CHAPTER 44

605 42 55
                                    

Pasensya na sa sobrang late ng update.

THIRD PERSON'S POV

"Nonsense! This is all nonsense!" Mainit ang ulo na sabi ni Justine.

"But, Tito---" Mike didn't finish his words when Justine looked at him with a knife eyes.

"No buts, Young Man! My daughter is in danger and she put herself again with that. She did not say anything and let herself face those assassin's then you're telling me to stay here and wait for you to comeback with her?"

"Justine, please! Can you please calm down? They're just trying to convince us---"

"And convincing won't change my mind, Kelly. Si Jk na ang pinag-uusapan natin dito. Ang batang iyon na matigas ang ulo ay hindi pa natin nakakasama ng mas matagal tapos ilalagay n'ya ang sarili n'ya sa kamatayan? And you're expecting me to calm down?... I can't calm down, Kelly!" Nagpabalik-balik ito sa paglalakad sa harap ng lahat habang nakapamewang. "Don't expect na makikinig ako sa mga sinabi nila na manatili lang dito at mag-antay. Pupunta akong Japan ngayon din at pagkatapos nang lahat ay mayayari sa'kin ang batang iyon." Nag ngingitngit sa galit ngayon si Justine dahil sa nalaman.

Napagkasunduan kasi ng magkakaibigan na ipaalam sa mas nakatatanda ang tungkol kay Jk pero hindi nila iyon ipinaalam kay Vlad dahil sa pag-aalala sa kalagayan nito.

"But at least talk calmly. Walang mangyayari kung hindi tayo kakalma at walang maiisip na matinong solusyon." Pilit na pagpapaliwanag ni Kelly sa asawa kahit na s'ya ay para na namang mawawala sa ulirat dahil sa pag-aalala sa bunsong anak.

"Ang batang yun... Hindi ko alam kung saan namana ang ganoong ugali." Nakapamewang na sabi ni Justine at tumingin sa asawa.

Tumaas ang kilay nito, nagtataray. "Don't look at me like that. Alam mo kung anong ugali ang meron ako, Justine."

Napailing nalang s'ya saka sila sabay na tumingin sa mag-asawang Philip at Lura.

"Don't look at us like that, you shameless parents!" Sita ni Felipe sa dalawa.

"Kami ang nakasama ng anak n'yo at nagpalaki sa kan'ya pero hindi namin s'ya tinuruan sa kung ano ang ginagawa n'ya ngayon." Mahinahong paliwanag naman ni Lura.

"Dad, everyone's ready and agreed to help us." Ang sabi ni Acere kaya natuon ang atensyon nila dito.

"Same here, Dad! Agad na pumayag ang mga tauhan natin na tulungan si Bunso." Ang sabi naman ni Ace.

Napabuntong hininga si Justine at tumingin sa lahat. "Maiiwan kayong lahat di---"

"NO WAAAAAYYY!!!" Ang mabilis na angal ng lahat kaya napapikit s'ya.

"Kung pupunta tayong lahat doon sa Japan, paano naman ang mga bata?"

"Isasama po namin sila, Dad! Iiwan nalang namin sila sa pamilya namin doon." Ang sabi ni Red.

"Pero delikado parin iyon, Iha!" Alanganing sabi ni Kelly at nag-aalalang ang mukha na tumingin sa mga bata.

"Alam na po nila na pupunta tayo doon. And they're expecting us to be there."

"They knew that Jk is there too?" Si Justine.

"Yes, Dad! Ang hindi lang nila alam ay kung saan ngayon si Jk."

"Pero may tao po akong alam na pwedeng makapag turo sa atin kung nasaan si Jk. Ang kailangan lang po nating gawin ay ang pumunta ng Japan at tanungin s'ya ng harap-harapan." Napa-isip si Justine sa sinabi ni White at habang hindi pa s'ya nakakapag desisyon ay nagtanong si Kelly.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MEET MR.MASUNGIT (PART TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon