Revenge 3

444 75 2
                                    

Chapter 3



KASAMA ko ngayon si Kiro sa isang silid kagaya ng nabanggit sa amin ni Tatang. Narito kami ngayon sa isang bahay na bagong malilipatan namin. Sakto lang ito para sa aming dalawa. May dalawang kwarto ito, kulay puting ding-ding, malaking kusina at may banyo.

Pagkatapos naming nalibot iyon ay iniwanan na kami ng isang babae na may ari ng bahay na ito. Ibinigay niya narin sa amin ang susi. Sumang ayon nalang ako habang nilalakad ang buong bahay.

Sa tingin ko ay maganda narin ito, pero ang tanong ko lang din sa sarili ko, kailan kaya kami mananatili dito?

Unlike him. Na kanina pang bata na akala mong tuwang tuwa. He always act like a kid. Kung saan-saan na kasi ito nakakarating, parang kiti-kiti.

Mayroon na itong mga muwebles mula narin sa ding-ding, hanggang sa baba. Kahit papano ay mababawasan din ang pagbili namin ng mga gamit.

"Maganda dito noh?" tuwa niyang sabi. Tumango lang naman ako.

"Oum" kaagad din naman siyang umalis dahil pumasok siya sa isang kwarto. Umiling nalang ako at ngumiti.

Sinundan ko ang lalaki mula sa kwartong pinuntahan niya para tignan kung ano ang ginagawa niya. Lumapit ako sa pintuan at ng buksan ko ito ay nakita ko siyang walang suot na pantaas kaya iiwas sana ako ng tingin, pero huli na ng makatingin siya sa akin.

"Anak ng kalabaw! K—kanina ka pa nanjan?" sigaw niyang sabi.

My mouth was still shut. Pinipigilan ko kasi yung kaba ko. I just don't know what to do. Halatang wala siyang balak na mag suot ng damit. Kabado akong napalunok.

I hope he knows that I can't think straight because he's not wearing his clothes. For goodness sake!

Pasimple akong tumingin ulit sa walang pantaas niyang damit. Damn, even though he is annoying when he messes me up, I can say he has nice abs, he has a nice body-shape. His hair was messy too, his eyebrows were very thick, unlike his lips which were so thin and just exactly what?

Mahina akong napamura at mariin na ipinikit sandali ang mata, sabay ng pagmulat ulit. What am i doing. Umiling nalang ako at lumapit saglit para umupo sa higaan sabay pinagmasdan ang kwarto.

Pasimple siyang lumapit "Maganda dito diba, gusto mo dito ka nalang?"

"Gusto ko sa kabila" sagot ko.

"Teka, bakit maganda din naman dito ah tsyaka nakita mona ba yung kabila? Sandali nga at mapuntahan ko" dali-dali naman siyang pumasok sa kabilang kwarto na sinabi ko.

Mas lalo tuloy akong napatawa. Binibiro ko lang naman siya at ang totoo pa niyan ay hindi ko padin naman napupuntahan ang pangalawang kwarto. Ang bilis niya talagang maniwala.

Sumunod ako sa kaniya papunta ng kabilang kwarto at naabutan ko siyang nakahiga na sa kama. Pagpasok ko sa loob ay napukaw ng paningin ko ang disensyo ng kwarto.

"Akin na itong kwarto, sayo nayung isa. Pwede?" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Nanatili parin kasi na nakasarado ang mata niya.

Baka nakakalimutan niya na tuwang tuwa siya doon sa unang pinasukan namin na kwarto. Tapos ngayon, heto naman ang gusto niya?

"No way"

"Yes way!" hirit niya pa "Akin nalang ito Devi sige na" makaawa niya pa.

"Parang kanina lang tuwang tuwa ka sa kabilang kwarto. Tapos ngayon gusto mona dito?" suplada kong tanong.

Itutuloy kopa sana ang sasabihin ko ng mapansin ko ang tikom at gulat na reaksyon niya. Ano na naman bang mali sa sinabi ko?

"Did u just say so many words to me?" lumaki pa ang mga mata nito.

Taking Revenge (Completed)Where stories live. Discover now