Revenge 20

250 12 0
                                    

Chapter 20



WALA akong balak na lumabas ng kwarto. Ayoko silang makita. Baka kung ano na naman ang pumasok sa isip ko kapag nakita kona naman silang dalawa. Konting-konti tatawanan kona sarili ko. Dito muna ako hanggang sa umalis ang babae nayun. Kung gusto naman niya sumama na umalis at bumalik doon, sige. Magsama sila.

Tutal nakatagal naman ako ng mag isa kahit wala siya dito.

Kaso nakaramdam ako ng gutom. Feeling ko kulang yung nakain ko kanina- hindi konga pala naubos yung ihinain kong pagkain kanina. Sa inis ko humiga nalang ako ulit at nagtalakbong ng kumot.

Pumikit nalang ako sandali at ininda muna ang gutom. Hindi ko parin kasi naririnig na sumarado ang pinto. Siguradong nanjan parin sila sa loob ng kusina o baka naman ay nasa kwarto parin sila. 'Ginagamot ang isa't isa'.

Kaso ng pumikit naman ako. Naimagine ko na naman na nakita ko silang dalaw na pumasok dito sa loob at nagngingitian sa harapan. Like wtf? Nakakabanas na!

Sa pag iinarte ko, nakarinig ako ng pagsarado ng pinto. Naalarma ako agad at napaalis sa pagkaka-talakbong. Halos gulo-gulo pa ang buhok ko. Muka akong stress kahit napakalayo naman ng nasa isip ko.

Dali nalang ako bumangon sa higaan at nag ipit ng maayos, baka sakaling silipin lang muna at baka wala na sila. Sa saktong pagbukas ko ng pintuan ay halos mag sitayuan ang mga balahibo ko. Na para bang bibigay ang dalawang tuhod ko sa nakita ko palang.

Tumikhim ako nagpabalik balik ng tingin sakaniya. Pati rin siya ay nagulat sa pagbukas ko ng pinto. Mukang kakatok siya. Tangina bakit kasi nandito siya?

"Bakit nandito ka?" malumanay kong tanong. Napabuka naman ito ng bibig ngunit walang inilabas na salita.

"Ahh, uhm ano, hinatid kona lang kasi siya sa labas. Anjan narin kasi ang sundo niya kaya sa labas nalang ng pinto ko siya hinatid, hindi pa kasi ako ganon karunong mag drive ng kotse kaya ganon..." paliwanag niya. Napapikit nalang ako at tumango.

Bakit ngayon hindi ako makasalita sakaniya?! Andami kong gustong itanong sakaniya kanina, tapos ngayong nasa harapan ko siya tameme ako? Tanga!

Humigpit ang kapit ko sa doorknob "Ah yung babaeng mahinhin kunwari" pabulong kong sabi.

"Ha? Ano kamo?" tanong pa ni Kiro sa akin. Umiling lang naman ako.

"Wala. Kako, Marunong ka naman na mag maneho. Naihahatid mona nga ako kung saan diba?" what? Tf is that Devi?

Kung ano nalang ang lumabas sa isip ko na dapat kailangan ko talagang kumalma. Tangina ano bang ginagawa ko. Parehas lang kaming naiilang sa ginagawa namin.

Seconds past, nakita kona ang pag ngiti niya sa akin. Kahit naiinis ako ng makita yon, parang may kakaiba sa pag ngiti niya, para bang ngayon lang mas naging malawak yun ng nasa harapan ko. Hindi Ito katulad ng pag ngiti niya sa babae nayun.

"Tama karin naman. Medyo may alam narin naman ako pero magkaiba naman yung sayo at sakaniya" paliwanag niya ulet "Kapag sayo nakakatakot mag drive ng mabilis kasi baka uminit ang ulo mo. Na hindi katulad kay Joyce ay gustong gusto ng hataw sa pagda drive, natatakot ako"

"Mabilis uminit ang ulo ko?" mataray kong tanong. Ah talaga ba?

"Ibig kong sabihin, nagugutom kana ba? Nagluto na ako kanina, pinagluto-" tumindig ako ng tayo at tumingin sakaniya ng seryoso. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Katatapos ko lang din na kumain kanina. Wala na akong gana para kumain" palusot ko. Kahit kating-kati na talaga akong kumain, nagpipigil pako.

"Tapos ka ng kumain kanina? Diba hindi mo naman naubos yung pagkain na nailuto mo at tinakpan mo lang sa lamesa. So pano mo nasabing busog ka?" wala, wala akong takas sa mga pinag sasasabi niya saken.

Taking Revenge (Completed)Where stories live. Discover now