Revenge 28

200 9 0
                                    

Chapter 28

PAGKATAPOS ng insedenting iyon. Maayos naming inilibing ang katawan ni Emidy. Alam namin na huli na ang lahat, pero sinubukan parin namin siyang isinugod kagabi sa hospital. At hindi naman inaasahan na ang sabi ng doctor sa amin ay 'dead on arrival' na si Emidy.

Hindi sa hinayaan namin siyang mamatay pero alam ko at alam naming dalawa ni José na handa na talaga siya para sa pangyayaring yun. Handa na siyang mamatay at kusa niyang tinanggap yun.

'My life would be useless if all my strength was gone from my life'

That was the last words she told us, when she committed suicide and shot herself.

Oo pagkakamali ang ginawa niya, pagkakamali ang pagpatay ng sarili pero hindi ko siya maaaring pigilan kung yun ang gusto niya. Sadyang alam ko may panahon pa para magbagong buhay pero kitang kita ko sa mga mata niya na nagsasabi siyang 'hayaan nalang siya' at yun ang ginawa ko.

I kept her alive, but she chose to commit suicide and leave her life here that full of misery.

Sunod sunod ang mga pangyayari. Sunod sunod din ang bawat nalalaman ko sa pamilyang meron siya. Alam kong kasing pinatay ko ang Papa niya, yun ay si Keisuke.

Maaaring alam man niya o hindi ang tungkol sa ginawa sa akin ng Papa niya pero hindi kona sinabi yun. Kahit ganon siya alam kong mabait siya, kaya ganon nalang ang pagka protekta niya sa kapatid niya. Ginampanan niya ang pagiging ate at magulang sa kapatid niya mailigtas lang ito sa kadiliman, pero hindi niya alam na ganon padin ang mangyayari.

Siya din pala ang batang nakita ko noon sa mall. Sadyang napaka bilis lang talaga ng pangyayari at hindi ko namalayang ganon pala ang kahahantungan ng buhay niya.

Sinira ko ang pamilyang mayroon siya.

Kasunod ng gabing pangyayari na pinatay ko si Keisuke. Doon din pala namatay ang Mama niya dahil sa atake sa puso. Doon ko lang din nalaman na 12 yrs old lang siya ng sabay na namatay ang Mama niya at si Keisuke. Kaya pala ganon nalang ang pagkalaki ng galit niya sa akin. Bigla ko nalang din naalala ang bawat salitang binitawan niya nun sa akin ng gabing yun.

Galit siya, galit na galit siya. Kasi alam niyang nakikita ko ang batang kapatid niya at dahil noong pangyayaring una kaming nagkita ni Emily ay tinanggap na talaga niya sa sarili niya n 'okay lang na ibenta ang sarili niya, huwag ang madamay ang kapatid niya'.

Masakit lang isipin na kailangan mo pa palang mag tiis ng sobra sobra para lang talaga sa mga taong mahal mo. Mas mabuting ikaw nalang ang aako kesa sila pa ang mahirapan.

At yun ang kailangang tanggapin bilang isang siya, bilang isang tao. Iyon din ang pinaka masakit bilang isang tao. Kailangan mong tanggapin na hindi ikaw palagi ang may hawak ng buhay mo, sadyang tama nga talaga ang sabi. Na 'ang buhay ay sandali lang ibinigay sa atin'.

Akala ko ang pagliligtas o pagbibitaw ng pangako madali lang sabihin. Pero pag nakaligtaan natin, hirap na natin itong alalahanin. Pero wala namang pangako lahat ay matutupad hindi ba?

In the end, it became a useless promise, my useless promise. Nakakapag sising magbitaw ng mga pangako, lalo na't pag sisisihan din naman sa huli.

Kasunod nun, kahit isa man na magawa namin para kay Emidy ay ipakulong and mga magulang na kumupkop sakanila. Hinayaan ko nalang ang nga pulis na silang mamahala sa dalawang magulang na kumupkop sakanila. At hinding hindi na ako papayag na makawala pa sa kulungan nayun.

"Come on, let's let her be happy where she wants to Devi "José turned to me" Maybe she wants us to let her go too" ngumiti siya ng masabi iyon.

I was silent for a moment and looked at Jose. Noon kahit ganito magsalita sa harapan ko si José naiirita ako, kasi minsan lahat ng sinasabi niya muka lang biro. Pero ngayon naiintindihan kona din siya.

Taking Revenge (Completed)Where stories live. Discover now