CHAPTER 7

664 43 4
                                    

JK'S POV


"Kailangan nyo pong makipag kita at makipag-usap sa mga foreigners na interesadong tumulong sa mga bata. Ang kaso lang po ay wala sila ngayon sa Pilipinas kaya kailangan nyo pong pumuntang ibang bansa!" Sabi ng lalaki na inutusan ko dating humawak ng pera para sa mga taong pinaalis sa lupa ko.

"Hindi ba pwedeng mag video call nalang? I have a lot of things to do here. Kailangan ko ding pumunta sa kabilang kompanya para sabihan ang lahat na maghanda sa pagtatapos ng bahay ampunan!" Kunot noong sabi ko dahil hindi pwedeng sabihin ko lang through call or text ang tungkol sa gagawin namin.

Gustong kong ako mismo ang magsabi sa lahat para makapag handa at walang maging problema. Hindi pwedeng iasa ko kay Sungit ang pagsasabi sa mga empleyado namin dahil siguradong may plano din sya kasama ang pamilya nya.

"Ang sabi po ng mga foreigners kailangan na sa personal kayo mag-usap para maging malinaw ang usapan. Kung sa video call lang daw po kasi baka hindi kayo magka intindihan!" Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nya at walang nagawa kundi ang tumango.

"Kung wala nang ibang pag-uusapan maghanda na kayo. Pupunta na tayo sa bagong bahay na nilipatan ng mga tao!"

"Yes, President!" Nagligpit na ang anim na mga kasama ko sa meeting at lumabas.

Tanging ako nalang ang naiwan sa meeting room ng maisipan kong tawagan si Sungit. Hinintay kong sagutin nya ang tawag pero puro ring lang ng ring. Ng mamatay ang tawag ay tinawagan ko si Lin na agad namang sumagot.

("Ma'am, napatawag po kayo?")

"Asan ang sir nyo?"

("Umalis po, kasama si Amarot!") Biglang kumunot ang noo ko ng marinig ang pangalan ng babaeng niligtas ni Sungit dati.

'Bakit sila magkasama?'

"Ah sige, tinanong ko lang kung asan sya!" Sabi ko nalang.

("Ma'am, kahapon po sabay silang umuwi at kanina po ay sabay din silang pumunta dito sa kompanya. Hindi ko nga rin po alam kung bakit punta ng punta dito ang babaeng yun eh hindi naman sya parte ng kompanya!")

"Gan'on ba? Sige ako na ang bahalang umalam!"

("Sige po, ma'am, I'm sure aalis ka ngayon tulad ng sabi ng asawa ko!")

"Mmm, bibisitahin namin ang mga taong pina lipat namin!"

("Sige po, ma'am, bye!") Hindi ko na sya sinagot at pinatay na ang tawag.

Tumayo ako sa pagkakaupo at lumabas ng meeting room. Papalapit palang ako sa opisina ko rinig na rinig ko na ang usapan ng mga makakasama ko sa pupuntahan.

"Ready na ba ang lahat?" Tanong ko dahilan para mapatingin sila sakin.

"Yes, President!" Sagot nilang lahat.

"Kung gan'on umalis na tayo!" Sabi ko at naunang maglakad.

Sumakay kaming lahat sa elevator at naghintay ng konti bago makarating sa ground floor. Pito lang kaming pupunta at mga naka sibilyan kami.

Sumakay kami sa iisang van at nauna habang ang dalawang malaking truck ay nakasunod samin.

Una naming pinuntahan ang lupang tatayuan ng bahay ampunan at ng makitang may nasimulan na ay agad din kamin umalis.

"Ma, papunta na kami. Hihintayin ko nalang kayo sa labas ng basketball court!"

("Sige, anak, paalis narin kami ng papa mo!")

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MEET MR.MASUNGIT (PART TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon