CHAPTER 47

661 40 16
                                    

~Pasensya na po talaga sa sobrang tagal ng update, sobrang dami lang po talaga ng ginagawa at may mga personal matters din. Pasingit-singit nalang po talaga ang paggawa ko nito pero tatapusin ko naman po 'to eh, matatagalan nga lang ang pag-update then malapit na din pong matapos ito, mga isa o dalawang chaps nalang yata? Pasensya na po talaga.




THIRD PERSON'S POV





Nagising ng maaga si Vlad na may ngiti sa labi. Hindi tulad noon na para s'yang wala sa sarili n'ya. Walang kakulay-kulay ang mukha. Walang kalakas-lakas kung kumilos at parang walang buhay bawat araw na dumadaan. Pero ngayon, ibang-iba s'ya ngayon sa noong iniwan s'ya ni Jk sa meeting room. Bumalik s'ya sa pagiging masaya kahit hindi s'ya sabihin ay kitang-kita naman sa mukha at mga kilos n'ya. Ang sigla-sigla n'ya ngayon at ganadong-ganado.

"Good morning!" Nakangiting bati n'ya sa taong pinadala ni Jk. Kakapasok n'ya lang ng kusina para sana magtimpla ng kape at naabutan n'ya ang lalaking pinadala ni Jk na tahimik na nagkakape at nagbabasa nang tungkol sa kan'ya.

"You look different from this Info's I have?" Nagtatakang sabi nito habang nakatingin sa papel na hawak.

"Because when I see you, I remembered that my Kulit brought you here." Napataas ang kilay nito saka iiling-iling na ngumisi.

"Uh-huh, that's good! You'll be heal sooner if you keep up the good work. And you're lucky because you have me here. Kadalasan kasi ay mga nurse lang ang kasama ng mga patients na may kaparehong kaso mo, but Jk asked me."

"Yeah, I know! That's why I'm inspired to give my best to bring my old me back."

"You're early!" Pareho silang napatingin sa taong pumasok sa kusina.

"Good morning, dad!" Napahinto ito at pakurap-kurap na nakatingin sa kan'ya.

"Y-you look happy and inspired?" Kunot noong lumapit ito sa kanila at pinakatitigan s'ya.

"Naaalala ko kasi si Kulit sa tuwing nakikita ko s'ya, dad." Turo nito sa lalaking katabi n'ya.

Tumaas ang kilay ng tatay n'ya at tumingin sa katabi n'ya, tinanguan ito ng tatay n'ya saka binalik sa kan'ya ang tingin.

"I understand!" Lumawak ang ngiti n'ya saka nagsimulang magtimpla ng kape.

"Good morning?!" Masayang napatingin s'ya sa pinto ng kusina ng marinig ang boses ng ina n'ya. At doon ay nakita n'ya ang mukha nitong nagtatakang nakatingin sa kan'ya.

"Good morning, mom, peter!" Nakangiting bati n'ya saka kumuha ng dalawang baso para pagtimplahan ng kape ng dalawa.

"Woah, this is new? Are you back, kuya?" Sinuri s'ya ng kapatid n'ya kaya natatawang nagtaas s'ya ng kamay at humarap dito.

"Masaya ako dahil sa ginawa ng ate Jk mo, Peter. But I'm not yet heal. I'm still working on that and I'm on processes."

Tumango-tango ito saka nag cross arms sa kan'ya. "That's okay, at least you have changes than before."

Ngumiti lang s'ya rito saka pinagpatuloy ang pagtimpla ng kape ng dalawa.

"Alam mo ba na aalis ngayon si Jk?" Natigil s'ya sa paghahalo ng kape.

Ang kaninang saya, inspirasyon at sigla na nararamdaman n'ya, ngayon ay naglaho na parang bula.

Ayon na naman ang pakiramdam sa tuwing naaalala n'ya na wala nang pakealam si Jk sa kan'ya. Sa tuwing naiisip n'ya na hindi na s'ya mahal ni Jk at may pamilya na ito. Yung pakiramdam na nag-iisa s'ya, nakakulong sa madilim na lugar at walang malabasan. Sa lugar na sobrang dilim, wala s'yang makita at tanging sarili lang n'ya ang naroroon.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MEET MR.MASUNGIT (PART TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon