CHAPTER 40

586 44 23
                                    

~Pasensya na po talaga sa tagal ng update, marami po kasi kaming sagutan sa modules tapos kada two weeks pa ang pasahan then meron agad sunod~


THIRD PERSON'S POV




Kompleto ang pamilya at magkakaibigan sa bahay ng mga Dela Vega gaya ng napag-usapan. Sabay-sabay at masaya silang nagkukwentuhan habang kumakain. Matapos kumain ay nag-aya ang lahat na tumambay sa likod ng bahay. Doon ay nagtipon-tipon sila kasama ang mga bata.

"What's the matter, Jk?" Natahimik ang lahat at nabaling ang tingin sa taong kanina pa walang imik simula kanina.

Ang tahimik nito at parang wala sa sarili kung kumilos. Nawiwirduhan sila sa kilos nito dahil hindi naman ito tulad ng dati. Masekreto ito noon at gumagawa ng paraan para hindi mapansin na may problema s'ya. Pero ngayon halatang may malalim itong iniisip at malaking problema ang dinadala.

"What's bothering you, Anak?" Kunot noong tanong ng ina n'ya.

Tinignan n'ya ito maging ang lahat ng mga kasama na nakatingin din sa kan'ya at nag-aantay ng sagot nya.

"May sasabihin ho ako sa inyong lahat..."

"What is it?/Ano naman yun?/Tell us, Iha!" Sabay-sabay na sagot ng lahat.

Napahinga s'ya ng malalim at tinignan si Blake na malalim ang pagkaka tingin sa kan'ya.

"Plano kong gawing home school ang mga bata simula bukas." Natahimik at nagulat ang lahat.

"W-what? I mean, why? Ayos naman ang pag-aaral ng mga bata. At kung inaalala mo ang anak mo wala ka nang dapat pang ikabahala doon dahil ang mga pinsan n'ya na ang bahala sa kan'ya?!" Kunot na kunot ang noong sabi ni Claire.

"Alam ko at hindi 'to tungkol sa adjustment ni Belly. May ibang rason at hindi ko alam kung pa'no ko ipapaliwanag kasi sobrang hirap... Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo, hindi pa sa ngayon."

"Why not now, Jk? Tell us now, c'mon! Kailangan mong ipaintindi at ipaliwanag sa'min kung bakit kailangang mag homeschooling ang mga anak namin? Don't be like that, Jk?! Don't be selfish! Kinukunan mo ng karapatan at kalayaan ang mga anak namin. Kaming mga magulang nila hindi namin ginagawa yun sa kanila tapos ikaw gan'on-gan'on lang?" Unti-unting namumuo ang tensyon sa pagitan ni Jk at Angela na salubong na ang kilay.

Hindi nito nagustuhan ang narinig mula kay Jk at naiintindihan naman nitong isa ang pinang gagalingan ng galit ng kaibigan. Maging s'ya man ay paniguradong yun din ang magiging reaksyon lalo pa't hindi alam ang rason.

"Alam ko, Angela! Kaya nga sinasabi ko sa inyo di'ba? Wala pa akong ginagawa kasi ayaw ko kayong pangunahan kasi kayo ang magulang at may karapatan... That's why I'm saying this to let you know." Mahinahong sabi n'ya. Ayaw n'yang sabayan ang galit ng kaibigan dahil magkakagulo lang sila at hindi magkakaintindihan.

"And you think papayag kami? Then think thrice, Jk!" Kumunot ang noo n'ya sa pagiging sarkastiko ng kaibigan.

Akmang sasagot na s'ya ng tumunog ang cellphone n'ya. Mabilis naman n'ya itong kinuha at lumayo sa mga kasama bago sinagot ang tumawag.

("May nababalitaan kami na balak pumunta ng mga assassins d'yan sa Pilipinas para hanapin ka at mas makakuha ng impormasyon") Ang sabi ng tao sa kabila linya.

Napahawak s'ya sa noo na problemado at hindi yun nakaligtas sa mata ng mga kaibigan at pamilya n'ya.

("I know you're with your family and friends but, I don't think it's a good choice for you, Black?! You should stay away from them as long as we're not done with those assassins... It's better for you to be away from them para mailayo sila sa gulo at baka madamay pa sila dito.") Napahinga s'ya ng malalim saka tumango-tango.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MEET MR.MASUNGIT (PART TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon