!" Mahinahong kong sabi.

"I know, pero may sarili na s'yang bahay, Kulit!"

Kunot noo ko s'yang nilingon at nag cross arm. "Pero doon sila matutulog ngayon!"

"I know! Pero malaki ang bahay n'yo, Kulit. Marami pang bakanteng kwarto!"

"Eh bakit doon pa sa kwarto ni kuya ang napili mo?"

"Because I want to. Kaharap ko lang ang kwarto mo at mabilis lang para sa'kin ang pasukin ka kapag namiss kita!" Pinigilan ko ang mapangiti at kunwari nainis ako sa sinabi n'ya.

"Asa, yun eh kung hahayaan kitang makapasok!" Inirapan ko s'ya at napasandal habang nakatingin sa harap.

"Don't lock your door, Kulit. I'm serious, papasukin kita sa kwarto mo kapag namiss kita!" Kita ko sa peripheral vision ko ang mukhang n'yang parang bata na nakatingin sa'kin.

"May sarili kang kwarto mo, Sungit!" Sabi ko nalang.

"Eh pa'no pag namiss kita?"

"Edi mag text o tumawag ka!"

"Sasagot ka ba?"

"Hindi pa naman nangyayari diba?" Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata para asarin s'ya. At hindi naman ako nabigong gawin yun dahil kita ko sa mukha n'ya ang inis habang salubong kilay.

"Tsk, kung di lang talaga kita mahal kanina pa kita binatukan d'yan!" Pikon n'yang sabi na ikinatawa ko. Umirap din kasi s'ya and I find it cute.

Hindi na ako umimik pa at tumingin na sa daan habang magkahawak ang isa naming kamay. Hindi din naman nagtagal yun dahil nakarating kami ng bahay. Nakasunod kami sa van ng pamilya ko habang ang iba naman ay umuwi sa mga bahay nila. Sila kuya sa bahay daw muna nag magsi-stay ng mga ilang araw gawa din ng pakiusap ng mga elders sa'min.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MEET MR.MASUNGIT (PART TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon