CHAPTER 19

561 30 3
                                    

JK'S POV




Sa wakaaaas! Hahahaha makakalaya din ako sa kulungan na 'to. Buti nalang talaga napapayag namin ni Sungit ang doktor na palabasin na ako. Ayaw pa sana talaga akong palabasin ng mga yun kasi hindi pa daw ako masyadong malakas at hindi ko pa nababawi ang lakas ko.

"Tsk, you look like stupid." Nabalik ako sa sarili at nakangiwing tinignan si Sungit.

Nagliligpit s'ya ng mga gamit ko habang ako ay nakaupo sa hospital bed at nakapag bihis na. Inaantay ko nalang s'yang matapos para makalabas na ako.

"Bilisan mo nalang magligpit d'yan para makaalis na tayo!" Inirapan ko s'ya at tumingin sa pinto na nakabukas.

"Tsk, your not helping me remember?" Tumaas ang kaliwang kilay ko saka tumingin sa kan'ya na ngayon ay nakapamewang na nakatingin sa'kin.

"Nagpresenta na, remember?" Umismid ako ng sumama ang timpla ng mukha n'ya saka tinuloy ang pagliligpit.

"Buti nalang naabutan pa kita." Sabay kaming napatingin ni Sungit sa pinto at nakita si Blake na hinihingal, pawisan at wala sa ayos ang suot na necktie.

Naka kunot ang noo na tumayo ako sa kama at kinuha ang isang bote tubig na wala pang bawas saka lumapit sa kan'ya. Inabot ko sa kan'ya ang tubig na agad naman n'yang tinanggap, binuksan at uminom.

Papanoorin ko pa sana s'yang uminom ang kaso, may palad na tumakip sa mga mata ko. Aalisin ko sana ang panirang kamay na yun pero hindi s'ya nagpatinag.

"Salamat!" Rinig kong sabi ni Blake kaya lakas loob kong inalis ang nakaharang na palad sa mga mata ko.

"Bakit nagpunta ka dito?" Tanong ko kaya natawa s'ya at akmang hahawakan ang buhok ko para guluhin ng umatras si Sungit kaya napasama ako sa pag atras n'ya.

"You don't need to touch her." Napairap nalang ako sa hangin dahil sa kasungitan nitong katabi ko.

Natawa naman ng nakakaloko si Blake at nagtaas ang dal'wang kamay habang iiling-iling at umatras ng konti.

"Nagpunta ako dito para madalaw ka. Buti nalang naabutan pa kita dito." Sabi ni Blake kaya napatango ako kahit naguguluhan.

Kasi diba? Bakit n'ya ako pupuntahan dito at mukha pa s'yang nagmamadali. Partida naka suit pa s'ya.

"You look like you're in your business hour but you came her just to see her?" Sarkatikong sabi ni Sungit saka ako hinila pabalik sa kama at pinaupo ako habang tinuloy n'ya ang pagliligpit ng gamit ko.

"A-ah yeah!" Nahihiyang sagot ni Blake at nagkamot ng batok. "May nagsabi kasi sa'kin na ngayon na ang araw ng paglabas mo sa ospital kaya agad akong pumunta dito."

Napailing ako at seninyasan s'yang pumasok at maupo. N'ong una hindi n'ya ako sinunod agad at tumingin pa muna kay Sungit bago alanganin na pumasok at naupo sa upuan na tinuro ko na nasa gilid ng side table.

"Bakit gan'yan ang suot mo?" Turo ko sa suot n'ya.

"Ah, galing ako sa meeting." Naka kamot sa batok n'yang sabi habang hindi nakatingin sa akin. "Sorry, I didnt brought anything because I harshly got there just to see you."

Nginitian ko s'ya saka tumingin kay Sungit na nasa gilid ko na dala ang isang bag na gamit.

"Let's go!" Tumango ako at tumayo saka tumingin kay Blake.

"Sumabay kana sa amin."

"What? But he ca---" Agad akong tumingin kay Sungit at kinunutan s'ya ng noo.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MEET MR.MASUNGIT (PART TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon