CHAPTER 8

654 45 10
                                    

JK'S POV



"SA WAKAAAAAAS, NATAPOS DIN!!!" Sigaw ni Lin at pagod na napaupo. Pati iba naming kasama nakaupo din at pagod na pagod.

Kakatapos lang naming maglipit ng mga upuan at maglinis ng court. Pagkatapos kasi naming ibigay ang mga binili para sa mga tao ay pinauwi na namin ang mga ito. Pinauwi ko narin ang pamilya namin ni Sungit at ang mga kaibigan namin para makapag pahinga. Tanging kami ni Sungit at mga empleyado namin nalang ang natira dito sa court para magligpit at maglinis.

"Ito tubig oh!" Sabi ko at agad silang inabutan ng tubig na nasa plastic bottle.

Isa-isa ko silang binigyan at ng akmang kukuha pa ako para sa iba ng makita ko si Sungit na nagbibigay din ng tubig. Saglit lang ang tingin na yun dahil kailangan ko pang bigyan ang iba.

"Here!" Sabay na sabi ng dalawang tao at abot ng tubig na bukas na.

Napatingin naman ako sa dalawang nagbigay at nakita si Sungit na masama ang tingin kay Blake.

"A-ahh sorry, ako na lang ang iinom nito!" Napapahiyang sabi ni Blake saka nilayo ang bote at ininom. Napatingin naman ako kay Sungit na seryoso ang tingin sa nakatalikod na si Blake. Nawala lang ang tingin nya dito ng kunin ko ang bote at ininom.

"Tsk!" Asik nya at naupo sa tabi ko. Binaba ko naman ang bote na nangalahati at akmang magsasalita na ako ng hablutin nya sakin ang bote at ininom ang natirang tubig.

"Bad mood ka ata?" Tanong ko ng maubos nya ang lamang tubig sa bote at tinapon nya ito sa basurahan na nasa harap namin.

"Naiinis ako sa lalaking yun!" Salubong na kilay nyang sabi.

"Kanino?" Takang tanong ko kaya sinamaan nya ako ng tingin.

"Sino pa edi sa bago mong lalaki!" Napanguso naman ako at napatingin kay Blake na nakikipag-usap sa mga empleyado.

"Wala namang ginagawa yung tao eh. At tyaka hindi ko nga sya lalaki!" Mas lalong sumama ang mukha nya at nilapit ang mukha sa mukha ko habang seryoso parin ang tingin.

"Hindi mo ba nakikita ang mga ginagawa nya sayo?"

"Nakikita!" Agad kong sabi.

"Nakikita mo pero manhid ka, stupid!" Inis nyang sabi saka nilayo ang mukha sa mukha ko. Lalo naman akong napanguso at

"Tsk, ano ba kasing problema sa ginagawa nya? Wala naman akong nakikitang masama eh!" Pagmumuni-muni ko na mukhang narinig nitong katabi ko.

"You are really numb. Can't you see the strange way he looks at you? The things he does, just like before, he handed you water. If I wasn't here, what would that one do to you? Maybe that man is kidnapping you from me... This is what you will remember, Kulit, I will not allow him to take you away from me. I will not let that happen!" Okay, selos na po talaga sya. Ang haba ng sinabi nya eh, at nag i-english na.

"Hey, Matthew!" Sabay kaming napatingin sa babaeng tumawag sa kanya na walang iba kundi si Amara.

"What?" Inis na sabi ni Sungit at salubong parin ang kilay na tinapunan ng tingin si Amara.

"Uhm can you take me home na? You can also eat at home, I will try to cook for you!" Ngiting-ngiting sabi nito at tinapunan ako saglit ng tingin. Na para bang sinasabi nyang ihahatid sya ni Sungit at iiwan ako.

"I can't take you home and even more so I can't" Sagot ni Sungit na ikina lugi ng mukha ni Amara. Nawala ang magandang ngiti nya at napalitan ng lungkot at inis.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MEET MR.MASUNGIT (PART TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon