CHAPTER 10

571 38 6
                                    

CLAIRE'S POV


"AHHHHHHH M-MANGANGANAK N-NA A-AKOOOOOOOOO!!!" Malakas na sigaw ni Angela na halos rinig sa buong bahay nila.

"A-a-anong gagawin natin? A-anong gagawin natin?" Tarantang sabi ni Christian na hindi alam kung lalapitan ba ang asawa o aakyat ng kwarto.

"DALHIN NYO AKO SA OSPITAL, PUNYETA!!!" Sigaw ni Angela habang hawak-hawak ang tyan.

Taranta namang lumabas si Chris ng bahay habang sila Vince at iba pang lalaki ay pinagtulungang buhatin si Angela palabas. Nakasunod lang kaming mga babae sa kanila habang dala-dala ko ang mga gagamitin ng baby ni Angela at ng damit nya. Actually kahapon pag-uwi namin galing restaurant ni Blake sinabi nya saming mga babae na panay ang sakit ng tyan nya. Maaga din nya kaming pinapunta sa bahay nila at pinaghanda dahil pakiramdam nya manganganak na sya. Kami-kaming mga babae lang ang nakakaalam nun kaya gan'on nalang ang pagka taranta ni Chris ng sumakit ang tyan ni Angela at pumutok ang panubigan.

"Sakay, dali!" Agad naman kaming sumakay lahat sa van na si Chris ang nagmamaneho.

"AAHHHHHHH HINDI KO NA KAYA!!!"

"H-hon, 'wag muna please. Tiisin mo muna please!" Sabi ni Chris na panay ang sulyap kay Angela.

"EH KUNG IKAW KAYA ANG MANGANAK KINGINA KA!!!" Natawa nalang kami sa inasta ni Angela at napailing. Napatingin ako kay Chris na namamawis na habang nagmamaneho saka ako tumingin kay Angela na pawis na pawis narin at panay ang pagdaing.

"Uy daan muna tayo sa jollibee at McDonald!"

"Kingina mo, Lj!"

"Hahahahaha!" Tawanan namin maliban kay Angela at sa asawa nya.

"S-sige pagtawanan nyo l-lang ako. T-tatawanan ko rin kayo kapag kayo n-naman ang m-manganganak!" Pagbabanta ni Angela pero tinawanan lang sya ng mga buntis habang ako ay napailing. "MATAGAL PA BA? HINDI KO NA KAYA, LALABAS NAAAA!!!"

"N-nandito na tayo!" Agad kong binuksan ang pinto sa side ko at lumabas. Dumabi ako para kunin ni Chris si Angela habang sila Gerald ay tumawag ng doktor.

"Doc, nurse, tulungan nyo po ang asawa ko. Manganganak na po ang asawa ko!" Binaba ni Chris sa stretcher si Angela saka kami nagmamadaling dalhin sya sa delivery room.

"Hanggang dito nalang po kayo. Maghintay nalang po muna kayo dito!" Sabi ni nurse at agad na pumasok.

"Haish anong gagawin ko?" Tanong ni Chris sa sarili na hindi mapakali at kagat-kagat ang daliri.

"Tawagan mo parents nyo at ipaalam na manganganak na ang asawa mo!" Sabi ni Mark.

"T-tama-tama, oo ganun nga!" Napailing nalang ako sa asta ni Chris habang nakatingin sa kanya na nanginginig ang kamay.

"Naalala mo n'ong ako ang manganak?" Biglang sabi ko kay Gerald na agad napatingin sakin.

"Oo!" Kunot noong sagot nya kaya tinignan ko sya.

"Mas malala pa kay Chris ang reaksyon mo na tipong ikaw ang manganganak!" s
Seryosong sabi ko kaya sinamaan nya ako ng tingin saka nahihiyang umiwas ng tingin. Nginisihan ko naman sya saka tumingin sa pinto ng delivery room.

"Papunta na daw sila dito!" Napatingin kaming lahat kay Chris at sinundan sya ng tingin ng humarap sya sa pinto.

"Maupo ka muna, Chris. Magiging maayos ang mag-ina mo!" Sabi ni Reymond pero hindi sya pinansin ni Chris.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MEET MR.MASUNGIT (PART TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon