Revenge 38 (3.2)

161 9 0
                                    

Chapter 38


PANGALAWANG ARAW na akong nakahiga parin. Hindi makalabas sa kuwartong ito. Pwede lang akong tumayo kapag maghuhugas ng katawan at maglabas ng dumi sa katawan. Hindi nila ako pinapayagan na lumabas, kailangan ko daw talagang magpa-galing at ang mga salita at bilin nayun ay galing sakaniya... Kay Kiro.

Ang sabi niya sa akin maghintay raw muna ako dahil ipaghahanda niya ako ng pagkain. Like what he always did for me and what I've always like to him, ang pagluluto niya ng pagkain para sa akin.

Sinabi narin sa akin ni Tatang na wala daw ibang ginagawa si Kiro kundi magbantay ng magbantay sa akin rito kapag natutulog ako. Pero hindi ko naman nakikita yun kasi tulog ako at kapag gising naman ako ay nakikita kong wala na siya rito o kaya naman may mga gagawin na raw siya.

Ang problema ko pa ay ang hindi namin masyadong pag-uusap ni Kiro ng maayos. Kahit nakahiga ako rito ay problemado parin ako sa iniwanan naming pag-aaway nun ng dahil kay Tydeus.

Naba-bahala nalang din ako na baka kaya niya ginagawa na pag iwas na kagaya ng nangyari ngayon ay dahil sa galit siya sa akin. Pero hindi ko rin naman masabi kasi ngumingiti naman siya sa akin, kagaya ngayon.

Bumukas ang pinto at nakita ko siyang pumasok na may hawak na tray. Kagaya ng nakita ko sakaniya ay malaki ang ngiti sa mga labi niya at ibinaba ang tray sa gilid. Umupo siya saglit. Pinagmamasdan ko ang bawat galaw niya ay siya namang seryoso ng muka niya. Parang hindi ko kakayanin kung ganiyan siya sa harapan ko. Hindi naman siya ganito kung walang problema.

Bago pa siya makaupo para pakainin ako ay hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya. Na siyang nakapag pahintong sakaniya.

"Love..." kahit paos pa ang boses ko ay napalingon parin siya sa akin.

"Hmmm... Y-yes love?" kumurap siya ng dalawang beses at tumingin siya sa kamay kong nakahawak sa braso niya.

"Can we talk?" huminto siya at hinawakan ang kamay ko. Sabay kuha niya ng bangko. Tumango-tango pa siya at ngumiti sa akin.

"Sure... Okay, so what do you want to talk about?" bumuntong hininga ako.

Fine, if being straightforward for him was easy then I will do it then.

"You mad at me?" matiim kong tinignan ang muka niya. Halata naman kasing nagulat siya sa tanong ko. He chuckled.

"No. Bakit naman ako magagalit sayo? May ginawa ka bang kasalanan sa akin, wala naman hindi ba?" he lied.

"Kung hindi ka galit sa akin, bakit mo ako iniiwasan? Bakit hindi ka makatingin sa mga mata ko kapag tumitingin ako sayo?" ayokong alisin ang tingin sakaniya. Gusto kong tumingin din siya sa akin kagaya ng pagtingin ko sakaniya, pero hindi nangyari yun. Dahil ngumiti lang siya at kinuha muli ang tray.

"Love, this is not the time para pag-usapan yan okay? You should eat first and rest well para makaalis kana dito. For sure alam kong nababagot kana rito lalo na't ikaw lang ang palaging nandito, mag isa. So you better eat na para makapag pahinga kana ulit ng maayos" hindi ako nagsalita sandali at tinignan lang siya.

It's obvious, iniiwasan niya ako. He's changing the topic. Bumuntong hininga ako at tinignan siya.

"No. Wala akong gana" nakita ko ang ekspresiyon niya na naiinis.

"You have to eat, hindi ka makakaalis dito kung hindi ka gagaling" Diin niya sabi.

"Kung hindi ka aamin sa akin mas gugustuhin kong manatili nalang dito, para araw-araw kong tatanungin ito sayo hanggang sa magsawa ka sa tanong na to at sagutin mo rin ang tanong ko" he sighed again. Binitawan niya ang tray na hawak niya at hinaplos haplos ang buhok ko.

Taking Revenge (Completed)Where stories live. Discover now