CHAPTER 38

644 43 14
                                    

THIRD PERSON'S POV



Everyone are happy to see Jk again and they're celebrating it inside of themselves. They are busy asking her and telling her what happened for the past 7 years and remind her not to leave again that long without communication to anyone. Not until...

"U-uhmm, excuse me?" Sabay-sabay silang natigil at napatingin sa pinto at doon ay nakita nila si Blake na may buhat-buhat na batang babae na inosenteng nakatingin sa kanilang lahat.

Actually kanina pa ngalay na ngalay si Blake kakabuhat sa limang taong anak na ayaw magpababa dahil sa mga taong ngayon lang nakita.

"Blake? Are you with her for 7 years?" Nagtataka at gulat na tanong ni Arandelle sa kan'ya.

"A-ah, yes po!" Nag-iwas s'ya ng tingin sa lahat dahil sa hiya. Gusto n'yang magkamot ng ulo pero karga n'ya ang anak.

"I KNEW IT!!! I TOLD YOU, GUYS, MAGKASAMA SILANG DALAWA!!!" Sigaw ni Angela na nakaduro sa kan'ya.

Nanlalaking mga matang tinignan n'ya ito maging ang anak n'ya ay gulat din ang mukha.

"But who is that kid?" Sabay-sabay na tanong ng mga kaibigan ni Jk na tutok na tutok ang paningin sa bata.

Napasubsob ang mukha ng anak sa balikat n'ya dahil sa hiya at ilang ng tingin ng mga tao. He's about to answer them when Jk come first.

"She's Belly... Anak ko!" Natigil at natahimik ang lahat.

Nakanganga, nanlalaki ang mga mata, gulat at hindi makapaniwala ang mga mukha nila na nakatingin kay Jk. Lalo na si Vlad nagsisimula na namang maiyak.

"A-anak n'yo?" Gulat na tanong ni Lance na dinuro pa silang dalawa.

"Oo!" Mariing nakagat ni Vlad ang ibabang labi para pigilan ang hagulgol na gustong kumawala sa bibig.

Naaawa, nasasaktan at nakiki simpatya na tinignan s'ya ng lahat pero hindi n'ya pinagtuunan ng pansin ang mga ito. Nanatili ang tingin n'ya kay Jk na seryoso ang mukhang nakatingin sa magulang at mga kaibigan.

'So I'm already late huh?'

"H-how old is she?" Tanong ni Philip.

"Limang taon po, Belly Martin po ang buo n'yang pangalan." Magalang na sagot ni Blake.

"So you two are already married but you didn't bother to tell us about it?" Seryosong sabi ni Justine at tatango-tango habang nakatingin kay Jk.

"P-pa..." Hindi na n'ya natuloy ang dapat na sabihin ng taliman s'ya ng tingin ng ama.

"Tell us what happened, Jk! Tell us every. Single. Details. How. The. Two. Of. You. End. Up. Married?" Matigas na saad ng ama kaya napalunok s'ya ng sunod-sunod.

"We are not married, Sir!" Mabilis na sabat ni Blake. Sa kan'ya naman nabaling ang tingin ng lahat na mukhang mas naguluhan pa yata lalo.

"You both are not married but you had your daughter?... Why is that? Are you planning to marry here that's why you decided to comeback?" Kunot noong sabi ng ina ni Vlad.

"It's a long, long, long story, Ma'am! Pero handa po naming ipaliwanag ni Jk ang lahat para maintindihan n'yo..." Magalang na sagot ni Blake.

"But not now..."

"Why not now, Jk?" Mabilis na sabi ni Kelly na seryoso ang mukha simula ng malaman na may anak na ang bunsong anak.

"Basta hindi pa sa ngayon, Ma! Masyadong komplekado ang lahat. Kailangan ko pang ayusin ang isang problema bago ko sabihin sa inyo ang lahat at totoo." Ingat na ingat n'yang sagot sa ina.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MEET MR.MASUNGIT (PART TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon