Revenge 14

286 19 1
                                    

Chapter 14


GABI na ng marating ko ang bahay ni Tatang. Na dapat sana ay pupunta ako ng hideout. Hindi naman ako natuloy dahil gusto ko munang bisitahin si Tatang sa bahay niya. Kailangan ko siyang kausapin tungkol doon sa kasong pinapaayos niya sa amin.

Tahimik lang akong naglalakad papasok hanggang sa nakita ko ang pinto at binuksan ko kaagad iyon para pumasok sa loob.

Mukang alam din kasi ni Tatang na pupuntahan ko siya. Gusto ko kasing tinatanong siya kung anong dapat pang gawin sa mga trabahong ginagawa namin. Kaya hindi maiwasan na para niya talaga akong anak. I just like to learned more.

Habang diretso ang lakad ko ay napahinto ako saglit. Halatang bago ang lahat ng nagbabantay sa bahay niya ngayon. Siguro ay naghihigpit siya. Kibit-balikat nalang ako at nag diretso sa paglalakad. Pero sa pangalawang ulit, napahinto na naman ako ng biglang dumaan ang isang babae na naka suot pang maid.

Tumigil pa siya sa paglalakad dahil nakita niya atang nakatingin ako sakaniya. Huminto naman ako para hintayin na lumapit siya sa akin.

"Excuse me po Miss. Sino po ang hinanap ninyo?" tanong nito sa akin. Ngunit hindi ko naman alam kung bakit napaatras siya sa pag-tingin ko sa kaniya.

"Nandito ba si Tatang?" tanong ko dito.

"Kayo po ba si Devi?" gulat na sabi niya. Tumango ako.

"Ako nga" nagulat pa siya at lumaki ang mata. Kaagad naman itong napatango at itinuro kung saan ang direksyon ni Tatang.

"Sorry po. Dito po tayo" anyaya niya pa sa akin.

Walang kibo naman ako na sinundan siya hanggang sa umakyat kami pataas ng hagdan. Pansin kona naman na lumingon siya ulit sa akin. Halatang may gustong sabihin.

"May problema ba?" tanong ko. Umiling naman Ito.

"W-wala naman po. Babago kolang din po kasi kayo makita, hindi po katulad doon sa litrato na nakita ko. Mas maganda po pala kayo sa personal" Ibubuka kona sana ang bibig ko ng huminto naman siya

"Narito na po tayo. Kung may kailangan pa po kayo sabihan niyo lang po ako. Mauuna na po ako sainyo"

"Salamat"

"W-walang anuman po ma'am" yumuko naman ito ulit at nag paalam na sa akin bago umalis.

Hindi naman mawala sa isip ko ang sinabi niya kanina. Wala Naman akong kaalam alam na kilala ako nung babae nayun. Wala din namang nasabi sa akin si Tatang na pinapakita niya ang mga litrato ko dati sa iba. Kaya paanong kilala niya ako at ako hindi?

Bago lang siya sa paningin ko. Maaaring bago siya rito. Kagaya nalang din ng ibang mga bodyguards na nasa labas kanina.

I sighed. Should I change my poker face?

Hinayaan ko nalang at bubuksan na sana ang pinto ng mapansin ko ang panyo na nasa sahig. Itinaas ko ng bahagya ang paa ko para kuhanin Ito. Pagkataas ko nito at wala namang nakalagay na pangalan. Tanging dumi lang din galing sa sahig.

Sa babaeng kausap ko siguro Ito kanina. Hindi niya lang napansin.

Ibinulsa ko nalang Ito at dumiretso nalang na kumatok sa pintuan. Rinig kona kase kanina na may nag uusap sa loob, kaya mas mabuting kumatok ako. Ilang sandali pa.

"Come in" pumasok naman ako kaagad at isinarado ang pinto.

Napatingin ako kausap ni Tatang ngayon. Nakatingin sila sa aking dalawa at napahinto sa kanilang pag-uusap. Kaagad akong lumingon kay Tatang at yumuko sa harapan ni Tatang. Tumango naman sa akin si Tatang at humarap na ulit sa kausap niya.

Taking Revenge (Completed)Where stories live. Discover now