CHAPTER 11

599 45 4
                                    

JK'S POV


"Are you done?" Napatingin ako sa pinto at nakita si Sungit na naka sandal sa pinto at naka pamulsa na nakatingin sakin.

"Malapit na!" Tinuloy ko ang pag-iimpake.

"I'll wait for you in outside!" Hindi ko na sya sinagot at tinuloy lang ang pag-iimpake.

Nag-iimpake na ako ngayon dahil uuwi na kami ng Pilipinas. Nahuli lang ako sa pagliligpit dahil kinausap ko pa ang mga foreigners. Hindi alam ng pamilya at mga kaibigan namin kung anong oras ang dating namin. Ang alam lang nila ay uuwi na kami ngayong araw.

Napabuntong hininga ako ng matapos ko na ang pag-iimpake at ng maisara ko na ang bag ko. Tumingin ako sa pinto na bukas saka kinuha ang bag at lumabas ng kwarto. Paglabas ko ng hotel ay nakita ko si Sungit na nakasandal sa kotse. Agad nya akong nilapitan ng makita ako at saka nya kinuha ang bag ko.

Sumakay kaming pareho sa likod at saka nagsimulang mag drive ang maghahatid sa'min sa airport. Tahimik lang kaming pareho ni Sungit at nakatingin lang ako sa labas habang magkahawak ang kamay namin. Ilang minuto pa ng madaanan namin ang Iffle tower.

"Stop a minute, sir!" Napatingin ako kay Sungit dahil sa sinabi nya.

Tinabi naman ng driver ang kotse. Magtatanong na sana ako sa kanya ng lumabas sya ng kotse. Taka na sinundan ko sya ng tingin hanggang sa matapat sya sa pinto na nasa side ko. Pinagbuksan nya ako kaya taka ko syang tinignan pero naglahad lang sya ng kamay. Nagtataka man ay tinanggap ko ang kamay nya at lumabas ng kotse.

"Bakit tayo huminto dito?" Kunot noong tanong ko. Nilingon nya naman ako habang naglalakad kami palapit sa Iffle tower.

Huminto kami sa ilalim ng tower at pakiramdam ko nasa pinaka gitna kaming dalawa. Maraming tao ang namamasyal at karamihan ay mga mag jowa.

"Before we go back, I want us to come here!"

"Para saan?"

Hinawakan ng isa nyang kamay ang pisnge ko. "I want you and me to promise that... You and me, we're going together whatever it takes. I want you to promise to me that I am just the man that you'll love forever. The man that you'll be with forever!"

Ngumiti ako at hinawakan ang magkabilang pisnge nya. "I, Justine Kelly Young Dela Vega, soon to be Mrs.Fuentes. I promise that Matthew Vlad Fuentes is the only man that I'll love and be with forever!"

"I, Matthew Vlad Fuentes. I promise that Justine Kelly Young Dela Vega-Fuentes is the only woman that I'll love and be with forever... I promise that I'll never hurt you. But if it is happened. I'll make sure you'll be mine again no matter what!" Ngumiti kaming pareho sa isa't-isa.

Napa pikit na lang ako ng maramdaman ko ang labi nya sa noo ko. Ilang segundo nya akong hinalikan sa noo bago sya humiwalay. Tumingkayad naman ako saka sya hinalikan ng limang segundo sa noo. Pinag saklob naming pareho ang mga kamay namin saka pinag dikit ang noo namin.

"I love you so much, Kulit!"

"Mahal na mahal din kita, Sungit!"

Nanatili pa kami sandali sa Iffle tower bago kami bumalik sa kotse. Tumahimik ulit kami sa buong byahe at bigla nalang akong nakaidlip dahil ilang araw narin akong walang tulog ng maayos dahil sa trabaho.

Nagising nalang ako ng maramdaman kong nilapag ako sa kung saan at pagka mulat ko ng mata ay bumungad sa'kin ang gwapo at seryosong mukha ni Sungit. Napatigil sya sa pag-aayos ng towel na nakatakip sa hita ko at tumingin sa mga mata ko. Sobrang lapit ng mukha naming dalawa. Amoy na amoy ko rin ang mabango nyang hiningi at ang pabango nya.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MEET MR.MASUNGIT (PART TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon