CHAPTER 2

1.3K 62 4
                                    

VLAD'S POV


Pagsapit ng gabi ay nag-aya na si Kulit na umuwi dahil narin sa mga batang kasama namin. Nagligpit kami ng mga gamit sa opisina bago lumabas at binilinan si Lin na sya na ang bahala.

Tahimik akong nakatingin sa dalawang bata na masayang nakikipag kwentuhan kay Kulit. Nakasakay kami ngayon sa elevator at kaming apat lang ang nandito. Pero pakiramdam ko hangin lang ako sa kanila o di kaya naman ay nakalimutan nilang may iba pa silang kasama.

Naiinis ako kapag napapatingin sakin ang dalawa na ngiting-ngiti habang kausap ang asawa ko. Oh yeah I prefer to call her wife dahil do'n din naman ang punta namin. Magiging asawa ko din naman sya at kung pwede lang sanang pakasalan ko sya ngayon gagawin ko na.

"Tara na, kuya?!" Napatingin ako kay Peter na nasa harap ko.

"Tss, don't talk to me, kiddo!" Inis kong sabi at lumabas ng elevator.

Nauna ako sa kanilang tatlo na maglakad pero bigla akong napahinto ng may pumasok na maarteng babae at may kung anong sinabi sa nagbabantay sa lobby.

Nanlaki ang mga mata ko ng makita syang lumingon sakin. Tumalikod ako at lumapit kina Kulit at hinawakan sa kamay si Peter na takang tumingin sakin.

"What's with you, kuya? Kanina lang ayaw mo akong kausapin diba?" Takang sabi nya kaya napatingin ako kay Kulit na kinunutan ako ng noo pero pilit na nginitian ko sya.

"I just realized that I miss you, little bro!" Sabi ko at tumingin kay Khian na ngumiti lang sakin.

"Tara na?!" Aya ni Kulit at hinila si Khian pero napahinto din ng hindi mapansing hindi kami sumunod ni Peter.

"What the? What's your problem, kuya? Bakit hindi tayo sumunod kina ate Jk?" Kunot noong tanong ng kapatid ko.

"A-ah tara na?" Alinlangan kong sabi at hinila sya palapit kina Kulit na naka kunot ang noong nakatingin sakin.

"Nagiging wirdo kana alam mo yun?" Bungad sakin ni Kulit pero inilingan ko lang sya at naglakad na ulit kami.

Inaasahan ko nang sasalubungin kami ng babaeng maarte at hindi nga ako nagka mali ng humarang sya sa daanan namin kaya napahinto kami sa paglalakad.

"Waaaaaah buti nalang tama ang nakita ko na you're here nga?!" Sabi nya at hindi ko inaasahang yayakap sya sa braso ko.

Ngiting-ngiti sya sakin at ilang na tumingin ako sa dalawang bata na parang hindi nila nagugustuhan ang nakikita nila lalo na ang babaeng naka yakap sa braso ko.

"Waaaah you are here din pala, little boy!" Sabi nito sa kapatid ko habang naka yakap sa braso ko pero inirapan lang sya ng kapatid ko. "Ang sungit mo naman, little boy, hi sayo isa pang little boy. Kaano-ano mo itong little boy na 'to at ang savior ko?" Tanong nya kay Khian na nginiwian sya.

"Savior mo? Sino?" Kinabahan ako ng sumabat na si Kulit at takang nakatingin dito sa maarteng babae na 'to.

Napapalunok na tumingin ako sa kanya pero wala naman sa mukha nya ang pagseselos. Taka lang ang makikita ko sa kanya at wala ng iba. Nakikita ko ring napapatingin sya sa braso ko kung saan naka yakap itong babae na nasa tabi ko at takang titingin sakin.

"Yes, itong si Matthew ang savior ko. Wanna know why? Kasi muntik na akong masagasaan pero hinila nya ako kaya nasugatan sya sa ilang bahagi ng katawan nya... I'm thankful na hindi masayadong malalim ang sugat nya!" Kwento nitong babaeng 'to kaya napa pikit ako dahil sa inis at tumingin sa kanya.

"Will you please stay ayaw from me? If you came here to thank me you can go now, you're welcome!" Tinanggal ko ang kamay nya sa braso ko at akmang yayakap ulit sya ng lumapit ako sa tabi ni Kulit kasama si Peter.

MS.MAKULIT NA MISTERYOSO MEET MR.MASUNGIT (PART TWO)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon